Chapter 16

17.2K 258 16
                                    

SPG PO.

Ang bahaging ito ay Rated SPG, Striktong Patnubay at Gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang Tema, Lengwahe, Karahasan, Sekswal, Horror at Droga na hindi angkop sa mga bata.

-----

"Miguel?"nakita ko ang madilim na ekspresyon ng mukha ni Miguel.

Hawak niya sa Travis sa kwelyo. Binitawan niya si Travis ng pabalibag at sinuntok yung speaker, kaya nawala yung malakas na tugtog.

"Ikaw. Malanding babae ka!" He held my face hard using his hand. Ang lakas ng amoy ng alak na galing kay Miguel. My tears authomatically fell. Nasasaktan ako physically and emotionally.

"Miguel wag mong ganyanin si Guillianne" awat ni Travis pero parang naging halimaw ata si Miguel at tinabig niya si Travis na halos tumilapon.

Patuloy ako sa pagiyak at pagmamakaawa. Ang sakit. Nakatingkayad na ako, dahil inaangat niya ako. Ang sakit ng mga pisngi ko, pakiramdam ko babaon yung mga daliri niya.

"Miguel!" sigaw ni Travis ng makabangon siya mula sa pagtabig sa kanya ni Miguel.

Sinipa ni Travis si Miguel sa tuhod kaya napaluhod ito. Nabitawan ako ni Miguel, at napadausdos ako sa kama kong gawa sa kawayan. Nanghihina ako sa nangyayari I can't even spill a word.

"Putangina mo, pakialamero!" sigaw ni Miguel, sinikmuraan niya si Travis at nang napabaluktot ito dahil sa sakit, agad niya itong kinaladkad palabas ng kwarto.

Naiwan ako dito ng tulala. Anong nangyayari? Hindi ko na alam. Bakit parang ang bilis ng mga pangyayari. Naghang ata yung utak ko.

Nakarinig ako ng malakas na kalampag sa labas, kaya napatayo ako.

"Travis!" Sigaw ko ng makita kong nakaupo siya sa ibabaw ni Miguel at akmang sasapakin ito.

"Tama na please" napalingon sa akin si Travis at ginamit ni Miguel ang pagkakataon na yun para ibaligtad ang pwesto nila.

Fck!

"Miguel. Tama na" Ginamit ko ang buong lakas kong natitira para itulak si Miguel paalis sa ibabaw ni Travis. Nagtagumpay naman ako sa pagtulak kay Miguel. Agad kong inalalayan si Travis para tumayo at pinagtulakan siya sa pinto.

Nakarating kami sa labas ng bahay. "Umalis ka na muna Travis, ako na ang bahala dito" sabi ko habang humihikbi.

He wiped my tears using his thumb. "Paano ka?" he asked. Halata sa mukha niya na nagaalala siya sa akin.

"Kaya ko sarili ko Travis. Please umalis ka na. Nagkakasakitan na kayo"

"Paano kung saktan ka niya. Guillianne, sino magtata-"

"Travis, please."

"Fine. Call me, kapag may kailangan ka" I nodded sa sinabi niyang iyon.

"Bye" He was about to hug me pero lumayo ako.

"Baka lalo siyang magalit Travis" Tumango siya sa sinabi kong yun.

"Call me." Pagkasabi niya nun ay sumakay na siya sa sasakyan niya at pinaharurot na iyon.

Kinakabahan akong pumasok sa bahay. Dahan dahan lang ang bawat galaw ko, ayoko kasi gumawa ng ingay. Nakita ko siya na nakaupo sa isang dulo ng bangko.

Nakayuko siya at nakalagay ang mga hinlalaki niya sa noo niya. Nakakaramdam ako ng takot kay Miguel.

"Since when?" Nagulat ako sa sinabi niyang yun. He's not even looking at me. Nanatili lang siya sa ganung posisyon. Ni hindi ko siya magawang sagutin cause those two words gave different shivers to my spine.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELWhere stories live. Discover now