Chapter 31

15.7K 201 6
                                    

Nagising ako sa isang tugtog. Sa pagkakaalam ko, tunog iyon ng isang violin. Ang sarap sa tainga. Melody ng Happy Birthday ang tumutugtog pero mas mabagal iyon sa normal nitong beat. Para ngang naging lullaby iyon para sa akin. Kaya sa halip na idilat ko ang mga mata ko para tignan kung sino o ano man ang pinaggagalingan ng tugtog na iyon, nanatili na lang akong nakapikit at dinama ang bawat nota.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ulit ako.

Pagdilat ko ng mga mata ko, maliwanag na. Nakatabing na din ang mga kurtina sa magkabilang gilid ng bintana, kaya dumadampi sa balat ko ang sikat ng araw.

Mukhang maagang umalis ngayon si Jam, dahil may klase siya.

Marahan akong tumayo mula sa kama at inayos ko ang bed sheet, comforter at mga unan. Nagpunta ako sa may veranda at pinagmasdan ang view ng Paris. Natatanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang Eifel Tower. Medyo malayo siya at natatakpan ng hamog pero napakaganda pa din niyon.

This view is always making me calm. Pakiramdam ko sa tuwing tinitignan ko ang view ng Paris mula dito sa veranda ay nagiging magaan ang loob ko, pati na rin ang baby ko.

Almost two months na din akong nagdadalang tao, at nabawas bawasan na ang morning sickness ko. Sa tingin ko ay nakakapag adjust na ang katawan ko sa kalagayan ko ngayon.

I heard someone knocked, kaya nagtungo ako sa may pinto.

"Breakfast is ready, Madame."

Nagpasalamat ako at nagsabi na susunod na lang ako sa baba. I made my morning rituals bago ako bumaba para sa almusal.

Pagkadating ko sa dining area ay nakahanda na ang mga pagkain kaya naupo na ako.

May lumapit sa akin na isang maid at inabot ang phone. Nagpasalamat naman ako bago ko tinapat ang telepono sa may bibig ko.

"Hello?"

"Bonjour, Sweetheart. Happy Birthday."

Napangiti ako sa pagbating iyon. Yeah, it's my birthday today, at nakakatuwa dahil alam iyon ni Jam.

"Sweetheart, baka masyado kang na touch sa akin a? Huwag kang iiyak. Wala ako dyan to wipe your tears."

Natawa ako kay Jam. He's getting sweeter and sweeter every time, kaso ang corny.

"Gago"

"Hey! Stop it, Sweetheart. Baka marinig ka ni baby. Sige ka pagkalabas niya sa tiyan mo, imbis na unga ang tunog ng iyak niya, maging gago"

Ginawa naman niya 'yung sinabi niya, ginaya niya ang iyak ng isang baby.

"Sweetheart, may klase ka diba?"

"Oo, pero sabi ko kasi sa maid tawagan ako pag pwede ka na kausapin. Nasa restroom ako"

"Para ka ring babae minsan e no? Tumatambay sa restroom"

"Hindi naman magseselfie lang naman ako e"

Natawa kami pareha sa sinabi niya. Saglit niya akong kinantahan ng Happy Birthday Song, at sinabi na pagkauwi niya magcecelebrate kaming dalawa. Tinatanong niya ako kung saan ko gusto kumain mamaya but I chose na dito na lang sa bahay. Nakakatamad din kasing umalis alis e.

Madaling nagdaan ang ilang oras. Nakauwi na si Jam at may dala siyang strawberry cake at mga bulaklak. Nagpatulong naman ako sa maid para magluto ng pasta.

We both decided na sa veranda na lang mag dinner kaya pinaakyat namin ang mga pagkain.

"Happy Birthday Sweetheart"

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELWhere stories live. Discover now