Chapter 42

445 12 0
                                    

Chapter 42

Leo’s POV

“If I were you, I’ll probably smack there faces.”ani Saturday sa akin kaya hindi ko maiwasan ang matawa.

“I know my worth, kapag nagloko edi salamat, nilayo ako sa gago.”ani ko na nagkibit ng balikat.

“It’s not like I don’t know my worth but before anything else, gusto ko munang kaladkarin ang kung sino bago ko iwan.”aniya naman. Hindi ko naman maiwasan ang mapatawa dahil do’n. Napakibit naman ako ng balikat dahil iba iba naman ang mga babae. May mga pinipiling manahimik na lang kapag nanggagalaiti sa galit at mayroon namang hindi matatahimik hangga’t hindi pa nagagawan ng kung ano ang tao.

Maya-maya lang ay nakatakas naman si Pulo sa kumpulan ng tao na gusto siyang kausapin, nang makarating sa gawi namin ay ngumiti na lang ng tipid.

“Rode trip na?”tanong kaya kaniya kaniya naman silang tango. Pinagamit niya naman sa isang pinsan niya ang motor na gamit ko bago kami sumakay sa kotse niya kasama ng kaniyang mga pinsan na babae pati na rin si Gun na siyang tinatamad daw magmotor sa ngayon. Maingay ang sasakyan dahil sinasabayan nila ang tugtog, idagdag mo pa na sobrang ingay namin nina Kyla.

Kung saan saan lang kami dinala ng kotse hanggang sa mapagpasiyahan na rin namang bumalik sa bahay nila.

Medyo late na rin kaya pagkatapos ng mga chechebureche nila sa katawan, nagtungo na rin kami sa higaan para matulog. Tabi-tabi lang ang mga ‘to, ang laki nga ng kama, pinagawa pa ata ng Lolo nila para sa mga apo. Nasa gitna ako ni Fermin at Kyla kaya talaga namang hindi kami matahimik na tatlo, kung ano ano lang ang pinag-uusapan namin.

Maingay pa rin dahil sa mga pinsan ni Pulo na lalaki, nasa isang gilid kasi sila at tawanan ng tawanan. Ang pasimuno pa roon ay si Pulo, siya pa man din ang panganay nila. 

“I really like your hair, Ate! Gusto ko ring nagpakulay ng ganiyang kulay.”sambit ni Kyla habanv hinahawakan pa ang buhok ko.

“Buti pupwede sa BLC ang ganiyan?”tanong naman ni Fermin.

“Pwede naman. Ako naman ang magtatrabaho, hindi ang buhok ko.”natatawa kong sambit. Nagkwentuhan lang kami ng mga random na bagay hanggang sa antukin na rin sila. Tulog na ata ang lahat habang ako’y naghahanap pa rin ng pwesto ko. Ni hindi ako makatulog.

Sa huli’y napatayo na lang din ako. Dahan dahan lang akong lumabas ng kwarto para magpahangin sandali, baka sakaling antukin na ako.

Palabas na ako nang mapansin ko si Saturday na siyang nakatulala lang sa isang gilid, mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko naman siya inistorbo at dumeretso na lang sa garden. Tahimik ko lang na tinitigan ang singsing na ibinigay ni Pulo. Madalas ay dala ko ‘to at hindi mabitawan sa kahit saan ako magpunta.

It’s a diamond ring. Parang nakakatakot ngang hawakan dahil halatang mamahalin. Saka idagdag mo pa na hindi ko pa rin alam ang sagot sa mga katanungan ko sa isipan ko. One moment, I’m sure na hindi ko talaga siya sasagutin pero isang segundo lang gusto kong sumaya. I want to be with him. Isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan ko.

“Kuya Pulo already propose to you, Ate?”halos mapatalon ako sa gulat dahil kay Saturday na biglang sumulpot sa gilid ko. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa kaniya dahil do’n. Umiling naman ako roon.

“He brought that years ago, akala ko ibinigay niya na noon sa’yo,”aniya sa akin. Ngumiti lang naman ako, sinubukan niyang ibigay ngunit hindi ko tinanggap. Naupo naman ‘to sa tabi ko habang nakatingin lang kamk sa madilim na kalangitan.

Flash News: Paparrazi InloveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant