Chapter 23

17.4K 287 29
                                    

"Are you ready?" tanong ni Jam ng hindi tumitingin sa akin, may kung ano kasi siyang ginagawa sa phone niya. Nagtetxt ata.

"Okay lang ba?" I asked. Hindi siya agad tumingin dahil busy nga siya sa kung ano mang ginagawa niya.

"Patingi-" Naputol ang gusto niyang sabihin dahil natulala siya. Sobrang ganda ko ba ngayon? Why is he drooling at me?

I'm just wearing a knee length red dress na pinatungan ko ng maong jacket dahil malamig, at syempre, an ankle boots to complete my outfit. Simple lang naman.

"Huy!" winagayway ko sa harap ng mukha niya yung palad ko. Para naman siyang natauhan dahil sa ginawa ko. Di ko mapigilan ang tawa ko dahil sa inasal niya.

"Stop laughing" Tumayo siya mula sa couch at padabog na tinahak ang pinto. Pikon.

"Ungentleman"

Pagkasabi ko nun ay ibinagsak ko ang katawan ko sa couch. Bahala siya.

Napahinto siya saglit at bumuntong hininga. Hinarap niya ako at inilahad niya ang kamay niya. "Tara na mahal kong prinsesa"

Napangisi naman ako sa ginawa niya. I took his hand at tumayo na sa couch.

Pagkalabas namin ng unit ko nakita ko yung pintuan ng unit ni Abby, medyo nahihiya talaga ako sa kaniya, dahil sa nangyari nung nakaraan.

"Ate? Are you freakin serious? Ganyan talaga ang ayos mo? First date niyo 'to diba? Ate Lianne, first impression lasts"

Sermon sa akin ni Abby. Bakit ano bang problema sa suot ko? Turtle necked long sleeves, jogging pants, sneakers, at malaking jacket. At pinusod ko lang yung buhok ko, basta sinigurado ko na pusod ng hindi babae.

"Abby, yun nga yung point ko eh, first impression lasts. Kaya dapat kong gawin ngayon 'to.

"Ate! Ang baduy! Mukha kang gangster galing Pinas na napadpad dito"

Bakit? Ganito ba ang gangster sa Pinas? And how did she know? Five years na siya dito eh.

"Basta Abby, ako na ang bahala"

I tapped her shoulder. At nakita ko naman siyang umirap sa kawalan. Inis na inis talaga siya sa itsura ko. Sana mas mainis yung lalaking iyon.

"Wait Abby, I need to pee"

Hindi ko na siya hinintay sumagot dahil ihing ihi na ako.

"Hey Jam! I missed you!" Yun yung narinig ko pagkalabas ko ng cr. Boses yun ni Abby.

Nagtago ako sa gilid ng divider at sinilip sila sa sala.

Tuwang tuwa si Abby na hinahalik halikan ang magkabilang pisngi ni Jam habang nakasukbit ang mga braso niya sa leeg nito. Samantalang si Jam naman ay tuwang tuwa rin, malamang, nakahawak ang mga kamay niya sa bewang ni Abby.

What's with them?

Mukha silang mag boyfriend-girlfriend.

Nagpalitan pa sila ng I love you.

So boyfriend nga niya si Jam?

He's such a playboy.

Dapat malaman ni Abby na playboy yang boyfriend niya.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at mabilis na pinaghiwalay si Abby at Jam.

Sinubukan kong gamitin ang Aikido skills ko kay Jam, pero hindi ako nagtagumpay siguro dahil high school pa ako nung nagaral ako ng Aikido, kaya boxing skills na lang ang ginamit ko, college ako nung nag train ako nun.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELOnde histórias criam vida. Descubra agora