Chapter 33

494 20 0
                                    

Chapter 33

Pulo’s POV

“Hi there,”malapad ang ngisi ko nang makita ang isang babaeng nasa gilid. Tinignan niya lang ako sandali at hindi pinansin. Bahagya namang napakunot ang noo ko nang makita ang tinitignan niya. Si Jett, isa sa mga celebrity na hawak ni Papa.

“Type mo si Jett?”tanong ko sa kaniya.

“Can you fuckin’ go?”iritado niya ng tanong sa akin. Mukha pa siyang nawawalan ng pasensiya kaya bahagya akong napatawa. Cute.

“Pwede kitang ilakad kay Jett.”nakangiti ko pang saad sa kaniya. Ulol, Pulo, if I know gusto mo lang naman talagang solohin ang babae.

“Excuse me.”aniya pa nang makita paalis na ‘yon. Bukod sa maganda talagang ganda ng katawan nito. Ang problema lang ay mukhang hindi siya interesado sa akin. Aminado naman ako na hindi lahat ay magkakaroon ng interes sa akin but the problem is interasado talaga ako sa kaniya.

“Come on, let’s just have fun. May girlfriend na ‘yang si Jett.”ani ko sa kaniya kaya agad siyang nahinto. There. I got her attention.

“May girlfriend? Sino?”tanong niya sa akin. I know that it’s confidential at papatayin ako ng tatay ko kapag nagbigay ako ng impormasiyon tungkol sa mga artista niya.

“Hmm, that’s a secret.”ani ko na sinamahan pa ng tawa ngunit mukhang hindi man lang siya natawa. Maya-maya ay nakita ko pa ang malapad niyang ngisi bago ako nilapitan. The not so interested girl from before became a really different person. She became bolder, dahan dahan siyang lumapit sa akin bago niya nilapit ang bibig sa tainga ko.

“Tell me… who is it?”tanong niya. Ramdam ko pa ang pagdampi ng mga labi nito sa akin. Hindi ko na lang din namalayan na nasabi ko na kung sino. Mabilis din siyang tumayo dahil do’n at kita ko pa ang pagtakbo niya palabas upang sundan ata sina Jett.

I was really disappointed. Napaupo na lang ako sa kinauupuan niya kanina. Sa madilim na parte nitong party. Dapat kasi’y nilagyan nila ng liwanag dito, edi sana kita niya na mas gwapo ako kay Jett. Ni hindi ko man lang natanong ang pangalan! Heck.

Hindi tuloy ako nakatulog ng gabing ‘yon kaiisip sa babae. Nagawa ko pang tanungin ang guestlist at imbis na abalahin ang sarili sa trabaho, mas naging abala pa ako sa pagtingin ng mukha nang mga babae roon. Iritado naman ako nang hindi ko man lang siya nakita sa kahit na anong dokumento.

“Sigurado ka bang ito na ang lahat ng dumalo sa party?”tanong ko pa. Alam kong hindi ako makakatulog hangga’t hindi nasasagot ang mga katanungan. Maski sa circles ni Jett ay hindi ko siya mahanap, akala ko pa’y girlfriend niya ito sa paraan ng pag-asta niya ngunit mukhang hindi dahil masaya naman si Jeyt sa girlfriend niya lalo na nang maging bali-balita na sila talaga.

Years have passed and I thought I’ll never meet that girl again…

“Bro, sikat ka nanaman.”natatawang saad sa akin ni Red na pinakita pa ang news tungkol sa akin na kasama ang isang artista. Natawa na lang ako, pagtatakpan din naman ‘yan ni Lolo, wala ring kwenta kung mahuli nila ako o ano.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now