Chapter 12

15.9K 255 9
                                    

Napabalikwas ako ng bangon nang nagring ang cellphone ko. Agad ko yung kinuha at tinignan kung sino yung tumatawag.

Si daddy...

Nagtanggal muna ako ng bara sa lalamunan bago ko sinagot yung tawag.

"Hello dad" pinilit kong pasiglahin iyong boses ko, ayaw ko na nagaalala si daddy.

"Hello ija, kamusta ka na? Maayos ba ang lagay mo diyan?"

"Ah, oo naman po dad. I'm absolutely fine here. Medyo kakaiba lang po yung pamumuhay kasi po probinsya to eh. Pero, ang presko po ng hangin. Masarap din naman po palang tumira dito sa province"

"Mabuti naman kung ganun. Si Miguel, kamusta trinatrato ka ba niya ng maayos?"

Napaisip ako saglit at nagpakawala ng malalim na hininga.

"Ah, ayun po, masungit. Pero diba ganun naman talaga siya. Ayun nga po yung nagustuhan ko sa kanya diba dad, lalo ko pa po tuloy siyang minamahal"

Inilayo ko yung cellphone sa mukha ko dahil, napahikbi ako, ayokong marinig ni daddy ang pagiyak ko, ayokong malaman niya na nahihirapan ako. Ayaw kong nagaalala siya.

"Ija, andyan ka pa ba?"

"Hello dad? Hello? Di ko po kayo marinig. Wala pong signal."

toot.toot...

Pinutol ko na yung linya bago pa ko tuluyang humagulgol.

Blinock ko yung number ni dad for the mean time. Kasi sigurado akong tatawag ulit siya.

Alas dos na pala ng hapon.

Nagpunas ako ng pisngi, bago ko inayos yung higaan ni Miggy.

Balak kong pumunta ng palengke, para bumili ng makakain namin ni Miggy.

Kinuha ko yung 500 pesos, na nasa ibabaw ng tv. Nilagay yun kahapon ni Miggy doon.

"Ma'am, bago po ba kayo dito?" tanong sa akin ng lalaki na nakasakay sa kalesa. Tumango ako sa kanya.

"Saan po ba ang lakad niyo?"

"Sa bayan ho manong mamalengke"

"Ay ganun ho ba. Naku, kung nagaabang po kayo ng masasakyan wala ho kayong mapapala, lahat po ng tao dito ay sumasakay sa kalabaw o kabayo kapag pupunta sa bayan" seryoso ba yung sinasabi niya? Eh paano ko mamalengke nito? "Kung gusto niyo po, at may tiwala kayo sa akin, sabay na po kayo pabayan, dun rin ho, ang punta ko"

Ewan ko pero mukha namang mabait si kuya, kaya sumakay na ko sa kalesa niya. Wala naman sigurong mangyayaring masama sakin. Sumiksik ako sa isang sulok ng kalesa, para kung sakali, wag naman sana madali akong makakatalon.

Halos isang oras rin ang byahe bago kami nakarating sa bayan.

"Kuya, antayin mo ko dito, may bibilhin lang ako ng mabaryahan po itong 500 at makapagbayad ako sa inyo" Umiling iling siya at kinaway kaway niya yung kamay niya sa harap ko.

"Naku, wag na ho. Ayos lang, di naman kayo nakaabala"

"Dali na kuya, kasi ano- sasabay sana ulit ako pabalik"

Natawa si kuya sa sinabi ko.

"Okay lang naman po ma'am, ang kaso lang ho, mga alas sais pa po siguro ang balik ko doon"

"Okay lang kuya"

Madali naman siyang sumangayon. Natatakot din akong bumalik magisa di ko pa kabisado iyong daan.

Namili na ako ng mga kailangan, bigas, mga delata, noodles, wala kasi kaming refrigerator. Bumili rin ako ng tatlong tray ng itlog para makapag aral ako magluto.

Sa totoo lang mukha namang sibilisado na tong Las Beritas, pwera na lang sa parte na tinitirhan namin, dun may kalsadang madadaanan pero medyo lubak, at ni walang palengke dun.

Nakaupo lang ako sa isang sulok kasi inaantay ko si manong. Hindi ko man lang natanong kung anong pangalan niya.

Nakita ko nang papalapit si manong pero may kasama siya, isang lalaki, na malaki yung katawan at natatakpan ng mahaba niyang buhok yung kalahati ng mukha niya. Uso pala emo dito.

"Mang Toni, pakiingatan yang mga insecticides ha" Toni pala ang pangalan ni manong.

"Opo sir Abel. Magingat din ho kayo"

Sumakay naman na yung Abel sa kabayo niya at umalis na.

"Ma'am tara na po, pasensya na ho at natagalan ako"

" Naku mang Toni, Guillianne po, wag na po ma'am. Atsaka po ako naman po ang humihingi ng pabor dito, kaya okay lang"

"Guil-? Ano yun? Ang hirap naman ng pangalan mo" natawa si mang Toni at napakamot sa ulo. Ako man ay natawa din sa kanya.

"Lian na lang po"

"Ayun Lian mas madali" Natawa naman kami parehas. Tsaka niya pinatakbo yung kalesa.

Pagkatapos ng halos isang oras na byahe, nakarating din ako ng bahay. Nagpaalaman na kami ni Mang toni.

Agad kong napansin yung kotse ni Miggy, teka, si Miggy.Ang aga ata niya.

Dinalian ko ang pagpasok sa bahay, wala pa kaming hapunan. Pagkapasok ko bumungad sa akin yung mga nakakalat na box ng pizza, balat ng chips at mga alak.

Nagliligpit ako nang marinig ko yung tawa ni Miggy. Nilingon ko siya at agad kong nabitawan iyong bitbit kong bote ng alak, pero parang mas nauna yung pagbagsak ng luha ko.

Fck! Ang sakit pala!

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELDonde viven las historias. Descúbrelo ahora