Epilogue

25.3K 260 35
                                    

Travis Marquez

I'm happy for Guillianne because she get her version of happy ending with her son at syempre with Miguel.

Sa lalaking 'yun talaga ang bagsak niya kahit ano pang mangyari. Pero alam ko naman na mahal na din ng lalaking 'yun si Guillianne. He fought for their love di man nakita ni Guillianne pero that's what Miguel did and will always do.

"Trav!"

Nilingon ko si Guillianne. Karga niya si baby Gino na sobrang cute sa white tux niya.

"Where's Miguel?"

"Nasa loob na siya. Pasok na din tayo magistart na 'yung ceremony in a few minutes"

"Pwede ba si Ninong pogi muna magkarga kay baby?"

Nginitian ako ni Guillianne at inabot sakin si baby Gino. Pumasok na kami sa loob ng simbahan. Ang dami ng tao. Kungsabagay, Andres-Montenegro ang bibinyagan kaya expected ang sangkatutak na bisita.

Sinalubong kami ni Miguel na nakasuot din ng white tux na katulad kay baby Gino, bigger version nga lang.

Kinuha na niya sakin si Gino dahil magsisimula na ang ceremony.

I'm just thinking.. When would I wear clothes as same as my son. But how could I have a child kung pag aari na ng iba ang babaeng gusto kong maging ina ng mga anak ko.

Pag aari na siya ni Miguel Montenegro.

I don't know what's with that guy.

Hindi ko alam kung bakit sobrang baliw si Guillianne sa kanya.

Ganun ba siya kagwapo? Gwapo din naman ako ah. I actually worked hard for it. Ang sakit kayang magpaderma. Yung tipong pagkatapos ng isang session, pulang pula 'yung mukha ko.

I'm also rich. May sarili akong accounting firm.

Masipag. Ask my employees about that.

Makisig. Inborn yun sa akin, sabi nga ng mommy ko, dapat daw ipapangalan niya sa akin ay Makisig, kaso don't state the obvious daw.

Macho. Hindi naman sa pagmamayabang pero may nagaapoy akong six pack abs. Ehem.

I'm almost perfect. Yung tipong pagnagdagdag pa ako ng isang paligo sa kada araw perfect na ako.

And above all those wonderful things about me.

I love her. I always do.

Pero hanggang ngayon, hindi ko pa din maintindihan kung bakit si Miguel ang mahal niya. Samantalang una naman kaming naging magkakilala. What's with Miguel, that made Guillianne fell for him so hard?

Ganoon ba talaga kalakas ang Power of Love?

Grabe sa sobrang lakas, nagpakatanga ako. Sa sobrang lakas ng love na 'yan, I gave up the fight para lang maging masaya 'yung taong mahal ko.

Nung araw na nalaman ko na ikakasal na si Guillianne at Miguel, I felt happy and sad at the same time. Masaya, dahil tapos na 'yung paghahabol ni Guillianne, ayaw ko na naghahabol siya samantalang andito naman ako palagi at pilit na sinasabayan siya. Masaya ako dahil nakuha niya 'yung gusto niya.

Pero nalungkot din ako, I actually cried for a night. For a night lang, nakakabakla masyado kapag ginagabi gabi.

Ganun talaga.

You loved. You were hurt. You cried. You let go. You moved on. But still, you won't forget. You will never forget the feeling.

Nasaktan ako para kay Guillianne. Sa pagtrato sa kanya ni Miguel. Yeah, we can say that it was all her fault. But can we blame her? She's just crazily in love. She's just a victim of love.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELWhere stories live. Discover now