Chapter 33

8.3K 187 0
                                    

#LAWMB

"WHY didn't you tell me, Alex?" Hindi maipagkakaila ang galit sa tinig nito. "How dare you keep my child away from me!"

"You are m-mistaken, King. She is not yours."

"Then how come she looks exactly like my mother when she was a child?" may galit parin sa tono nito.

Hindi siya agad nakatugon.

Animo lulundag palabas sa kanyang tadyang anumang oras ang puso niya. She found it hard to breathe. Bakit nangyayari ang ganoon sa kanya at bakit ngayon? Kung sana lang ay natutong sumunod sa kanya si Alexis ngunit kasintigas ng ulo ni King ang ulo nito.

"It's a coincidence. Maraming nakakahawig ang anak ko."

"Anak natin! Hindi ko sinabing kahawig, sinabi kong kamukha. Exact same face, Alex. Don't waste your breath trying to deny it. Just tell me why."

"Look, I would not tolerate this c-conversation anymore, you understand that? You're hallucinating and—" napasinghap siya nang hawakan nito ang kanyang braso at higitin siya palapit dito.

"I'm exerting a lot of self-control not to break my promise to Alexis, so don't push your luck, kitten."

Nang mapatitig siya sa mga mata nito ay nakatiyak siya sa isang bagay–na wala–ni katiting na pagdududa sa isip nito na anak nito si Alexis at galit na galit ito sa kanya. Lalo siyang kinabahan, hindi niya magawang makapag-isip nang matino.

Pero ano na nga ba ang maaari niyang gawin sa pagkakataong iyon kundi aminin na lamang ang lahat?

Mukhang tanggap nito ang kanilang anak. Nawala na ang isa sa mga inaalala niya noon, ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya nagawang ipakilala ang kanyang anak sa ama nito.

"She is your daughter." pagsuko niya.

Pinakawalan nito ang kanyang braso. "How could you do this to me?" galit parin ito.

May karapatan itong magsalita ng ganoon, batid niya.

Kung malaman lang niyang tatanggapin nito ang bata. Pero naroon pa rin sa isip at puso niya ang iba niyang pag-aalala. Kailangan niyang maituwid ang mga iyon habang maaaga.

"Wala akong nakitang dahilan para sabihin ko sa'yo. Ayaw mo na akong makita noon, kung natatandaan mo."

"At wala kang ginawa kundi igiit ang sarili mo sa akin. When you finally realized you weren't getting more than ten million, you split. So this doesn't make any sense."

Naghahagilap ng magandang sagot ang isip niya, sagot na maaaring sumabay sa inaakala nitong kuwento sa likod ng mga pangyayari, ang mga inaakala nitong totoong pangyayari na hindi na niya itinama pa at hindi na niya itatama pa kailanman.

But ideas were scarce in her hand.

"It's not important anymore. I have a few—"

"I want to know why, that way I wouldn't try to destroy you. Believe me, I could and I would. So tell me why. It better be a good reason, Alex."

"I was in love with another m-man." Iyon ang una niyang naisip.

She took it from there. "I was very much in love. Time passed and I figured you'd only ask me question about Alexis and probably would not believe me anyway. I was doing well here so I decided not to bother you. I did you favor, actually. I never thought you'd want to meet your daughter."

Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa.

"Well, you thought wrong. The first thing you're going to do is tell her I'm not a dangerous person. And then you'd tell her I'm her father." malamig na sabi nito, na halatang nagtitimpi ng kaniyang damdamin.

"Only after you agree to my rules, King. I got a few. Take it or leave it. Frankly, the latter is a more appealing idea." Prangkang sabi niya rito.

Bahala na...

Love Affair with My BossTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang