Chapter 17

17.6K 285 13
                                    

Kanina pa ako gising but I don't want to open up my eyes, nabibigatan ako sa mga mata ko. Dahil na din siguro panay ang iyak ko kagabi. After what happened last nigth, natulog lang si Miguel na parang walang nangyari. Samantalang ako, hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog, I was silently crying all night. Ni hindi ako makaalis sa tabi ni Miguel kagabi dahil nakapatong ang isang binti at braso niya sa akin.

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko, wala na si Miguel sa tabi ko. Uupo sana ako pero I felt something painful down there. Fck. Totoo talaga. I lost it. Sa maling pagkakataon.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Miguel. Pero wala siya, even his car is gone. Umalis siya. Ano yun? Pagkatapos ng ginawa niya sa akin iiwan niya ko? Gosh, ang sakit ng ibaba ko. Pero mas sumakit yung dibdib ko. Anong naging papel ko kagabi? Parausan? Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. "Hindi ka pa ba nauubos?" Para akong baliw na kinakausap ang sarili kong luha. Kagabi pa ako iyak ng iyak pero para akong lamesa dam na patuloy na nagsusupply ng tubig.

Marahan akong naglakad papunta sa banyo. Naligo ako. Napakatagal ko sa banyo dahil baka matanggal ng tubig yung sakit na nararamdaman ko sa ibaba ko at sa dibdib ko.

Sa sobrang tagal kong nagbabad sa banyo. Nakapagisip isip ako.

Paglabas ko ay nagbihis ako. Miski pagbibihis nahihirapan ako. Ang hirap talagang kumilos. Ganto ba talaga yun? Bakit parang ang OA nung sakit nung akin.

Nagtungo ako sa kwarto ni Miguel, ngayon ko lang napansin na may pulang mantsa sa kobre kama. Akin yun. Hindi na iyon hot sauce. Totoo na yun. Nagkasugat ata ako dahil nagdugo. Oo alam ko na kapag nakuha yun, may dugo talaga pero di ko alam na ganto kasakit. Ang hapdi.

Pinalitan ko ang kobre kama ni Miguel at muling nagtungo sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko.

Kinuha ko ang telepono ko at dinial ang number ni Travis.

"Hello Guillianne? Ano? Anong balita? May kailangan ka ba?"

"Teka nga, makinig ka muna."

"Sige. Ano yun" Nang tumahimik ang kabilang linya, saka ko napagpasyahang magsalita.

"Travis. Sunduin mo ako. Ngayon na."

"Oo sige. Parating na ako" Pagkasabi niya nun ay agad kong pinutol ang tawag.

Napagisipan ko na ito. Hindi ko na kaya. Noon, oo. Pero ibang usapan na ngayon, nagawa niya akong saktan at... masakit mang sabihin... pero nagawa niya akong gahasain. Oo we're married. But still, panggagahasa pa din iyon. I didn't agree to do that thing, siya lang ang may gusto nun, kahit na sabihing lasing siya, hindi iyon excuse.

Ilang oras ang nakalipas ng magring ang cellphone ko.

"Hello?"

"Hello. Malapit na ako"

"Sige" Siya ang pumutol ng tawag.

Mayamaya lang ay nakarinig na ako ng humintong makina ng kotse. Dumungaw ako at nakita ko si Travis na bumaba ng sasakyan niya.

Pagkadating niya sa may pintuan ay agad ko siyang niyakap. At ayun na naman ako, umiiyak na naman.

He was caressing my back. "Anong nangyari? Anong ginawa sayo ni Miguel?"

Bumitaw ako sa pagkakayakap. At kinuha ang maleta na naglalaman ng mga damit ko. "Tara. Umalis na tayo." Di na siya muling nagtanong pa, kinuha niya ang maleta ko. At agad na inilagay yun sa back seat.

"May pilay ka ba?" Tanong niya ng mapansin na mabagal ang lakad ko. Umiling na lang ako. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo ako sa passenger's seat. Gosh. Ang sakit talaga. Umikot siya para sumakay sa may driver's seat at agad nang pinaadar ang makina ng kotse niya.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELKde žijí příběhy. Začni objevovat