Chapter 43

434 8 0
                                    

Chapter 43

Leo’s POV

“I’ll drop by later, can we have lunch together?”tanong ni Pulo mula sa kabilang linya.

“Hindi na. Masiyado akong abala ngayon, hindi talaga kita masasabayan,”ani ko.

“It’s fine, sunduin na lang kita after work,”sambit niya kaya napatango na lang ako kahit hindi niya naman nakikita.

“Alright, see you!”malapad ang naging ngiti ko roon kaya agad napuna ng mga kasama ko, ito nanaman sila sa pang-aasar nila na hindi ko naman pinansin. Hinayaan ko na lang sila roon.

We’re kinda good this past few days, hindi naman kami nagtatalo o ano. Pero katulad ng mga naunang araw, hindi pa rin ako sigurado.  

“Leo, tawag ka na ni Ms. Chacha,”tawag sa akin ni Carol kaya agad akong napatango at nagtungo na sa gawi ni Ms. Chacha para simulan ang trabaho. Naging abala naman ako sa pag-eedit ng mga litrato. Nang sumapit ang hapon doon lang kami lumabas ni Ms. Chacha dahil may iinterview-in na business tycoon. Kinacareer na nga ng department namin ang lahat e. Mapa-ano pang news ‘yan ay talagang hindi palalagpasin ni Ms. Chacha kaya abangers din talaga ang mga katrabaho ko.

Abala na rin ang iba na magpakitang gilas para makapasok sa Media B, ang collaboration ng dalawang company.

“Leo, ready na ba camera mo?”tanong ni Ms. Chacha kaya napatango ako at agad na tinuro ang camera na hawak ko. Ang alam ko’y sa business kami ng mga Tiu pupunta, I’m sure naman na wala ang Mommy ni Pulo dahil nasa ibang bansa ‘to ngunit agad akong natigilan nang makita ko siya. Elegante ang bawat galaw nito habang nakikipag-usap kay Ms. Chacha habang ang asawa niya naman ay naroon din at malapad ang ngiti.

“This is Leo, isa sa mga journalist at photographer namin,”nakangiting pakilala ni Ms. Chacha sa kanila. Ngumiti naman ako kahit na agad kong nakita ang pagsimangot ni Mrs. Tiu habang nakatingin sa akin. Pinagtaasan niya pa ako ng kilay ng subukan kong maglahad ng kamay para magpakilala.

“Leo po,”ani ko na lang at inalis ang kamay na nakalahad. Hindi naman na niya ako pinansin pa at bumalik lang ang ngiti nang kay Miss Chacha na nakatingin. Hindi ko tuloy alam kung may galit ba ‘to sa akin pero malamang ay mayroon. Sa paraan pa lang ng tingin niya’y akala mo hinuhusgahan na ako nito.

Nagsimula na rin naman ang interview, it was just about the launching of their new product at kaunting pahapyaw na rin tungkol sa pamilya nila na perpekto sa mata ng maraming tao.

“Let’s take a break,”aniya nang mag-ring ang phone niya. Lumabas naman na sila sa office sandali. Ganoon din naman ako dahil nakita kong may missed call mula kay Iska, ngayon ngayon lang din, nakasilent ako kaya hindi ko narinig.

“Hey,”bati ko nang tawagan siya.

“Kumusta ka na riyan?”malapad ang ngiti ko habang tinatanong siya. Nasa New York kasi ito ngayon at doon nagtatrabaho. Gagawing movie ang isa sa mga nobela niya. Pati ang iba niyang manyscript ay ganoon din. She deserve it naman, alam ko kung gaano siya kapursigido sa lahat ng ginagawa.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now