Chapter 37

13.4K 178 6
                                    

"Guillianne, kakalabas mo lang ng hospital. Try mo ring magpahinga, diba?"

"Trav, naman e"

Pagkasabi ko nun ay naupo na si Travis sa kama katabi ko. Kanina pa niya ako kinukulit. Di niya kasi ako naiintidihan e. Oo nakalabas na ako ng hospital pero nandoon pa din si Gino at si Daddy.

"Sabi ko naman sayo, Guillianne I can take care of Tito."

"Oo Travis, I know, and thank you. Pero ngayong okay na ako gusto ko namang alagaan si Daddy pati na din si baby Gino."

"Nagvolunteer na si Miguel na gawin 'yun, diba? At isa pa andun ang mama niya to guide him. Wait.. Don't tell me?"

"Of course not, Trav!"

Umalis siya sa tabi ko at nakayukong hinarap ako para magtapat ang mga tingin namin.

"Defensive ka"

Sabi niya saka ngumiti ng nakakaloko.

"Hindi no. Alam ko po kasi 'yang laman ng madumi mong isip."

Nagfocus na ulit ako sa pagtutupi ng mga damit pero hinawakan niya ko sa baba at iniharap ulit sa kanya.

"Don't deny it"

"Masyado ka ah!"

Tumayo ako at ibinato kay Trav 'yung hawak kong damit. Pumunta ako sa may malaking bintana ng kwarto ko at tumingin sa malayo. Tumayo din sa Travis at tinabihan ako. Ilang sandali rin kaming natahimik.

"Kelan pa?"

Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. Nakatingin pa din siya sa malayo. Dinedma ko na lang 'yung tanong niya dahil di ko rin naman maintindihan kung anong 'yung gusto niyang sabihin.

"Kelan ka pa magdedesisyon kung sino sa kanila."

Hindi ko masagot si Trav dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot.

"You can never have them both, at lalong hindi pwede na kung sino ang nandyan dun ka."

Tama si Travis. I can never have them both. Posible pa na mawala silang dalawa.

"Nahihirapan ako."

Pagkasabi ko nun ay sumabay na pumatak ang luha galing sa kanang mata ko.

Inalalayan niya akong maupo sa edge ng kama ko. Kinuha naman niya 'yung upuan sa may dresser at naupo sa harapan ko.

Naramdaman ko ang pagcomfort ni Travis sa akin sa pamamagitan ng paghimas niya sa mga kamay ko.

Iniangat niya 'yung isa niyang kamay at itinapat 'yung hintuturo niya sa kinaroroonan ng puso ko.

"Just a piece of advice, sundin mo ang tinitibok nyan."

Inialis ko ang kamay niya sa dibdib ko at ipinalit ko doon ang sarili kong kamay para pakiramdaman ang puso ko.

"Pero pati ito nalilito e."

Kinuha ni Trav ang kamay ko at inilagay iyon sa dibdib niya.

"Buti pa 'tong akin 'di nalilito."

Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi naming dalawa. Para na kaming baliw. Ilang saglit din akong tinitigan ni Travis bago niya ako sinabayan sa pagtawa.

"Ang hirap!"

I screamed out of frustration. Nakakabaliw!

"Gusto mo tulungan kita?"

"Pano? Magto-toss coin tayo? Kapag head si Miggy? Pag tail si Jam? Baliw ka na, Trav."

"Syempre hindi... 'Wag ka nang mamili sa kanila. Just choose me. Hindi ka na mahihirapan pa."

Nabigla ako sa sinabing 'yun ni Travis. Gusto kong tumawa dahil sa sinabi niya pero hindi ko magawa kasi alam kong seryoso siya doon. Hindi naman lihim sa akin na may nararamdaman si Travis para sa akin. Nagulat lang ako kasi ngayon na lang niya ulit inopen 'yung tungkol sa feelings niya.

"Ano? Ako na lang?"

Tumayo ako pagkasabi nun ni Travis. Ang awkward kasi. Nilagpasan ko siya at binigyan ng pabirong sampal. Tumayo ako sa may gilid ng bintana hindi niya ako nakikita pero kita ko ang likuran niya.

"Ayoko sayo! Hindi mo 'ko kayang ipaglaban e."

Pinilit kong magbiro. Ewan ko lang kung effective ba 'tong pinagsasabi ko.

Nakita ko siyang yumuko at hinawakan niya gamit 'yung isa niyang kamay ang magkabilang sentido niya.

"Of course, I can."

Ilang buntong hininga ang pinakawalan niya bago ulit nagsalita.

"Kayang kaya ko. And because I know na sobrang kaya kong ipaglaban ka, hindi ko na ginawa. Alam ko kung saan ka magiging masaya, alam ko kung sino 'yung talagang tinitibok ng puso mo. Believe me, I really want to fight for you. Pero pinigilan ko ang sarili ko na gawin 'yun. Kasi I know it myself, that when I start the fight I will never let the war stop until I get the victory. Until I get you, Guillianne. Hindi ko sinimulan ang laban dahil alam ko na hindi ko makakayang huminto ng talunan. And I know that I may just end up hurting you. And I don't want that to happen."

Wala akong maitumbas na sagot sa lahat ng sinabing 'yun ni Travis.

Naging tahimik na naman kaming dalawa. Ni hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Maya maya lamang ay tumayo si Travis sa kinauupuan niya kaya tumingin ako sa labas mula sa bintana ng kwarto ko.

Naramdaman ko ang paghakbang ni Travis papunta sa pintuan. Narinig ko ang pagbukas nun pero wala akong narinig na ingay ng pagsara ng pinto. Dahan dahan akong lumingon sa pagaakalang wala na si Travis. Pero nagkamali ako, ni hindi ko na magawang bawiin ang mga tingin ko kasi kanina pa pala nakatingin si Travis sa kinaroroonan ko kaya nagtagpo ang mga mata naming dalawa.

'Yung ang layo namin sa isa't isa pero parang napapaso ako sa mga tingin niya.

Ngumiti siya bago nagsalita.

"Magbihis ka na. Sabay na tayo papunta sa hospital. Antayin na lang kita sa baba."

Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya nang tuluyan at isinara ang pinto.

God. Bakit parang mas nahirapan pa ako dahil sa mga sinabi ni Travis.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon