Chapter 12

574 22 0
                                    

Chapter 12
Leo’s POV

“Are you okay?”tanong ni Daren nang pumasok sila sa kwartong pinagconfine-an ko. Nanatili lang naman na nakaupo si Pulo sa sofa. VIP room pa ang kwarto. Nanghihinayang na agad ako sa magagastos ko rito. Paniguradong malaki kahit isang buong araw lang.

“Does she looks fine with you?”sabat niya pa. Nakade quatro siya ng upo habang nakatitig sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya nagkunwari na lang siyang nakatingin sa buong kwarto. Tsk.

“Do you want to change room, Leo? We can go to my father’s private hospital.”sabi ni Daren sa akin.

“Private hospital na galing sa taong bayan na kayo lang ang nakikinabang?”tanong muli ni Pulo. Gago talaga, laging naghahanap ng gulo.

“Isa.”banta ko sa kaniya kaya natawa na lang siya bago zinipper kunwari ang bibig. Napairap na lang ako roon.

“Sorry sa motor mo.”

“It’s fine, you’re more important than that.”dinig ko ang munting halakhak ni Pulo. Tumayo na ako sa sobrang inis ko sa kaniya. Mapang-asar kasi, kita ko na napipikon na sa kaniya ‘tong mga kasama ko.

“Ang kulit mo, lumabas ka kaya muna.”

“What? I’m not even saying anything”

“Hindi nga pero nang-aasar ka riyan sa tawa mo!”masamang tingin pa ang ibinigay ko sa kaniya kaya napanguso na lang ‘to.

“Fine, I won’t laugh. I’ll just pretend that I’m a mushroom.”napairap na lang ako roon bago bumalik para kausapin sina Daren.

“Ipaparepair ko na lang motor mo, sorry talaga.”nahihiya pa rin ako sa nangyaring ‘yon.

“Pwede bang hulugan na lang?”tanong ko pa. Napalingon naman ako kay Pulo nang magtaas siya ng kamay. Parang sira talaga. Ano ‘to recitation? Nailing na lang ako bago siya pinagtaasan ng kilay.

“Ano?”tanong ko.

“You don’t have to worry about the motorcycle damage. Pinadeliver ko na ang bagong motor niya, same model as that. May freebie pa.”aniya na mukhang proud na proud pa habang sinasabi ‘yon. Kinunutan ko lang siya ng noo dahil do’n. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kahit na sino. Isa pa ang dami niya ng tulong sa akin, ayaw kong tanggapin.

“It’s fine, Leo, you don’t really need to do that. I understand what happened, I’m more worried about you than any other things.”nakangiting saad sa akin ni Daren. “And your motor, I’ll give it back. I don’t need it.”saad pa niya nang lingunin si Pulo na siyang nakataas lang ang kilay, nanatili rin ang ngisi mula sa mukha nito.

Nag-uusap pa kami sa nangyari nang biglang may nagmamadaling pumasok sa loob.

“Ano ba, Leo? Hindi ka ba talaga nag-iingat?!”nag-aalalang tanong ni Iska na siyang hindi maipinta ang mukha. Parang gusto niya pang mangurot habang nakatingin sa akin. Hindi ko naman mapigil ang pagngiti ko dahil do’n. It was nice having someone cares about you.

“Anong nangyari? Race race ka pa, race-in ko mukha mo e.”masamang tingin pa ang ibinigay niya sa akin bago niya ako hinawakan at tinignan ang aking katawan.

“Ayos lang ako, wala namang masakit. Saka kanina pa nga ako pinapauwi ng doctor. Iuwi mo na nga ako.”malapad pa akong ngumiti sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

“Huwag mo akong ngitian, kokonyotan kita e.”

“Kiss mo na lang ako.”malapad pa ang ngisi ko at tinapat ang mukha sa kaniya.

“Gago!”natawa na lang din siya dahil do’n.

“Leo… are you… “napatingin naman ako sa mga kasama ko dahil sa mga itsura nila.

Flash News: Paparrazi InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon