Chapter 5

19.4K 288 17
                                    

Naglalakad lakad ako sa pampang. Kelangan eh, kasi baka kung manatili ako sa kwarto na kasama si Miggy loves, baka magahasa ko yun ng di oras. Pero joke lang yun, di ko kayang manggahasa noh. Talagang kelangan ko lang lumabas dun, eh pinapalabas ako eh, alam na, PMS lagi eh.

Maganda din dito maraming rock formations, malinaw yung tubig dagat, at parang pulbos yung buhangin. Maganda maglakad lakad kaso boring, eh sa wala akong kasama eh, kaya napagpasiyahan kong bumalik na lang sa hotel.

Di pa man ako masyadong nakakalapit, nabuhayan agad ako ng dugo ng makita ko yung likod ni Miggy loves. Grabe likod pa lang ulam na. Kapag naging akin talaga siya, lagi ko siyang yayakapin mula sa likod. Kinikilig ako sa sarili kong iniisip.

"Anong kalokohan na naman to ma?!" gosh halata sa boses ni Miggy loves na galit siya. Mukhang alam na niya na hindi totoo yung business chuchu na ipinunta niya dito. Na lahat planado namin ng mommy niya at ng daddy ko. Siya na lang kasi ang di pabor sa pagiibigan namin.

"Ma?! Napakalaking panahon ang nasayang sa kalokohang to- hello ma- ma, fck wala na namang signal" ibinulsa niya yung phone niya. Mamaya na lang ako babalik, sa hotel dahil siguradong masasalo ko lahat ng galit ni Miggy loves ko.

"Anong klaseng lugar ba to? Parang naiinggit yung signal ng cellphone sa kuryente, nakikigaya sa rotational brownout, tss. Ano to? Rotational signal loss. Bwisi- Hoy hippopotamus!" shocks, dahan dahan na nga akong naglalakad papalayo napansin pa din niya ako. Patay.

Liningon ko siya at mahinahong nagsalita "Hindi ako hippopotamus"

"Istupida. Moron. Bakit ka lumingon?!" parang malala ang PMS ngayon ni Miggy loves. Patay na talaga ako ngayon.

"E-eh kasi d-diba Hippopotamus tawag mo sakin" mahinahon ko pa ding sabi. Di ko siya kayang sigawan eh. Masyado kong mahal. Sounds stupid but true.

"Hippo nga" huh ano daw?

"Hippo?" taka kong tanong.

"Moron nga" aray. Sakit ah, tagos hanggang buto.

Wala na kong masagot sa kanya kaya napagpasiyahan kong magwalk out na lang.

Derederecho ang lakad ko kasi naramdaman kong sinusundan niya ako, naririnig ko din ang pagtawag niya sa pangalan ko-Guillianne. Mas binilisan ko yung lakad ko pero nagulat ako nang naabutan niya ako at hinigit ang braso ko para makaharap ko siya. I can't explain what his expression is. His eyes were serious and he's biting his lower lip. He's focusing on my eyes and also on my lips, salitan lang ang tingin niya. Nabigla ako ng hapitin niya ako sa bewang at mas inilapit sa kanya. He touches my cheeks with his other hand. He came closer, he's about to kiss me, and I-

-I ended my imagination. Asa naman akong mangyayari yun, galit nga siya diba, ni hindi nga niya ako sinundan sa pag walk out ko, magagawa pa kaya niya akong hapitin sa bewang at halikan.

Nakarating ako sa kwarto ng di ko namamalayan.

Napakaorganize talaga ni Miggy. Mas nakaayos pa yung mga gamit niya kaysa sa akin. Nakakahiya naman kaya nagayos na din ako ng gamit.

May nagdoorbell, kaya binuksan ko yung pinto. Akala ko si Miggy loves pero yung roomboy pala, may dala siyang food cart na may lamang pagkain at mga alak. Ang daming alak sa pagkakaalam ko puro hard lahat, basta tequila at whisky lang ang kilala ko sa mga iyon. Pinapasok ko na yung food cart at bago lumabas yung roomboy may inabot siya sa akin na ampao at agad lumabas ng kwarto.

Pinagmamasdan ko yung ampao. Malayo pa pasko ah. Nang buksan ko yung ampao, may capsule at nakatuping papel.

Daughter in law,

   You know what to do. Good luck. My blessings are all yours.

Alam ko na kaagad kung kanino nanggaling to. Yung capsule, ito yung gagamitin ko. Teka parang may kulang. Tinignan ko yung food cart at ayun, kumpleto, may hot sauce.

Halos mabitawan ko yung hawak ko ng may biglang kumatok, nagwawala ata. Sa lakas ng pagkakakatok alam ko na kung  sino. Agad kong isiniksik sa bulsa ng bag ko yung capsule at sulat. Baka makita pa niya.

"What took you so long?! I'm hungry!" salubong niya pagkabukas ko ng pinto. Nalanghap ko yung amoy ng alak sa hininga niya. Nakainom na agad siya? Umupo siya sa kama at inilapit yung food cart atsaka kumain.

Binuksan niya yung bote ng whisky at tinungga iyon, he almost vommit sa ginawa niya.

Nakakaramdam ako ng kaba sa mga gagawin ko, gosh. Kinakabahan talaga ako.

"Hippo!" hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Pinagmamasdan ko lang siya.

"White hippopotamus!" bigla niya akong hinila papalapit sa kanya, at sa pagkabigla ko nasagi ko yung isa pang bote ng alak at nabasag. These are all mess.

"Why do you like me? I don't even like you I will never" nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib ko. Ang sakit.

"Does it hurt?" pinili kong manahimik. Kasi totoong nasasaktan ako.

"Come sit" tinapik niya yung space sa tabi niya. Naupo naman ako dahil nanghihina ako.

"Let's drink to hell! Woooohh! Let's party!" inabot niya sa akin yung isang bote ng alak.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELWhere stories live. Discover now