Chapter 7

694 21 0
                                    

Chapter 7
Leo’s POV

“Anong plano mo?”tanong ko na nakataas ang kilay kay Pulo.

“Anong plano?”tanong niya naman.

“Let’s have some dessert first before we talk.”aniya na hinila pa ako sa malapit na bilihan ng ice cream.

“Bakit pa? Sandali lang naman usapan natin.”reklamo ko sa kaniya ngunit hindi siya nakinig.

“What do you want?”tanong niya.

“Hmm, mint ice cream.”ani ko kaya agad siyang napatingin sa akin.

“That’s lasang toothpaste.”aniya kaya hindi ko maiwasan ang matawa at mapairap. Gago ‘to. Sa huli’y ‘yon din naman ang inorder niya para sa akin.

Kalaunan ay naupo rin kami sa table, wala pang nagsasalita sa amin dahil parehas kaming abala sa pagkain hanggang sa lingunin ko na siya sapagkat mukhang wala siyang balak magsalita.

“Hoy,”tawag ko sa kaniya kaya pinagkunutan niya ako ng noo.

“Ano? ‘Di ka pa magsasalita? Alam kong alam mo na paparazzi ako. Hindi ko na rin idedeny dahil ano pa nga ba ang use? Anong plano mo? Ibablackmail ako? Hindi uubra.”sambit ko na masama pa ang tingin sa kaniya. Agad naman siyang napatawa sa aking tinuran.

“Nah. I won’t blackmail you, I’m here to give an offer.”aniya na nakangiti.

“Ulol, siya rin ‘yon!”sabi ko.

“I want to make you my personal photographer, I saw my photos on the internet, you’re quite good. Kahit sa malayo’y maganda ang kuha mo.”aniya sa akin kaya agad nanliit ang mga mata ko roon.

“Ano pa? Personal fubu mo?”tanong ko sa kaniya kaya agad siyang napatawa.

“Pwede rin, kung gusto mo.”aniya na nilingon pa ako. “Hindi na masama.”

“Gago!”sigaw ko na nagawa pa siyang batuhin ng tissue. Napatawa naman siya sa akin dahil do’n.

“But seriously tho, you can think about it. Here’s the contract.”aniya na may kinuha pa sa kaniyang bag. Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata dahil dito.

“Hindi ka natatakot?”tanong ko.

“Kanino? Sa’yo? Sa liit mong ‘yan matatakot pa ako?”natatawa niyang saad. Kanina pa ‘to ahh? Ihahagis ko sana ulit ang tissue kaya lang ay nakatingin na sa akin si Ate, masiyado na ata akong nagkakalat.

Nang basahin ko ang contract, bahagyang nanlaki ang mata ko dahil ang laki ng bayad niya. He’s adventurous, nakasulat kasi sa contract kung saan magaganap ang ilang photoshoot. Hindi ko naman mapigil ang excitement ko dahil lahat ng lugar na nasa contract ay mga lugar na gusto kong puntahan.

“Why do you need to have photoshoot in this places?”tanong ko sa kaniya.

“Hmm, my father want me to post a travel blog. He kinda like nature so yeah, he wants media star to connect with it.”aniya sa akin para bang hindi paparazzi ang kausap niya. Paano kung ileak ko ang impormasiyon na ‘yon kahit hindi pa naman nila nilalabas sa media? Anong mangyayari?

“Hindi ka ba natatakot na ako na mismo ang mag-announce niyan sa media?”tanong ko sa kaniya na nakataas ang kilay.

“Will you do that?”tanong niya. Nagkibit naman ako ng balikat. Wala akong ebidensiya.

“Then leak it. Para hindi lang kami ang kumita.”cool lang na saad niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapatingin sa kaniya. He doesn’t have any fear. Ni hindi nga ito natatakot na magoffer sa paparazzi na dahilan kung bakit laman siya ng news.

“What? Naisip mo na ba na you want to sleep with me?”tanong niya kaya agad akong napangiwi.

“Kadiri ka!”sambit ko na inirapan pa siya. Dinig ko naman ang munting halakhak nito. Tuwang tuwa ang hinayupak.

Maya-maya lang ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Daren.

“Hi, I’m already here,”aniya.

“Good. I’m still here.”ani ko naman. Kita ko naman ang panonood ni Pulo sa akin. Naroon pa rin ang ngisi mula sa kaniyang mga labi. Umirap lang ako.

“Hmm, want me to take you home? Pwede pa akong bumalik.”aniya.

“Hindi na no. May jeep naman.”sambit ko.

“Alright, take care, don’t ride with Pulo.”paalala niya pa.

“Yes, Ssob.”natatawa kong saad bago siya pintayan ng tawag.

“You’re really close with that Gonzales boy, huh?”tanong sa akin ni Pulo sa akin or should I say it’s more on statement.

“Tapos na ba?”tanong ko sa kaniya, hindi pinansin ang sinabi nito. 

“Hmm, no, I still need something from you.”aniya sa akin kaya kumunot lang ang noo ko sa kaniya.

“Ano?”tanong ko na nakataas ang kilay.

“Give me your number.”aniya na nilahad pa ang kaniyang cellphone.

“Bakit?”tanong ko muli.

“I need it, how can I contact you? Binlock mo ako sa facebook, Ms. Leolita.”aniya na nakangisi pa sa akin. Napairap na lang ako bago ko kinuha ang phone niya. Tinipa ko lang ang number ko, hindi na ako nagulat nang makitang sobrang daming nagtetext na babae sa kaniya. Ang daming unknown number doon. Wala talagang takot na ipahawak ang phone niya, paano kung may sex scandal pala siya rito? Tapos kinalat ko?

“What?”tanong niya nang makita ang tingin ko sa kaniya.

“Aren’t you scared? Paano kung may gawin akong hindi maganda sa phone mo?”tanong ko.

“Hmm, you don’t lool like a bad person to me. May masama bang taong magtatanong kanina pa ng ganiyan. Edi sana kanina mo pa rin ginagawa.”aniya na napakibit pa ng balikat. Mukha siyang walang pakialam kung masira man siya o ano.

Maya-maya lang ay tumatawag na siya sa cellphone ko. Agad siyang ngumiti sa akin kaya umirap lang ako bago tumayo.

“Alis na ako, I’ll contact you. Pag-isipan ko muna.”sambit ko na aalis na sana ngunit tumayo rin siya at sumunod sa akin.

“Let’s go, I’ll drop you off.”aniya sa akin kaya agad ko siyang nilingon at nginiwian.

“Ulol, hindi na no! Anong malay ko kung gawan mo ako ng masama!”ani ko kaya agad siyang napatawa sa akin.

“I won’t but I won’t force you either.”aniya na napakibit ng balikat.

“Isasakay na lang kita.”aniya na tinuro pa ang cab.

“Jeep na, sayang pa pera.”ani ko na hindi niya pinansin. Siya na mismo ang nagtawag ng cab. Sa huli’y wala akong nagawa kung hindi ang pumayag.

Nang makasakay pa ako, kita kong kinuhanan niya ng litrato ang plate number ng cab.

“Swerte mo sa nobyo mo, Hija.”ani Manong sa akin kaya halos masamid ako sa sarili kong laway. Hindi ko pa maiwasang matawa dahil sa sinabi nito.

“Hindi ko po ‘yon nobyo.”ani ko na naiiling na lang. Kita ko pa ang text mula sa kaniya.

Pabids:

Ingat ka, hehe!

Hindi ko na lang namalayan ang sariling napapangiti sa hehe nito. Parang tanga.

My night ended with me talking to Jia, pinag-isipan ko ring mabuti ang contract na ibinigay ni Pulo sa akin. I really like it. I want to sign it immediately.

“Inlove na inlove, huh?”nakangisi kong tanong kay Iska nang makita ko siyang nakangiti habang hinuhugasan ang kaniyang pinagkainan. Mapang-asar ko pa siyang tinignan samantalang sinamaan niya lang ako ng tingin ngunit sa huli’y inirapan na lang din ako.

“When kaya?”natatawa kong saad.

“Epal mo.”natatawa niya ring sambit na napiling pa sa akin. Tinawanan ko lang naman siya dahil do’n. Ang sarap nitong pikunin dahil isa ring pikon.

“Let’s visit Jia later,”anyaya niya sa akin. Mukhang may oras nanaman ang isang ‘to.

“Wala kayong date ng not so fake boyfriend mo?”tanong ko habang nakasandal sa lababo.

“Mayroon but I want to come with you today.”aniya at ngumiti pa sa akin.

Kalaunan ay nagtungo rin naman kami sa hospital, ang daming dala ni Iska, ako lang din naman ang kakain no’n. Pwera na lang kung babangon si Jia para kumain, talagang pupunuin ko ang kwarto ng napakaraming prutas kung sakali. Sana. Miss na miss ko na ang kapatid ko e.

“Hi, Jia, bangon ka na riyan para maipakilala na ako ng Ate mo sa’yo…”ani Iska sa kaniya. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti ko roon. That’s right, ang dami kong gustong sabihin sa kaniya. How I hope na mabigyan ako ng pagkakataon. Nagawa pa naming magkwentuhan ni Iska rito. Dito na rin naman siya sinundo ng boyfriend niya. Sobrang dami ring dala ni Silas nang dumating. May bulaklak, isanh basket ng prutas at kung ano ano pang pagkain. Perks ng may kaibigan na may boyfriend na mayaman.

“Hey, thanks. Ingat kayo!”sabi ko sa kanilang dalawa na kumaway pa.

“No problem, Leo, ingat ka rin pag-umuwi ka mamaya. Huwag kang gaanong magpagabi!”ani Iska sa akin. Ngumiti lang ako at tumango.

“May kaibigan ka na ngayon.”nakangiting saad sa akin ni Nurse Love sa akin. Mas lalo lang lumapad ang ngiti mula sa aking mga labi, that’s right. Mayroon na nga. Kaibigang kaya kong magpakatotoo.

“Lola Tina is probably happy right now, iniwan ka niya na mayroon ng kaibigan.”ani Nurse Love sa akin kaya nahinto ako.

“Po?”tanong ko na hindi maintindihan ang kaniyang sinasabi. Bahagya namang napatingin si Nurse Love kay Nurse Cara na napatingin din sa akin. Nangilid ang luha mula sa mga mata nito.

“Wala na si Lola Tina, Hija… kahapon pa…”ani Nurse Cara sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita roon. Nakaawang lang ang mga labi ko, walang lumalabas na kahit na anong tinig.

Unti-unting tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko, hindi ko alam kung paano tatanggapin ‘yon. Ang tagal kong kasama si Lola Tina… imposible… bakit? Parang nanlambot ang mga tuhod ko at unti-unti na lang akong napaupo. Sinubukan naman akong alalayan ni Nurse Cara ngunit kahit siya’y umiiyak na rin.

Napalapit na sa mga tao rito si Lola Tina, laging nasa lobby, pinapalakas ang loob ng mga pinanghihinaan na. Hindi ko alam kung bakit kailangang umabot nanaman sa puntong ganito.

“Joke lang po ‘to no?”tanong ko ngunit hindi sila nagsasalita. Tumayo pa ako para puntahan ang kwarto ni Lola Tina. Nasa pinto pa lang ako’y mas lalo lang ako napahagulgol ng iyak dahil wala ng tao roon, walang kahit na anong bakas na may tumira roon.

Ni hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili. May ilang nurse na dumadaan at sinasabihan akong tumayo ngunit wala akong lakas para gawin ‘yon. Mas lalo lang akong napahagulgol ng iyak.

“Here. Cry as much as you want.”sambit ng isang tinig bago niya iniabot sa akin ang tela ng damit niya. Hindi ko na pinansin pa ang kung sinong mga dumadaan sa gawi ko.

Nang kumalma ay saka ko lang napagtanto na polo sleeve pala ang iniiyakan ko. Kita ko naman ang nanonood sa gilid ko.

“Lola Tina!”malakas kong sigaw na napadamba pa ng yakap dito.

“Ano nanaman ang dinadrama mo riyan, Hija?”natatawa niyang tanong sa akin.

“Lola!”malakas kong sigaw na hindi pa rin makapaniwala roon.

“Bakit sabi nina Nurse Cara, wala ka na raw?”tanong ko sa kaniya.

“Nadischarge na ako kahapon, hija, isa pa, sinundo ako ng anak ko. Bumisita lang ako ngayon dahil magpapaalam ako sa’yo pero ang sabi nina Nurse Cara ay tumakbo ka raw dito, humahagulgol ng iyak.”natatawa niyang saad sa akin.

“Ano ka ba? Malakas pa ako sa kalabaw, hindi ako basta basta matatalo ng ganoon ganoon lang.”natatawa niyang saad. Mas lalo lang tuloy akong naiyak habang yakap yakap siya. Akala ko’y tuluyan na ‘tong mawawala sa akin. Parang sira naman kasi sina Nurse Love at Nurse Cara.

Natatawa lang si Lola habang hinahaplos ang buhok ko. Pinatahan niya lang ako. Nang kumalma saka lang ako napatingin sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Pulo na siyang nakatayo roon.

“Anong ginagawa mo rito? Huwag mong sabihing may aids ka na?”tanong ko sa kaniya na gulat na nandito siya. Nakat-shirt lang ito na puti.

“Ano? Hoy, bawiin mo. Kumatok ka sa kahoy.”aniya na naghanap pa ng kahoy bago niya ako hinila para kumatok doon. Hindi ko naman mapigilan ang mapanguso at kumatok din talaga roon.

“Grabe ka talaga, wala man lang bang thank you na pinagamit ko ‘yang longsleeve ko sa’yo?”natatawa niyang tanong na tinuro pa ang hawak hawak kong longsleeve. Infairness naman mabango ‘to. Hindi naman nakakapagtaka dahil mukha namang malinis ‘yang si Pulo sa katawan. Siya lang mismo ang hindi.

“Thank you…”sambit ko.

“It was just my conclusion but I think you are really a good person. I hope I can work with you, Ms. Dimagiba.”aniya.

Flash News: Paparrazi InloveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora