Chapter 10

16.9K 241 9
                                    

"Bye ija. Enjoy your honeymoon" I smiled in response sa sinabing iyon ni mama.

The reception just ended, at ngayon aalis na kami papuntang Las Beritas-province nila Miggy. Pinipilit ni mama na magstay muna kami dito sa kanila just for this night, kasi gabi na din, pero ayaw patinag ni Miggy, he doesn't want to stay here anymore. Talagang pinanindigan niya na righ after the reception, pupunta na agad kami ng Las Beritas.

"Dalian mo anong oras na" pagkasabi ni Miggy nun, agad na akong sumakay sa passenger's seat. Kumaway ako kay mama bilang pagpapaalam, si daddy, wala, nagkukulong sa kwarto he doesn't want to see me leaving. Baka daw pigilan pa niya ako.

Tinitignan ko si mama sa side mirror habang papalayo kami sa kanya.

Mabuti na lang at umabot kami sa gantong sitwasyon, what I mean is-mabuti na lang at hindi naudlot ang kasal, kanina kasi habang nageexchange ng vows halatang may pag aalinlangan siya. He even sputtered, natakot ako na baka bigla siyang mag no, imbis na 'yes I do'.

Napatingin ako kay Miggy nang bigla niyang ihinto yung sasakyan sa harap ng isang  convenient store.

Tinaasan lang niya ako ng isang kilay.

"Nagugutom ka ba? What do you want? Ako na bibili"

"No I'm not hungry"

"Then why are we here?"

"Wala nang makakakita, dun ka na sa backseat" mahinahon niyang sabi. Dali na kong bumaba at nagpunta sa back seat. Oo nga pala ayaw niya akong katabi.

Pinaandar na ulit niya yung kotse. Iyon na ang huli naming paguusap, sa byaheng iyon. Four hours ang byahe papuntang Las Beritas and the whole ride was so quiet. Ganyan naman talaga si Miggy, he never wants to have a conversation with me. Ang sakit. Kakausapin lang niya ko kapag kelangan na. Mas gusto pa niyang mapanisan ng laway than to have a conversation with me.

"Andito na ba tayo?" tanong ko kay Miggy nang ihinto niya ang engine ng kotse. Pero wala akong natanggap na sagot, nagtanggal siya ng seatbelt at agad na lumabas ng kotse. Pinagmamasdan ko lang siya. Naginat inat muna siya bago binuksan ang compartment ng kotse niya. Bumaba na din ako ng kotse, malamang andito na nga kami. Alas singko pasado na kaya medyo maliwanag na rin.

Tutulungan ko sana siyang magbaba ng mga gamit, pero pinigilan niya ko. "Get in, kaya ko na 'to"

Sumunod na lang ako sa sinabi niyang iyon.

Di kalakihan tong bahay na 'to. Hindi siya mala-mansyon, para lang siyang malaking kubo.

Pumasok na ako sa loob, bumungad sa akin ang dalawang pinto, sa tingin ko kwarto iyong mga yun. sa bandang kanan ko sala. Isang maliit na tv at upuan na kawayan ang nandoon. sa kaliwa naman ang kusina at lumang dining table. Halata sa buong bahay na luma na iyon.

Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Saan kaya ang banyo? Lumingalinga ako sa paligid at nakita ko ang isang pinto sa isang sulok ng kusina. Baka iyon na nga.

Binuksan ko iyon at kinapa ang switch ng ilaw. Napakaliit ng banyo. Ni hindi ko maiuunat ang mga kamay ko kapag nasa loob ako.

Pagkalabas ko nakita ko si Miggy na binaba iyong maleta ko na buhat buhat niya.

"That door on the left, that's your room" lumabas agad siya pagkasabi niya nun. Ang cold ni Miggy.

Kinuha ko na lang yung maleta ko at agad na nagpunta doon sa kwartong tinutukoy niya.

Pagkapasok ko, isang kama na gawa sa kawayan ang nakita ko at isang maliit na cabinet. Ni walang kutson sa kama. Isang banig, unan at kumot lang ang nanduon.

Everything was a symbol of suffering. Mukhang mahirap talaga itong pinasok ko, but kakayanin ko for the sake of love.

I choose this life so I must afford living this life.

-----

a/n: sabaw sabaw...

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELWhere stories live. Discover now