Chapter 20

8.5K 194 4
                                    

#LAWMB

Alexandra Pov.

"WHAT are you waiting for, Alexandra? You want the money now? Fine." Walang emosyong sabi nito sa akin.

Mukha rin siyang iritado na naman.

Paulit-ulit niya akong sinasaktan sa mga salita lamang niya. Sa isang bahagi ng aking isipan, batid kong kailangan ko nang umalis dito bago pa niya akong saktang muli.

He went to his desk and took out a checkbook.

May isinulat siya roon, saka iniwan sa mesa. Just like that he went inside the bedroom. Narinig ko pa ang tila tuwang-tuwang tili ng babae habang sinasambit ang pangalan ni King.

Nabastos ako.

Para akong isang babaeng wala ni katiting na pagkadisente man lang sa katawan. Ano ba ang ginawa kong masama para maging ganoon siya sa akin? Sobrang nasasaktan na ako.

Hindi ko pa rin maunawaan hanggang ngayon kung bakit. Ang tinig ng babaeng kaniig niya ang nag-udyok sa akin para ikilos ang aking mga paa.

I walked out of that place.

Nang makarating ako sa may parking area ay hindi ko na naawat ang pagtulo ng aking mga luha.

Nanatili lamang ako sa loob ng aking kotse.

Dahil sa walang tigil na pag-iyak. Hindi ko na namalayan kung ilang oras na ba akong umiiyak rito. I do not care anymore. Hanggang sa makatulog ako nang hindi ko namamalayan, nang magising ako ay animo mayroong buhangin sa aking mga mata.

Umuwi na ako, alas-siyete na ng umaga.

Hindi na ako pumasok pa.

Iniisip ko na lamang kung ano ang maganda kong gawin. Pero blangko ang aking isipan. Mayroon pa ba akong dapat gawing hakbang? Sinabi na ni King sa akin na wala na kaming dapat pang pag-usapan pero hindi ko iyon matanggap na sa ganoon na lamang matatapos ang lahat.

God, I needed to think but my brain couldn't seem to function.

Paano gagana ang isipan ko sa ganitong pakiramdam na aking nararamdaman? Akala ko ay hindi na ako muling iiyak pa, pero patuloy lamang na tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. Parang wala ng katapusan ang pagtulo ng mga ito.

Muli na namang nangyari sa aking ang nangyari noon.

Ganito rin ang ginawa sa akin ng ex-boyfriend ko. Ako mismo ang umasa, kahit kasi na wala siyang sinabi sa akin. Mas masahol pa nga yata ngayon. Hindi man lang kasi kinumpirma sa akin ni King ang aming relasyon. Naisip ko na lamang na nasa ustong edad na kami, hindi na namin kailangan ang ganoong usapan.

But I guessed men would always be men.

Wala silang pakialam sa mga damdamin ng mga babae sa huli ay sasabihan ka na lamang nila na wala silang ipinangako sa 'yo. Sa puntong ito, masasabi kong galit ako sa lahat ng lalaki. Bakit ba kaylangan pang maging ganito ang ugali nila?

Iniwasan ko si King.

Sabihin pa nating nagawa kong ma-attrack sa kaniya noong unang pagkikita pa lamang namin. He did his best to seduce me and when he finally did, he left me for another woman without a word.

Ang buong akala ko kasi ay hindi niya estilo ang maglihim.

Bakit sinabi niya sa akin na sa China niya muling nakita ang babae? Sa pagkakaalam ko ay dalawang buwan na ang nakakalipas mula nang huli siyang magtungo sa China. Ibig sabihin ay dalawang buwan nang may relasyon ang mga ito. Fuck!

Love Affair with My BossWhere stories live. Discover now