Chapter 15

18.5K 244 22
                                    

"Hello?"

"Wala ka bang kelangan sa akin?"

"Huh?"

"Eh kasi, ang tagal mo tumawag eh."

"Wala naman akong kelangan. And hello travis? Okay ka lang? Parang nandito ka lang sa bahay kahapon ah."

"Eh namimiss na kita eh"

"Huh?"

"Wala. Sabi ko may kelangan ako sayo. Malapit na ko dyan. Bye."

"Huh? Hoy ano? Teka Travis? Hello?"

Baliw na ata si Travis eh. Papunta na siya? Samantalang kahapon pumunta din siya dito sa bahay. Ang dalas na niyang andito. Sabi niya may pinuntahan daw siya sa may bayan dito, kaya dumaan na din siya dito samin. Grabe out of the way kaya tong bahay namin.

Sa tingin ko medyo matatagalan pa yun. So I better take a bath first. Ang aga naman niya kasi, 7 am pa lang kaya.

So I got inside the bathroom and I did my rituals. Almost an hour din ako sa loob ng cr.

"What the fck! Travis!" Napatingin siya sa akin.

"Hey don't look" Gosh. Nakatapis lang ako ng tuwalya.

"I'm sorry, I'm sorry."

"Wag kang titingin ah! Travis. Sasakalin talaga kita!"

"Oo promise, I won't look."

Dinalian ko na ang pagpasok sa kwarto. Grabe kinabahan ako dun. Trespassing si Travis! Binilisan ko na ang pagbibihis. Saka lumabas.

"Hoy. Ikaw Travis ah. Basta basta ka na lang pumapasok ng bahay ng may bahay." Nakapamaywang kong sabi sa kanya.

"Hindi naman nakalock yung pinto eh, so everyone's welcome. And remember? I called you. Sinabi kong pupunta ako diba?" Itinaas pa niya yung paa niya sa center table na gawa din sa kawayan. Baliw talaga to.

"Hindi ko naman alam na marunong kang magteleport" pabagsak akong naupo sa tabi niya.

"Teleport?" Takangtaka pa yung itsura niya.

"Ang bilis mo kaya!"

"Actually mga 30 minutes na ngang kong nagaantay eh, bago ka lumabas ng banyo."

"Bakit ang bilis mo?"

"Pag sinabi kong malapit na ko, malapit na talaga ako"

"Sus. Ang dami mong alam. Teka, ano bang kelangan mo sakin?"

Bigla siyang tumayo at hinila ako.

"Teka nga" hinila ko yung kamay ko na hawak niya.

"Ano bang kelangan mo?"

"Wala kasi akong kasama kumain. Tara kain tayo." Nakangiti pa siya habang nagkakamot sa ulo.

"Aba! Are you insane? Pumunta ka dito para lang may makasama mag almusal! Lakas din ng topak mo eh noh."

"Dali na. Tara na, libre ko naman eh" Nagpapuppy eyes pa siya at gosh! He's pouting! Ang bakla niya.

"Hay naku! Tara na nga" hinigit ko siya sa braso at hinila palabas ng bahay.

Binitawan ko din siya agad, dahil ilalock ko yung pinto. After kong masigurado na nakalock na yung pinto at wala ng tulad ni Travis ang kayang magtrespass, pumunta na ko sa sasakyan niya.

He's standing beside his car with the door open. Pumasok na ako dun and he closed it. Umikot siya sa kabila para sumakay.

"Kelan ka pa naging gentleman?" Tanong ko pagkapasok niya ng sasakyan.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELWhere stories live. Discover now