Chapter 3

24.6K 332 17
                                    

"I want pizza" napatingin ako sa salamin at nakita kong nagmumukmok si Guillianne sa backseat. Kung hindi lang talaga si Mr. Andres ang humingi ng pabor hindi ko siya isasabay.

"Hello, good morning mr. Andres"

"Miguel, can I ask you a favor?" parang nakaramdam ako ng kaba sa sinabing iyon ni Mr. Andres. I smell trouble.

"What is it?"

"Can you accompany my daugther upto the venue?" sh!t. Tama ang hinala ko. Fck.

"But Mr-"

"I'm sorry ijo, may emergency lang sa isang site sa Quezon Province." bakit parang laging may emergency si Mr. Andres.

"What do you mean Mr. Andres? You can't go to our business meeting at Zambales? Importante po iyon. Baka po, hindi natin maclose ang deal with the investors"

"I know you can do that Miguel. I trust you, and Guillianne can help. And as much as possible, hahabol ako ijo, maybe on the second day"

"Thanks for the trust Mr. Andres. Okay. I'll pick her up after an hour"

"Good Miguel. Maaasahan ka talaga, so good luck I know you can do it" after that he ended up the call.

"Hey!" naputol ang pagiisip ko nang sinipa ni Guillianne yung inuupuan ko. Nakakainis.

"What?!" sigaw ko ng di tumitingin sa kanya. She's not worth of my stare.

"I'm hungry" para akong may kasamang bata. Nakakaasar. Hungry? Ni wala pa kaming isang oras na nasa byahe. Nauna pa siyang nagutom kaysa sa akin. Samantalang ako yung nagmamaneho.

"Miggyloves" I hate it when she's calling me that pet name.

"Miggy" ignored

"Miguel" I'm not listening.

"Mr. Montenegro"

"What the hell is your problem?!" ang hirap tiisin ng kaingayan niya. Ang sakit sa tenga ang sakit sa ulo.

"I said, I'm hungry" nakita ko siyang nakayuko at pinaglalaruan yung mga daliri niya.

"Fine" agad kong tinabig pakaliwa yung manubela.

"Ouch, careful" reklamo niya nang mauntog siya sa bintana ng sasakyan. Di ko na siya pinansin. Kasalanan ko bang di siya marunong mag seat belt.

Ipinark ko yung sasakyan sa bakanteng parking space sa harap ng isang fast food. Saka ako bumaba. Bumaba din si Guillianne pero agad ding bumalik.

"What? Akala ko ba nagugutom ka." iritado kong sabi nang sinilip ko siya mula sa driver's seat.

"Jollibee? Ano ako bata? Gusto ko pizza" ang arte.

"Wag ka nang magreklamo. Nagmamadali ako. My time is more precious than your huge hungry stomach." sa tingin ba niya sa inaasal niya di siya nagmumukang bata? Tss.

"Magte- take out na lang ako" Hinagis ko  sa kanya yung susi ng kotse at nauna nang pumasok. Wala akong panahon makipagtalo sa babaeng yun.

Guillianne's POV

Nakakainis naman. Kahit magmukha pang driver si Miggy loves ko, okay lang sa kanya, wag lang akong umupo sa passenger's seat. Ang sungit. Ang boring tuloy ng byahe. Ni hindi ko siya matitigan ng maayos kasi nasa back seat ako.

Shocks. Kumukulo na talaga yung tiyan ko. Ano ba yan. Magdadala dapat ako ng baon kaso sabi ni tita, ng mommy ni Miggy loves, wag na daw para mas maraming stop over at mas mahaba kaming magkasama ni Miggy loves. Pabor sa akin yun syempre, pero sa tiyan ko hindi. Ang sungit pa naman ni Miggy loves.

~~The weight

Of a simple human emotion

Weighs me down

More than the tank ever did

The pain

It's determined and demanding

To ache, but I'm okay...

And I don't want to let this go

I don't want to lose control

I just want to see the stars with you~~

Kinuha ko sa pouch ko yung phone ko and answered the call. "Yes, tita?"

"Hello, daughter in law. I told you call me mom. Anyway, how's the trip?" odiba, daugther-in-law na tawag sa akin ng mommy ni Miggyloves ko.

"But tita, we're not yet married" I chuckled.

"Oops, ija. Sooner you'll be. Alam mo namang botong boto ako sayo.  Remember the plan?" Nakakatuwa si tita, kahit di siya pinay ang ayos ng tagalog niya. She's half american and half spanish. Kaya si Miggy loves, gwapo, half pinoy 1/4 american 1/4 spanish. At yung plano? Gosh. Sabi ni tita kapag nagawa ko yun ng maayos, for sure, ikakasal kami ni Miggyloves. Pero kinakabahan ako. Kahit na alam kong naayos na ni tita ang lahat at yung parte ko na lang ang kulang. Gosh I'm really nervous.

"Ija? still there?"

"Ah yes tita"

"Mom." talagang pinupush ni tita yun. Gosh. Hahaha

"It's kinda awkward, but- okay, mom." ang weird sa pakiramdam. Hahaha.

"So ija, do your part very well ah, goodbye for now see you tommorrow" after she said that. Pinutol na niya ang linya. Saktong pagdating ni Miggyloves.

Sumakay na siya sa kotse at nilagay yung binili niya sa passenger's seat.

"Gutom na talag- ouch" bigla niyang hinampas yung kamay ko nung dudukot ako ng fries mula dun sa supot.

"That's mine"

"Ah, eh akala ko ibinili mo ko"

"Assuming" ang sungit talaga ni Miggyloves ko. Akala ko siya na yung bibili para sakin. Nakakahurt naman. Bumaba na lang ako ng kotse atsaka pumasok sa jollibee.

Hindi naman sa hindi gentleman si Miggyloves ko, wala lang siguro siya sa mood. Eh ganun siya eh. Parang laging may PMS. Parang laging menopause. Laging may mood swing. Parang naglilihi. Haay. Kelangan ko talagang magawa ng maayos yung plano namin ni tita, I mean mom. Sabi ni daddy claim the victory. I'm claiming it magiging akin ka Miguel Montenegro.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELWhere stories live. Discover now