Chapter 29

14K 200 26
                                    

"Jam?"

"Why, sweetheart?"

Ngiting ngiti si Jam kaya lalong naningkit 'yung mga mata niya. I don't know what to feel, ang sarap sa pakiramdam na makitang masaya siya pero hindi ba niya naaalala na birthday ni Miggy ngayon? Birthday ng bestfriend niya ngayon.

"I don't want to ruin this moment. Pero diba birthday ngayon ni Miggy?"

Biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Jam. God, I already ruined the moment. Parang gusto ko tuloy bawiin yung mga nasabi ko, pero nasabi ko na hindi ko na magagawang baguhin pa.

"I'm sorry"

I said, dahil sa guilt na naramdaman ko. I didn't mean to ruined his moment pero iyon ang nangyari. I'm kinda stupid.

Hinawakan ni Jam ang mga kamay ko at hinimas himas iyon bago siya ngumiti.

"Don't be sorry. Yeah, it's Miguel's birthday. Do you want to send him a gift or even an email?"

Umiling ako sa sinabing 'yun ni Jam.

"No. It's our day, sweetheart."

I saw him giggled with what I've said. Ang cute talaga niya. Tumayo siya mula sa kama at kinuha 'yung laptop na nakalagay sa may study table niya. Iniabot niya sa akin iyon.

"Send him an email."

Jam. Why are you this good?

"Thank you, sweetheart"

I smiled and he conquered my lips with his. Nakakailang halik na ba siya sa akin?

"Sige. Labas lang ako sweetheart. Take your time"

Pagkasabi niya nun, agad din siyang lumabas ng kwarto. I turned the laptop on.

What? May password. I forgot to ask him kung ano ang password ng laptop niya. Inabot ko 'yung telephone sa may bed side at dinial ang number sa maids quarter.

"Hello? Where's Jam?... Can I talk to him?... Okay... Thank you"

Nagantay ako ng ilang segundo bago nalipat sa linya ni Jam ang tawag ko.

"Yes, sweetheart? Miss me?"

Bungad niya. Akala mo naman ang tagal naming di nakapagusap.

"Ahm. May password pala 'yung laptop mo"

"I love you sweetheart"

Bakit ba ang sweet ni Jam? Baka langgamin na kami pareha nito.

"May password 'yung laptop mo, hindi ko magamit."

I heard him laugh sa kabilang linya.

"I love you sweetheart"

Ano bang problema nitong lalaking ito. Di ba siya aware na masama sa katawan kapag mataas ang sugar intake? Baka magka diabetes na ako nito.

"Okay. I love you too, sweetheart. Anong password ng laptop mo."

Napairap ako sa kawalan pagkatapos kong sabihin iyon.

"I love you sweetheart"

"Jam, naman!"

Narinig ko na naman siyang tumawa sa kabilang linya. Oh wait? Nagtype ako ng password sa laptop niya. Oh god, tama 'yung password.

"Sorry, di ko nagets. Ikaw naman kasi e."

I can imagine him smiling on the other line.

"I told you, I love you sweetheart."

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELWhere stories live. Discover now