Chapter 40

16.9K 187 24
                                    

"So? How's everything?" Napalingon ako kay Travis na nasa may pintuan ng hospital room.

Nginitian ko lang siya at pinagpatuloy ang pag aayos ng mga gamit. Pumasok si Travis at naupo sa sofa.

"Love, kakausapin ko lang si Doc a."

I nodded and Miggy went out of the room.

"I'm excited, Trav."

"Ows? Hindi halata a."

I made a face dahil sa sinabi niya.

"Seriously, Guillermo. Hindi talaga halata."

"Ano ka ba. Excited na akong iuwi si baby Gino. Swear."

Itinabi ko muna yung bag na may laman na mga gamit at binuhat si ang anak ko.

"Iuwi si baby Gino o umuwi kasama si baby Miggy mo?"

Natawa na lang ako sa sinabi ni Trav. Ang hilig talaga niyang mang asar.

"Mauna na kaya kami ni baby sa sasakyan? Ang tagal ni Miggy e."

"Ikaw?"

"Hmm. Sige tara. I'll text him na lang."

Lumabas na kami ng kwarto dala ni Travis 'yung mga gamit at ako naman ang nagkarga kay Gino.

Nagaabang kami na magbukas 'yung elevator nang makaramdam ako na kailangan kong magbanyo.

"Trav. Upo muna kayo ni baby dun. I need to pee."

Tumango naman siya at naupo na sa may waiting area. Saka ko inabot sa kanya si baby Gino.

Nagmadali na kong pumunta sa restroom and did my thing.

Pagkalabas ko I saw Miguel malapit sa fire exit. Nakatalikod siya at parang may kausap. I decided to get near.

Babae ang kausap niya. Maganda ito. Aakalain mong isa siyang international ramp model dahil sa tindig niya. She has a blonde hair and a perfect face. Mukha siyang barbie na buhay kaya humahanga at naiinsecure ako at the same time

Mas lumapit pa ako. I guess i have the right to interupt them.

Pero bago pa ko makalapit napansin na ko ng babaeng kausap ng asawa ko.

Ewan ko ba pero I'm starting to hate this woman.

"Baby, it's better late than never."

Pagkasabi niya nun sumulyap pa siya sa akin. Baby?!

"It's never too late for the both of us. Alam ko naman na you still love me. Rafa told me how you changed after I left. But I'm here now and I'm ready to settle down with you."

What the hell is she talking about? Settle down? Isn't she aware that Miggy is already married? Masyadong makati 'tong babaeng 'to!

Sino ba siya sa buhay ng asawa ko?

"Zaby, you know-"

Hindi naituloy ni Miggy ang sasabihin niya dahil hinalikan siya ng Zaby na yun.

Gusto kong sugurin sila at higitin palayo ang babaeng yun sa asawa ko. Pero di ko ginawa. I'm waiting for Miggy to fight for us.

Push her away please..

Push her away..

Sabi mo you love me..

May baby na tayo and he's waiting for the both of us.

Ilamg beses akong nagmakaawa sa isip ko. Pero walang ginawa si Miggy. Hindi siya pumalag. Hindi siya lumaban. Hindi niya kami pinaglaban.

Gusto ko nang umiyak at sigawan siya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. I need to be strong.

Dahan dahan akong naglakad palayo sa kanila.

"Did you really pee or what?"

Pangaasar ni Trav. Pero di ko na lang siya pinansin at kinuha si baby Gino sa kanya.

"Asan ang sasakyan mo?"

"Why?"

"Mauna na tayo."

"Where's Miguel?"

"He's up to something."

Tahimik naming tinungo ang sasakyan ni Trav.

"Ano nga ulit 'yung street ng bahay niyo?"

Tanong ni Trav habang iniistart ang sasakyan.

"No, we're not going there. Sa bahay tayo ni daddy."

Napatingin sa akin si Trav pero hindi na siya nagtanong pa.

I closed my eyes at niyakap ko ng mahigpit si baby.

Inaalala ko 'yung nangyari kanina. How that woman kissed Miggy and how Miggy let that woman kiss him.

I fought for our love.. but what did you do? You just raised the white flag to that woman.

It's just bvllsht!

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELWhere stories live. Discover now