Chapter 21

18.2K 254 7
                                    

"Ate Lianne."

Napalingon ako kay Abby "What?"

"Pwede bang itigil mo yang paglakad lakad mo. Nakakahilo" Sapo sapo niya yung ulo niya. Hindi ko na siya pinansin at patuloy akong nagpabalik balik ng lakad sa loob ng unit ko.

Nakakaasar kasi ang kapal ng pagmumuka ng singkit na yun. Nakakairita ang lakas ng loob na sabihan akong makipagdate sa kanya. Bakit sino ba siya?

"Ate naman eh" reklamo ulit ni Abby.

"Hay naku Abby. Kung ikaw lang nasa situation ko baka gustuhin mo ding manapak ng tao. Naku, gusto kong dukutin yung singkit na mata nun eh para lumuwa!" Naupo ako sa couch katabi ni Abby.

"Sige ate ipakilala mo sa akin yung singkit na yun ah, tutulungan kita na dukutin yung mata nun. Pero bukas na ah, inaantok na ako eh"

"Okay fine. Fine." Pag suko ko. Kung sabagay kanina pa siya andito.

Tumayo siya and she leaned to kiss me on my cheeks. "Good night, ate. Itulog mo lang yan"

"Sige good night na din." I also stood up para ihatid siya sa pinto.

"Sige bye ate. Matulog ka na ah"

"Hindi pa ko matutulog eh. Pagpaplanuhan ko pa kung paano ko dudukutin yung mga mata nung singkit na yun eh, maghahanap pa ako ng chain saw para pugutan ng leeg yung lalaking yun, at ibibitin ko siyang patiwarik. Papakin sana siya ng lamok at mapuno ng dengue virus yung dugo niya!"

"Ate walang dengue dito sa London"

"Magkakaroon na Abby. Nagdala ako galing Pinas."

Natawa naman si Abby sa mga pinagsasabi ko. "Sige na ate. I'm so sleepy na." I nodded.

Inantay ko muna siyang makapasok sa unit niya bago ko isinara yung pinto ko. 

I never thought that I will feel this much anger with someone. Nakakairita kasi siya. Ipinagdukdukan ko na nga sa kanya yung pera ko para tigilan na niya yung kalokohan niya, pero todo push pa rin siya.

Unti unti kong minulat yung mga mata ko, kanina pa kasi may nagdodoorbell. Ang aga aga eh. Derederecho ako sa may pintuan, I didn't even bother to look at the monitor.

"Good morning" Abot tenga ang ngiting sumalubong sa akin.

"What's good in the morning? Tell me" Walang gana kong sabi sa kanya. Isasara ko na sana yung pinto pero pinigilan niya yun. He even get inside of my unit. Aba loko to ah.

"You know what Jam, tigiltigilan mo nga ako." Yung feel at home siya at nagawa pang magrelax sa couch ko. Nakakainis.

"Diba hospitable ang mga Pinoy? Pairalin mo naman. Won't you just say, What do you want Jam? Coffee, tea or me?" I rolled my eyes sa sinabi niyang yun, nagboses babae pa siya. Kaasar.

"Anyway, I want coffee, mukhang mas masarap yun compare sayo"

"Aba't ang kapal mo-"

"Please babe" He winked after saying please. Nakakasuka. Padabog akong nagpunta sa kitchen para mag timpla ng coffee ng singkit na yun.

"Oh ayan na yung coffee mo." Inis kong inilapag yung cup of coffee niya sa center table.

Kinuha niya yung cup of coffee at iniabot sa akin. Kinunot ko yung noo ko, I really want to raised a brow to him but sadly, di ko kaya.

"Take a sip, babe" he pinned his eyes into mine. Parang nanghyhypnotized yung mga tingin niya.

I get the cup of coffee, and take a little sip. Atsaka ko yun ibinalik sa kanya.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELWhere stories live. Discover now