Chapter 20

546 15 0
                                    

Chapter 20
Leo’s POV

“It’s just yes or no, Leo. Anong mahirap sagutin doon?”tanong ni Pulo na siyang lumabas din ng kaniyang kotse para tanungin ako. Nilingon ko lang naman siya dahil do’n.

“Kahit anong isagot ko, buo na ang desisyon mo.”ani ko na nagkibit ng balikat. Nakatingin lang siya sa akin.

“That’s why I’m asking you, I want to know the truth.”aniya. Nanatili naman ang tingin ko sa kaniya dahil do’n. Mukhang desidido siyang malaman ang totoo.

“No. I’m not the one who made that article. I didn’t sell any pictures or what.”seryoso kong sambit. Tumango naman siya na tila ba naniniwala sa akin.

“Pero tama, hindi malabong gawin ko nga.”ani ko na nagkibit ng balikat sa kaniya.

“Okay.”sambit niya na tumango pa sa akin. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng mukha nito kaya napangisi na lang ako. Okay? Ano?

“What about you and Daren? Are you really dating him?”tanong niya pa.

“Anong connect no’n sa’yo?”natatawa kong tanong na naiiling na lang sa kaniya.

“It was the reason why I’m avoiding you.”nakanguso niyang saad kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Ano naman ang palabas ng hinayupak na ‘to? Akala ko ba dahil do’n sa Papa niya.

“Kung tapos ka na, aalis na ako.”sabi ko na naiiling na lang dahil pakiramdam ko, pinagloloko na lang talaga ako ng mokong na ‘to.

“I’m not done yet,”sabi niya na nag-iwas pa ng tingin.

“I’m asking if you really have a relationship with him because I want to ask you to have serious one with me.”aniya kaya napatitig lang ako sa kaniya. Maya-maya lang ay natawa dahil hindi niya nga ako magawang pagkatiwalaan, gusto niya pang makipagrelasiyon sa akin?

“You know what? Huwag na tayong maglokohan pa rito, Pulo, we both know that you just like to play. Wala ka ngang ibang sineseryoso, ‘di ba?”sambit ko na nakangisi sa kaniya.

“Daren is not my boyfriend and so are you. I won’t have any serious relationship with you. Stop wasting your time and find another toy.”ani ko pa na siyang pinutol niya.

“I’ll court you.”hindi ‘yon tanong tila ba pinapaalam niya lang sa akin. Napaawang ang labi ko roon ngunit agad din namang nakabawi.

“Hindi kita sasagutin.”saad ko na seryoso lang ang mga mata.

“Okay. You were the one who’s going to decide in the first place but I’ll still court you.”talagang nanindigan. Hindi ko nga lang alam kung saan siya dadalhin niyan. Paniguradong magsasawa rin agad ang isang ‘to. Knowing him?

“Magsasayang ka lang ng oras.”sigurado ko ring saad bago pumara ng cab ngunit hindi naman ako hinintuan kaya ‘tong si Pulo na ang nag-ayang ihahatid niya ako. Tinignan ko lang sandali siya bago tumango na lang din at sumakay sa kaniyang sasakyan. Tahimik lang ako habang nakasakay sa kotse niya. Wala na nga akong balak kausapin siya nang magsalita ito.

“I’m sorry…”pabulong niyang saad kaya nilingon ko siya.

“I know you think that I don’t trust you—“pinutol ko na agad siya sa sasabihin niya.

“Ayos lang. Maski ako’y hindi rin nagtitiwala sa sarili kaya patas lang, huwag kang mag-alala.”seryoso kong sambit na nag-iwas ng tingin.

“I saw you that night going out after what happened between us and then I saw your post with Daren.”aniya kaya napatingin ako sa kaniya. Bigla kasing tumawag si Daren at nagulat na lang ako na nasa new york din siya. Nasa Time Square kaya pumunta ako para makipagkita. Nasa new york ang pamilya nila at dahil nagkaayos na, sinama siya. Nakita niya rin ang ilang post ko na nagliliwaliw sa Time Square kaya nagtanong siya kung nandoon daw ba ako.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now