Chapter 4

21.7K 303 18
                                    

"Dalian mo. Ang kupad, palibhasa hippopotamus" dinalian ko na yung pagsakay sa speed boat at inaatake na naman ng PMS niya si Miggy loves. Lalaking to talaga, di na nga ako inalalayan, tinawag na naman akong hippopotamus. Yung magaspang na kamay tuloy nung bangkero yung nakaalalay sa akin.

Pagkasakay ko agad ding pinaandar yung speed boat, sabi almost 30 minutes daw bago kami makakarating dun sa beach resort.

"Wow! Miggy. Ang ganda ng rock formation oh!" saka ko tinuro yung rock formation na nasa bandang gilid namin. Pagkalingon ko kay Miggy loves, nakayuko lang siya at di gumagalaw, napagod siguro sa pagdadrive.

"Maganda po talaga yan ma'am. Naturally made kasi. Marami pa pong ganyan dito." ang daldal ni manong. Badtrip. Feeling close. Buti sana kung gwapo eh ang kaso matanda na kulubot pa at panget. Basta walang ibang gwapo sa paningin ko kundi si Miggy loves.

Nanahimik na lang ako at kinuha yung monopad ko at inilagay dun yung waterproof camera ko. At ayun buong byahe sakay ng speedboat panay lang ang selfie ko, at syempre kasama si Miggy loves kaso di siya nakatingin. Eh nakayuko eh. Emo lang?

After ng ilang minuto narating din namin yung pampang ng beach resort.

Inaalalayan ako nung manong na feeling close pababa ng bangka ng bigla akong tinabig ni Miggy loves, at nagtatatakbo pababa ng bangka. Tumakbo siya sa kung saan. Anong nangyari  sa lalaking yun? Nagalala ako bigla. Mahal ko yun eh.

Susundan ko na dapat si Miggy loves pero tinawag ako nung manong na feeling close, at tinuro yung mga gamit namin. Sh!t.

Nagpatulong na ako sa pagbaba nung mga gamit namin, at ipinalagay ko muna dun sa parte na di inaabutan ng tubig dagat.

"Ahm, manong magkano po?" ang tagal ni Miggy loves eh. Ako na lang yung magbabayad.

"Kayo na po bahala ma'am" Ayaw ko talaga na sinasagot ako na ako na ang bahala. Bigyan ko kaya siya ng singkong duling ako pa din ba bahala. Kumuha ako ng paperbill sa wallet ko, at inabot dun sa manong. Pagkabigay ko naman ng bayad ay agad din silang umalis.

Inilibot ko yung paligid ko, ang tahimik. Nasaan na kaya si Miggyloves? Nagaalala na ko. Hindi ko naman magawang hanapin siya, di ko maiwan yung mga gamit, alangan namang buhatin ko lahat ng ito.

"Miggy" nakita kong papalapit sa akin si Miggyloves ko. Namumutla yung mukha niya at labi niya. Para siyang lumaklak ng suka. Nanlalamya din siya.

"Miggyloves may sakit ka ba?" idinampi ko yung likod ng palad ko sa leeg niya. Hindi siya mainit, nanlalamig siya at pinagpapawisan. Natakot ba siya kanina?

"Teka nga, Miggy loves, natakot ka ba sa pagsakay natin ng speedboat?" biglang nagkakulay na yung maputla niyang mukha, namula siya. Gosh he's freaking gorgeous when he is blushing. Ano ba ito? Parang ako yung lalaki sa amin ah. Yung parang ako yung nagaadmire sa babaeng nagbablush.

"Let's go to the hotel" agad niyang binuhat yung mga gamit niya. Gamit lang niya. Buti na lang at nakamaleta ako. Kaya hila hila lang.

Naglakad kami ng kaunti, bago namin narating ang hotel, medyo malayo siya sa pampang.

"Good morning ma'am good morning sir." nangingislap yung mata nung hotel staff nang makita si Miggyloves ko. Gosh. Mapagnasa. Napatingin ako sa mga orasan na nakasabit sa ding ding ng front deskng hotel, saktong 9:00 am, sa pinakamalaking orasan, na may label na, Zambales, Philippines.

"Good morning, Mr. Montenegro please" si Miggy parang walang kasama.

"Mr. Montenegro.. Nagpachange reservation po kayo last-"

"What? Wala akong pinabago" Kumunot yung noo ni Miggy, na nakadagdag sa kagwapuhan niya. Ang gwapo talaga ni Miggyloves ko.

"Sir, according po sa record, si Mrs. Montenegro po  ang nagpabago ng reservation." si mom. Eto na ang simula ng plano. Yes this is a part of the plan. Ang pagsasama namin sa iisang kwarto.

"Wait. Excuse me please" lumayo ng kaunti si Miggy at nagdial sa phone niya.

"Fck. Walang signal" inis niyang ibinulsa ulit yung phone niya.

Lumapit na ulit siya sa counter, naglean pa siya ng kaunti, at napansin kong namula yung pisngi nung hotel staff na nasa front desk. Ang sarap sabunutan.

"So, what are the changes made?"

Inilagay pa nung hotelstaff yung buhok niya sa likod ng tenga. Nakakainis, ang landi. Paputukin ko lalo yung labi niya na pumuputok na sa sobrang pula ng lipstick eh.

"Ahm sir. You'll share with Mrs. Montenegro"

"What? Are you kidding me?" napapangisi na lang ako sa isang sulok kasi alam ko kung sino yung tinutukoy na Mrs. Montenegro.

"My mom's not here, miss"

"Sir, it's not her, I'm talking about your wife, Mrs. Guillianne Andres-Montenegro." napangiwi yung babae ng sabihin niya yung salitang wife. Bigo. Hahaha. Ang sarap sa pandinig nung Mrs. Guillianne Andres-Montenegro.

"What? She's not my wife. I'm a bachelor" nagliwanag na naman yung mga mata nung hotel staff.Sapakin ko kaya siya.

"Anyway, just give the room to Ms. Andres, I'll just get another room"

"Sir we are glad to serve you, but there's no more available room. Everything was occupied"

"I will just look for another hotel" kinuha niya yung mga gamit niya at akmang aalis

"Sad to say sir, eto lang po ang hotel sa resort na to" pagkasabing pagkasabi nun  ng hotel staff, bumalik si Miggy loves sa front desk.

"What the- Fine."

"Okay sir, Our room boy will accompany you up to your room" Nanguna na si Miggy loves sa pagsakay sa elevator. Nakasunod ako  sa roomboy na mas nauunang nag lakad sa akin. Ipinadala ko na sa kanya yung mga gamit ko, nakakangalay na eh.

Miguel's POV

Agad akong lumabas ng elevator pagkabukas na pagkabukas nito. Nakakainit talaga sa ulo kapag malapit sa akin si Guillianne. Ewan ko ba, basta naiinis ako sa bawat parte ng presensya niya. Ang sakit na nga ng ulo ko kanina nung sumakay kami ng speed boat dinagdagan pa niya.

Hinatid kami ng roomboy sa tapat ng pinto ng kwarto namin, I can't believe it anong kalokohan na naman tong naisip ni mama. Inabot sa akin ng room boy yung card at umalis na siya.

Nabigla ako pagkabukas ko ng pinto. Ang liit ng kwarto at iisa lang yung kama, ni walang couch. What the fck, is happening here?

"Fck" biglang bulaslas ng bibig ko. I can't avoid cursing. Yung idea pa lang na makakasama ko tong hippo na to sa iisang kwarto kumukulo na dugo ko, paano pa kung matutulog kami sa iisang kama? Pakiramdam ko sasabog ako. Sasabog ako sa inis.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon