Chapter 37

449 11 0
                                    

Chapter 37

Leo’s POV

“Grabe, bigatin talaga mga nagiging ex mo, Leo,”nakangising saad ng mga kasama ko sa trabaho. Hindi ko naman maiwasang mapailing dahil sa paraan ng pagtingin nila sa akin. Para bang ako na ang pinakaswerteng babae sa paningin ng mga ito.

Ang tagal bago sila natapos sa usapan tungkol sa kaniya, akala ko nga’y buong gabi nila ‘tong pag-uusapan. Akala mo pa’y wala kami sa iisang kwarto lang nina Pulo kung makapagkwentuhan ang mga ito.

“Ayos na ang cake,”ani Gilbert. Kunwari pa ang isang ‘to, hindi ko alam kung nagtatatanga tangahan lang ba o sadyang hindi lang gustong umamin. Halata naman kasi na may gusto rin talaga kay Polka, bangayan nga lang sila ng bangayan. Nakangisi naman namin siyang tinignan kaya napatikhin na lang ‘to at nailing sa amin.

“Happy birthday, Polka!”sigaw namin kay Polka na siyang umarte pa na wari’y naiiyak. Tawang tawa naman kami rito, kwela niya namang hinipan ang kandila ng kaniyang cake. Nakailang kuha pa kami ng litrato hanggang sa hinihila na ako nito.

“Dance floor na, Leo!”excited niyang saad. Napatawa naman ako roon, ito ang gawain namin dito pero hindi ko alam kung magagawa ko nga bang makapagconcentrate ng maayos lalo na’t nasa iisang lugar lang kami ni Pulo. Minsan ay napapatingin siya sa akin, nagshoshot na kasi silang mga lalaki. Parang sa isang iglap lang ay kaibigan niya na ang mga ito. Mukhang ang dami pa nilang napagkukwentuhan.

“G na, Leo? Paramihan nang hihingi ng number?”nakangisi niyang tanong sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapatawa roon at napatango na lang. Siya ang nanalo no’ng nakaraan dahil hindi ako mapakali sa isipang naroon si Pulo pero mas lalo naman ngayon dahil talagang nandito siya.

“G!”sambit ko na lang dahil nakita kong napatitig siya at mukhang nagtataka pa sa usapan namin ni Polka.

“’Yan nanaman kayo sa paligsahan niyong ‘yan, hindi ka ba nagsasawang matalo sa kamandag niyang si Leo, Polka?”tanong ni Carol.

“Te, huwag ka! Nanalo ako noong nakaraang gabi, nangangalawang na ‘yang si Leo.”natatawang saad ni Polka na siyang tinawanan ko. Nagtungo naman na kami sa labas, dinig na dinig agad ang malakad na tugtog. Pagkalabas pa lang namin ay may kinikindatan na agad si Polka. Hindi ko mapigilan ang tawa ko nang makitang nilapitan agad siya nito. They talk for a while bago tinaas ni Polka ang cellphone no’ng lalaki, sa ilang segundo ay kinuha na nga nito ang number niya.

I want to flirt but I can’t really find someone to flirt with maliban sa isang tao. Siya lang ng siya ang naiisip ko kahit hindi naman talaga pupwede. Napanguso na lang ako bago nagtungo na lang ako sa may bartender para humingi ng alak. Habang sumisimsim ako roon, natigilan ako nang makitang lumabas din ang ilang kaibigan sa loob ng vip room at mukhang balak ditong magparty dito sa labas. Nakita ko agad si Pulo na siyang nasa gitna nila.

Agad ding nagkasalubong ang mga mata naming dalawa kaya pinagtaasan ko na lang siya ng kilay at pasimpleng nag-iwas ng tingin wari’y nadaanan lang siya ng mata ko kahit na ang totoo, siya naman talaga ang gusto kong pagmasdan.

“Hey,”bati sa akin ng isang lalaki nang lapitan ako. Ngumiti naman ako sa kaniya. Tamang tama, I really need distraction right now. Para akong masisiraan ng bait kung patuloy ko pang iisipin si Pulo. 

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now