Chapter 49

569 11 0
                                    

Chapter 49

Leo’s POV

“Anong wala kang pamilya? Kung gusto nilang mamanhikan, papuntahin mo rito, pamilya mo kami,”ani Aling Nora.

“Chismosa lang kami pero talagang totoong pamilya ang turing namin sainyo,”aniya sa akin kaya nginisian ko siya at naningkit pa ang mata.

“Sus, sabihin niyo ho, Aling Nora, sumisipsip lang kayo sa akin dahil mag-aasawa ako ng mayaman,”natatawa kong biro.

“Isa na rin ‘yon,”aniya kaya napatawa na lang ako at naiiling na lang din sa kaniya.

Iniabot naman na niya ang order kong pagkain, hindi ko maiwasang mapangiti dahil do’n. Kahit paano pala’y may matatakbuhan din ako sa mga ganitong bagay. Nakikipagchikahan lang ako rito at nabanggit ko na wala ng manhikan na ganap dahil wala naman akong pamilya.

“Basta, kapag kailangan mo ng kausap, sabihan mo lang ako, sagot kita,”aniya at nilapag na rin ang kanin sa akin.

“Nasaan na pala ang fiancé mo? Hindi ko na gaanong nakikita, ngayon atang kayo na huminto na rin sa pag-aasikaso sa’yo.”aniya na nakangiwi pa. Hindi ko naman maiwasan ang matawa dahil do’n.

“Busy po sa ngayon,”ani ko.

“Busy? Kahit naman busy siya noon nagagawa ka pa ring hatiran ng empanada, pandesal at kung ano ano pa tuwung umaga kaya paanong busy?”tanong niya na naiiling pa.

Well, kung busy na siya noon, triple ngayon, paano’y halos sa kaniya na lahat ibigay ng Lolo niya ang trabaho. Hanggang ngayon kasi’y hindi pa rin ‘to natutuwa sa desisyon ng kaniyang apo. Kada malalaman niyang may oras pa para magtungo si Pulo rito dahil nga marami siyang spy sa kompanya, dinadagdagan niya pa lalo.

Ayaw ko rin kasing paawat ng isang ‘yon, kahit na pagod na pagod na nagagawa pa akong sunduin. Ni wala na nga siyang day off dahil sa Lolo niya. Gusto niya mang tapusin ang trabaho, hindi niya rin magawa dahil may kasunod nanaman muli. Ganoon lang lagi ang eksena.

“Basher ka na ngayon, Aling Nora? Parang noong nakaraan lang ho’y botong boto pa kayo kay Pulo, ah?”natatawa kong tanong sa kaniya.

“Noong nakaraan ‘yon, noong nakikita ko pa kung gaano ka niya kagustong ligawan pero tignan mo nga ngayon, ni hindi ka na mapuntahan,”aniya sa akin.

“Busy nga lang po, Aling Nora,”natatawa kong saad sa kaniya. Hindi naman siya naniwala at kung ano ano pa ang pinagsasabi. Natawa na lang din ako at hinayaan siya.

Pagkatapos kong kumain ay sumakay na ako sa motor para magtungo sa opisina, I don’t really mind kung hindi ako masundo ni Pulo o ano, kung hindi man niya ako madalhan ng pagkain o kung ano ano pa. Hindi naman niya ‘yon kailangan gawin at hindi niya naman responsibilidad, kaya ko ang sarili ko. As much as possible ayaw ko ring iasa na lang sa kaniya lahat.

Parehas kaming pumasok sa relasiyon na ‘to, walang lamangan, naging kami dahil gusto namin ang isa’t isa, hindi dahil gusto namin ng may mag-aalalaga sa amin.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now