Chapter 13

16.3K 260 23
                                    

Nagkatinginan kaming dalawa pero saglit lang iyon, dahil sinunggaban agad ng babae na kasama niya iyong mga labi niya. Suot suot pa nung babae yung long sleeves polo ni Miggy, samantalang si Miggy, he's only wearing boxers. Oh my gosh! Did they just-do that?

Ang bababoy nila!

Di ko na nakayanan. Kinuha ko yung isang bote ng alak at hinampas iyon sa lamesa, kaya nabasag. Napansin kong nagdugo ang kamay ko dahil sa ginawa ko. Pero wala akong maramdamang sakit. Namamanhid ang buo kong katawan tanging dibdib ko lang ang nararamdaman kong masakit. Parang ang hirap huminga.

Oo hindi niya ko mahal, pero sana kahit papaano may respeto siyang pinakita sakin. Kahit di bilang asawa niya, kahit sana bilang tao, bilang babae lang. Ang bababoy nila! Mga putAngina!

---

Tatlong araw na matapos yung nangyari, matapos yung nakita ko. After what they did, they left the house-si Miggy at yung putAnginang babae na iyon. Alam ko na alam niyang may asawa si Miggy, gosh who wouldn't know na kinasal na ang isang Miguel Montenegro sa isang Guillianne Andres, gosh eh covered by media men yung kasal namin, sinong tanga ang di makaka alam nun? Lumabas yun sa lahat ng tv channels, sa lahat ng radio stations at lahat ng newspapers, miski sa ilang magazines meron nun, even on social media, then how could that be possible na hindi niya alam yun. Sadyang nangangati lang siya.

Nilasing pa niya si Miggy, to satisfy her needs. TAngina talaga. Tatlong araw na ding hindi umuuwi si Miggy.

I MISS HIM... SO MUCH...

Yes, nasaktan niya ako pero naiintindihan ko naman yun eh. Hindi niya gusto itong set up namin-him being married with me.

Hindi ko siya masisisi...

Nagiigib ako sa poso ng biglang dumating si Miggy sakay ng sasakyan niya. Parang hangin lang ako na dinaanan niya. Derederecho siya sa loob ng bahay.

Ano pa nga bang dapat asahan..

Nagpatuloy na lang ako sa pagiigib mula sa poso.

"Ako na bahala diyan" nangilabot ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa may tainga ko. Hawak din niya ang mga kamay ko na nakahawak sa poso. Halos nakayakap na siya sa akin.

Gusto ko siyang lingunin pero kinakabahan ako eh.

Ipinagpag ko ang mga kamay ko para maalis yung pagkakahawak niya, at umatras ako ng kaunti kaya umatras din siya. Doon na ko nagkaron ng pagkakataon para maglagay ng distansya saming dalawa.

Nakatingin lang ako sa kanya, ngayon ko lang nalaman na topless pala siya. Nababaliw na naman ako kay Miggy. Pero bakit parang walang nangyari nung mga nakaraang araw. Bakit parang ibang Miguel Montenegro yung kaharap ko ngayon. Bakit parang ewan yung pakiramdam.

"Stop staring" pagkasabi niya nun natawa siya. Hinawakan niya ang baba ko at tinulak iyon pataas para maisara ang bibig ko. What?! Nakanganga talaga ako?

Pumunta siya sa may likuran ko at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Get in. Ako na bahala dito. May binili akong pagkain dun, maghain ka na lang" sabi niya habang marahan akong itinutulak papasok ng bahay.

May sakit ba si Miggy?

---

Tatlong araw akong di umuwi, di kokasi alam kung paano ko haharapin si Guillianne. Nakakaguilty. Kaya ngayon naisipan kong bumawi. Sana makabawi. Ewan ko pakiramdam ko kelangan ko lang talagang bumawi.

Mahirap palang mag igib sa poso, parang sampung taon pa ang kelangan ko bago ako makapuno ng isang balde. Bakit si Guillianne, nagagawa niya.

Bakit nga ba niya nagagawa ang lahat ng ito para sa akin?

Tama iyong sinabi ni Benjie, na nakakabilib si Guillianne. Oo buhay prinsesa siya kulang na lang ay daddy pa niya ang magpainom sa kanya ng tubig, samantalang dito magiigib pa siya sa poso, papakuluan ang tubig at aantaying lumamig bago siya makainom.

Nakakabilib rin kung gaano siya namamangha sa akin. Bakit ganun, pakiramdam ko perpekto ako pag nakatingin siya sa akin.

Fck! What am I saying?

"Ay fcksht!" nakakainis! Natanggal pa iyong hawakan ng poso. Fck. Bakit ang hirap netong gamitin. Ibinato ko yung hawakan ng poso. Nakakainis eh.

Napalingon ako ng marinig ko siyang tumatawa. Ang genuine ng tawa niya, totoong totoo. Even her eyes are smiling. Fck. What am I saying.

"Nagpiprisinta ka tapos di mo pala kaya" nakangiti siyang lumapit sa akin at pinulot yung hawakan ng poso. Ibinalik niya iyon at nag igib siya.

"Ituloy tuloy mo kasi yung pagbomba para madali" mabilis niyang napuno iyong balde. Kahit na hirap siya nagawa naman niya yun ng maayos.

"Tara tama na siguro yan, kain na tayo" hinawakan niya ko sa kamay at hinatak papasok ng bahay.

Bakit parang wala akong ginawang kasalanan? Bakit parang okay ang lahat? Bakit pinaparamdam niyang perpekto ako? Bakit siya ganun? Fck. Bakit ako nagkakaganto?

---

a/n: sabaw again!

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELWhere stories live. Discover now