Chapter 34

14.9K 200 16
                                    

"Excuse me, ilang taon ba bago ko pwedeng malaman kung okay ang mag-ina ko?!"

For Pete's sake I've been waiting here sa labas ng delivery room for almost a century.

"Sir, calm down. Maupo na lang po muna kayo. Relax. Your wife and your child are in good hands."

Sabi ng nurse na nakapwesto sa nurse's station.

"How could I?! Almost an hour nang nasa delivery room si Guillianne! Tell me, how could I?!"

"Miggy!"

"Ma! At last, you're here. I don't know what to do. Guillianne's still in there."

"I'm sorry, nurse." Sabi ni Mama bago ako hinila papunta sa mga upuan sa waiting area.

"Anak, calm down. Okay? Everything will be fine."

"You look ridiculous, Kuya."

Rafa said. I don't know where the hell he came from. Bigla biglang sumusulpot. I just ignored him baka masapak ko lang.

"Ma! Seven months pa lang 'yung anak ko."

"I know and for sure the doctor knows what to do. Stay here, aasikasuhin ko ang mga dapat asikasuhin."

I burried my face in my hands because of frustration. Grabe ganito pala ang feeling ng magiging tatay. This is bvllshit but heavenly.

"Doc?"

Napatayo ako, dahil nakita ko si Rafa na kausap 'yung doctor.

"Congratulations again, Mr. Montenegro."

'Yun ang narinig ko na sinabi ni Doc bago nakipagkamay kay Rafa at umalis.

"Doc!"

"Hey, Bro."

Hinawakan ako ni Rafa sa braso para pigilan ang pagsunod ko sa doctor. Anong kabaliwan ba 'to Rafael?! Sa inis ko, di ko napigilang kwelyuhan siya.

"What the hell are you doing, Rafael?!"

"Chill, Kuya. Sabi kasi kanina Mr. Montenegro. I'm Mr. Montenegro, right?"

I was about to give him a punch nang masalo niya ang kamao ko at nagsimula na siyang tumawa. He's crazy.

"Congrats, Bro. We have a new man in the family."

With what Rafa has said, nanlambot ang buo kong katawan. Halos mapaupo ako sa sahig. I don't know what kind of feeling I am feeling right now. I bring my self back to the chair dahil hindi ko na kaya ang panlalambot ng katawan ko.

I saw Travis. Lumapit siya sakin and asked something. Pero hindi ko siya maintindihan dahil sa sobrang panghihina ko. Kaya dumerecho na siya sa kung saan. I suddenly felt my mom giving me a hug.

-----------

Guillianne's

.

~~And darling, I will be loving you 'til we're 70
And, baby, my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Well, me—I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am

So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are~~

Napangiti ako nang makita ko kung sino 'yung kumakanta. I saw him singing a song to our son na nasa incubator pa. Parang nawala lahat ng sakit at pagod na naranasan ko while giving birth. I didn't expect na ganun kasakit at kahirap ang panganganak but after all, seeing my baby, sobrang saya. Kahit hindi ko pa mayakap ngayon ang baby ko, because he's so fragile. Premature. Kaya he needs to stay at the incubator for few days or maybe weeks. Depende daw sa development ni baby. At dahil hands off muna kay baby, we requested for a room wherein pwede kaming magstay with the baby. Kahit medyo mainit, okay lang. I'm happy dahil wala namang anything to worry about kahit kulang sa month si baby. He's a miracle. This is miracle.

"Miggy?"

I called his name loud enough for him to hear. Pagkalingon niya sa akin, agad siyang ngumiti at lumapit para halikan ako sa noo.

"Mommy and Daddy, I need to get the baby's name."

Sabi ng nurse na kakapasok lang sa room.

"Do the honor."   Sabi ni Miggy.

"Sigurado ka?"

"Why? Do you want our baby to be named Miguel Jr.?"

"Hmm? Gino. Gino Brylle Montenegro."

Nag-nod lang si Miggy at isinulat na sa paper ang sinabi kong pangalan. Lumabas din agad 'yung nurse.

"Baby GB, hello."

"What did you call my baby?"

"Baby GB."

"Don't call him GB. Parang brand ng sapatos."

Natawa kaming pareha sa sinabi ko.

"Fine. Eh, anong itatawag natin sa anak NATIN?"

Napangiti ako ng pinagdiinan niya 'yung salitang, natin. Nakakakilig. Ewan ko ba.

"Gino, just Gino. Kasi Gino means, immortal. Di man immortal si baby, I want him to be strong and courageous as if his an immortal."

"Nice. What about Brylle? What does it mean?"

"Nothing. Nagagandahan lang ako. Gino Brylle Montenegro. Sounds great, diba?"

"I knew it."

Nagtaka ako sa sinabing iyon ni Miggy. Tumayo siya at tumapat sa pinto. 

"It's Benjamin. Guillianne and Benjamin, G and B, Gino and Brylle. Nice."

Pagkasabi niya nun agad siyang lumabas ng kwarto.

Never pumasok sa isip ko na from Benjamin 'yung Brylle. Hanep sa logic si Miguel.

About Benjamin. Kakaalis lang niya. And he still don't know na nanganak na ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na napatawad ko na si Miggy.

And now. Nalilito ako. Bakit parang naiipit ako sa sitwasyon.

Bumukas 'yung pinto and I'm making my self ready para isuksok sa utak ni Miggy na hindi galing sa Benjamin 'yung Brylle. Pero nurse pala ang dumating para icheck si baby Gino.

Kumakanta pa 'yung nurse habang chinecheck si baby Gino.

Maganda sana 'yung boses niya kung namili sana siya ng ibang kanta. Hindi 'yung Thorn Between Two Lovers.

Thorn between two lovers.
Playing like a fool.

Asar.

Loving both of you,
Is breaking all of the rules.

.

.

.

.

.

Am I loving both of them? Is that even  possible?

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELWhere stories live. Discover now