Merry Christmas and Happy New Year!!!

10.2K 85 4
                                    

Hi!!! Feeling ko tatamarin na kayong basahin 'to, pero sana isipin niyo na lang galing 'to sa isa niyong close friend kaya babasahin niyo. (Kahit medyo napipilitan lang kayo. Joke! Haha)

Dear everyone,

      Merry Christmas sa inyo! I'm so blessed dahil sa inyong lahat. Tulad kasi ng ibang nagsusulat, I'm doing this dahil eto 'yung way of escape ko sa reality. Salamat kasi napapasaya niyo ako. Swear!

     I wanna share something. Dati kasi, nung naguumpisa pa lang ako sa pagsusulat sobrang saya ko na kapag may nagcompliment sa story na gawa ko. 'Yung todo screenshot ako sa tuwing nakikita ko na nagiincrease 'yung reads ng story ko. Lalo naman nung umabot ng thousand 'yung reads. Eh pano pa ngayon? Hindi ko man maiexpress sa inyo kung gaano ako kasaya sa tuwing may dagdag na reads, votes, and comments, eto lang ang masasabi ko, I am really happy and thank you for giving me such happiness.

       Sorry. I wanna say sorry sa mga nagaabang ng update. Medyo marami lang kasi akong pinagkakaabalahan sa buhay. Pasensya na sa mga readers na nagsawa ng mag antay. Atsaka di man halata, bago kasi ako magupdate nagreresearch ako. For example, nung nabuntis si Guillianne ng Miguel. Nag search ako ng mga kung ano anong bagay. (Di man halata) At dahil nasa London siya, (and hindi pa ako nakakarating ng London) nagsearch ako about dun. Places and events, pati mga pagkain sa London nag search ako kahit papaano. Nung nanganak siya at premature. Nagsearch ako, ang dami kong nalaman but hindi ko naman mailagay lahat sa story dahil hindi naman academic or medicine book ang ginagawa ko.

      Alam ko wala ako sa kalingkingan ng ibang author pero masaya kasi ako sa mga simpleng achievement ko. And I'm hoping na kayo din. Mahalin niyo 'yung sarili niyo at 'yung mga bagay na alam niyong nakakapagpasaya sa inyo. 'Yung totoong saya a. Para everybody happy.

    Hanggang dito na lang masyado na kong feeling close e. Haha

Gusto ko kayo pasalamatan isa isa pero mahirap gawin at baka may makalimutan pa ko. Kaya, Thank you na lang in general! :)

     MERRY CHRISTMAS!

                   Love,
                   Theneeks

Ps: after holiday season na ko magaupdate, baka kung anong magawa ko sa update e. Baka di bumagay sa season. Haha dapat happy lang.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin