Chapter 14

17.8K 252 15
                                    

Nagising ako sa malakas na katok sa pinto. Tumayo ako ng marahan. Ang sakit sa likod matulog sa sofa na gawa sa kawayan, I don't know, kung sofa ba ang tawag dito.

Mas lumakas yung pagkatok kaya dinalian ko, sumilip ako sa bintana bago buksan yung pinto, napakalakas ng ulan, halos di ko makita yung kotse na nakaparada sa harapan ng bahay namin, pero sigurado ako hindi kotse ni Miggy yun.

"Gosh. What happened" tanong ko kay Travis, kaibigan siya ni Miggy, we're not close, nameet ko lang siya before, sa isang business event.

Inaalalayan niya si Miggy, na hindi ko alam kung may malay ba. Basang basa silang dalawa, pero di nawala yung amoy ng alak. Nilakihan ko yung pagbukas ng pinto, para makapasok sila.

"Saan ko siya pwede ibaba?"

"Sa kwarto ko na lang" dali ko namang binuksan yung pinto ng kwarto ko kasi alam ko na nabibigatan na si Travis kay Miggy. Hindi pwedeng sa kwarto ni Miggy eh, may foam dun, baka mabasa, at least sa kwarto ko banig lang.

"Thank you ah, maupo ka muna, papahiramin kita ng damit ni Miggy"  sumunod naman si travis at dumerecho ako sa kwarto ni miggy, kumuha ako ng pants at gray shirt para kay Travis, magkabody figure naman sila ni Miggy, kaya kakasya sa kanya yung mga damit ni Miggy, may mga extra underwear naman si Miggy na bago kaya kumuha na din ako. Kumuha naman ako ng boxer shorts at white shirt for Miggy, pati underwear.

"Ahm, ayun yung banyo, pwede ka maligo, may towel na din dun. Pasensya na maliit yung banyo namin" Iniabot ko sa kanya yung mga damit na kinuha ko.

"It's okay, don't worry"

"Nakakahiya naman. Ahm, yung ano, yung underwear dyan. Bago yan don't worry" gosh, nakakahiya.

"XL ba to?" napanganga naman ako sa sinabi niyang yun. Gosh. Feeling ko namumula ako. What is he talking about? XL yung ano niya. Gosh.

"Ah.. E-eh kasi ano, hindi ko alam yung ano, ahm yung size, ahm nung ano-" He bursted out a laugh. Grabeng kahihiyan na to.

"Nagbibiro lang naman ako." He patted my head at pumasok na sa cr. Bwisit naman tong si Travis! Feeling close. Hiyang hiya na nga ko eh.

Bago ko pa makalimutan si Miggy. Kumuha ako ng plangganita at nagtimpla ng maligamgam na tubig.

I undressed him. Mas okay ngayon compare nung una. Pero di pa din ako tumitingin sa ano niya. Hindi ko kaya noh. Tinuyo  ko siya bago ko binihisan. Ang bigat talaga niya.

"Guillianne"

"Yes. Travis?"

"Can I come in?"

"Sige come in" Pumasok siya pagkasabi ko nun, nagulat ako dahil may dala pa siyang upuan.Nagpatuloy lang ako sa pagpunas ng basang towel kay Miggy.

"Buti, kinaya mo siya." him. Starting the conversation.

"Ah, oo. Ako pa ba?" I flashed a smile. Ngumiti din siya.

"You know, Guillianne. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyo. Pero parang may problema si Miguel. Actually may problema talaga. Lagi siyang lito, wala sa sarili. At eto naglalasing siya." Huminto ako sa pagpupunas at nilublob yun ulit sa plangganita atsaka ko pinigaan at nilagay sa noo ni Miggy.

"Ahm kasi ano" umupo ako ng maayos para magkaharap kami.

"Alam mo naman na hindi naman talaga ako mahal ni Miggy. He married me just because of what happened that night. Siguro di pa din niya tanggap yung set up namin" Pero nung mga nakaraang araw naman okay naman kami. Hinahayaan na niya ako na paghandaan siya ng damit. Siya na yung nagiigib. Minsan pag umuuwi siya may dala siyang pasalubong. Hindi ko alam kung bakit bigla na namang ganto.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELWhere stories live. Discover now