Chapter 45

494 13 1
                                    

Chapter 45

Leo’s POV

“Leo, nasa lobby si Pulo,”tawag sa akin ni Polka at binigyan pa niya ako ng makahulugang tingin. Napakagat na lang ako sa aking labi nang lumabas ng opisina para puntahan ‘to.

Napadiretso siya ng upo nang makita ako. Dire-diretso lang naman ako papunta sa kaniya.

“I told you, you don’t have to bring me anything, sa labas kami kakain ni Josh,”seryoso kong saad.

“Hmm, I know. Incase he won’t showed up,”aniya na sinubukan pang iabot sa akin ngunit hindi ko tinanggap.

“Hindi na kailangan, kung hindi man niya ako sisiputin, may pera ako pambili,”malamig kong saad bago naglakad patungo sa loob. Pinigilan ko rin ang sarili na lingunin ito. Kinagat ko lang ang labi habang naglalakad. Nang makarating sa may hagdan, hindi na tanaw sa kung nasaan si Pulo. Napaupo na lang ako roon. Sa tuwing sinasaktan ko siya, nasasaktan din ako. I really hate what’s happening right now.

“Hoy, anong ineemote emote mo riyan, Girl?”tanong sa akin ni Polka na pababa ng hagdan. Nakita kasi akong napahilamos na lang sa mukha. Agad naman akong ngumiti at tumayo na para bang walang nangyari.

“Wala naman, tinitignan ko lang kung pupwede ba akong mag-artista,”natatawa kong saad kaya mas lalo lang siyang napatitig sa akin.

“Para kang sira, halika na, maglulunch pa tayo,”aniya kaya napatango ako na sumunod sa kaniya. Hinila ko pa siya upang hindi kami dadaan sa lobby. Agad siyang napangiwi sa akin nang sa canteen kami ng BLC nagtungo.

“Te, sawang sawa na ako sa pagkain dito sa loob. Sa labas na tayo,”reklamo niya sa akin kaya nilingon ko siya.

“Dito na, marami pa tayong dapat tapusin, saka ililibre kita,”ani ko kaya hindi na siya nakapagreklamo pa. Sumunod na lang din ito sa akin paloob. Well, hindi pupwede ang ibang tao rito sa loob kaya hindi ako makikita ni Pulo kung sakali.

“Grabe, sana lagi mo pa lang iniiwasan si Pulo para laging may pakain,”natatawa niyang saad. Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya natatawa siyang umarte na para bang sinasarado ang bibig. Hindi naman na namin ‘yon pinag-usapan pa habang kumakain, kung ano ano na lang ang pinagkwentuhan namin hanggang sa bumalik na sa trabaho.

Naging abala lang kami hanggang sa sumapit na rin ang gabi. Palabas na kami nang makita ko na nandoon na agad si Pulo sa tapat kahit na ang sabi ko’y hindi ko ako sasabay sa kaniya. Kumunot lang ang noo ko dahil do’n. Agad naman siyang nilapitan ng mga katrabaho ko.

“Pulo, sama ka ulit? Bar lang tayo,”nakangiti nilang pag-anyaya sa kaniya. Hindi ko naman mapigil ang mapasimangot dahil do’n. Sumang-ayon naman si Pulo bago niya ako nilingon.

“Where’s Josh?”tanong niya.

“Papunta na,”ani ko bago lumihis ng daan sa kaniya. Wala talaga akong balak na yayain si Josh pero dahil nandito ‘tong si Pulo, wala akong nagawa kung hindi ang itext siya.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now