Chapter 29

430 16 1
                                    

Chapter 29

Leo’s POV

“Ano nanaman ‘yang dala mo, Pulo?”tanong ko kay Pulo nang makita na ang dami niya nanamang regalo kay Jia. I know na bagong taon at kapag may okasiyon talagang may dala siya pero kahit na, mahigit sampung paperbag ang dala niya. Kung ano ano nanaman ang pinamili.

“It’s my gift for Jia!”aniya pa na napanguso. Tinignan ko lang naman siya na hindi makapaniwala. Hindi niya naman pinansin ang tingin ko at isinakay na lang sa kotse niya ang lahat ng ‘yon.

Nailing na lang ako roon, balak ko pa siyang pagalitan ngunit napangiwi na lang nang makitang wala siyang balak makinig. Kahit na malapit na kaming mag-isang taon, nag-aaway pa rin kami sa mga simpleng bagay, paano’y parehas kaming mapang-asar at parehas pang pikon, sa huli tuloy parehas din kaming bwisit.

“Pangit mo.”ani ako sa kaniya kaya inirapan niya ako.

“Ganda mo e.”aniya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Sarkastiko kasi ang pagkakasabi.

“Ganda mo, Lods.”sambit niya na hindi na sarkastiko ang tinig ngayon. Hindi ko naman maiwasan ang pag-irap sa kaniya dahil do’n.

We’ll celebrate our new years eve in the hospital. Noong pasko’y sa bahay siya nila dahil ayaw pumayag nina Tito kaya nagkasundo silang dito siya sa new years eve.

Nang makasakay sa sasakyan niya, kita ko ang tawag mula kay Iska. Nakaramdam naman ako ng bahagyang pagkalungkot ng sagutin ang tawag nito. Nagbreak sila ni Silas noong nakaraang buwan. We don’t really know the reason why. Ang sabi ni Pulo’y, he’s a mess noong unuwi siya galing sa trip nila from elyu. I think ganoon din si Iska noong umuwi naman siya sa bahay nila sa laguna. Pagkatapos din kasi nang araw na ‘yon, umalis siya rito sa manila para sa laguna manirahan.

Noong una’y pansin na namin na mayroong kakaiba sa kanilang dalawa, hindi naman din kami nangialam kahit na pa gustong gusto namin silang tanungin. That’s their relationship to begin with, hindi naman pupwedeng kami ang magdesisyon para sa mga ito.

“Hi!”nakangiting bati niya nang sagutin ko ang tawag.

“Hello!”bati ko rin sa kaniya pabalik. Kahit na hindi na siya nakatira sa manila, kahit paano’y hindi pa rin nawawala ang komunikasiyon naming dalawa. I know she’s now doing her best to be better. Ang dami niya ng pinagpasahan ng manuscript niya and she’s good kaya alam kong makukuha niya rin ‘yong mga bagay na para sa kaniya. Hindi ko nga alam kung bakit ang baba ng confidence ng babaitang ‘yan e.

“Happy new year!”sabay naming saad sa isa’t isa.

“Kumusta? Hindi ka ba dadalaw man lang?”tanong ko sa kaniya.

“Hindi na siguro muna, medyo busy pa sa ngayon.”aniya na ngumiti rin sa akin. I know that she’s busy but I also know kung ano ang isa sa mga rason kung bakit ayaw niyang dumalaw. Paniguradong dahil pa rin kay Silas.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa at paminsan minsan ay sinasama si Pulo na siyang nagmamaneho. Hindi naman namin binibring up si Silas kapag nag-uusap kami. Ganoon din kapag kausap naman namin si Silas, hindi nasasama sa usapan si Iska. Parehas naman silang kaibigan kaya minsan ay hindi rin talaga maiwasan na manghinayang sa mga ito. Kita pa rin kasi namin kung gaano nila kagusto ang isa’t isa. Nasubaybayan talaga namin ang istorya nilang dalawa.

Natapos din ang usapan namin dahil tinatawag na siya ng Mama niya. Malapad naman akong ngumiti habang nagpapaalam sa kaniya.

“It’s kinda sad that they really end their realationship.”ani ko nang naglalakad na kami ni Pulo patungo sa hospital. Ang dami naming dala dahil may mga pagkain din akong niluto para icelebrate ang new year kasama sila.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now