Chalter 10

11.2K 235 5
                                    

#LAWMB

Alexandra POV.

"YOU DON'T have a girlfriend, right?" Pilit kong ginawang kaswal ang aking tinig sa pagtatanong kay King.

Nasa apartment ako, sa apartment na para raw sa mga empleyado ng hotel, at naghahanda ng mga papeles na babasahin ko mamaya. Inihahanda kong gamitin ang aking laptop.

Nalaman ko na ang mga chefs ng hotel ay mayroong sari-sariling unit na provided ng hotel, pati na rin ang ilang mga empleyadong mula sa ibang bansa.

Hindi na ako tumutol pa. I needed all the help I could get. Pamahal nang pamahal ang proyektong nasa isip ko sa pagdami ng aking ideya.

I was suddenly very inspired to make new plans for the place, nothing cheap. Everything is going to be fancy. Mas naging konkreto sa isip ko ang planong humanap ng isang ka-partner sa negosyong iyon.

Dahil abala sa trabaho, kaunting panahon lang ang nailalaan ko sa pagpaplano ngunit tuwing mayroon akong ideya ay isinusulat ko iyon sa aking notebook.

Mamahalin lahat ang mga ideya ko. Napalitan na ang mga mumurahing solusyon ng mga magagarbong amenities. At ngayon, wala na akong maisipang burahin sa aking notes.

Pero hindi iyon ang mahalaga sa ngayon. Marami akong oras sa pagpaplano nayon. Ang mas mahalaga ay ang matanong ko si King tungkol sa personal niyang buhay, partikular sa love life niya. Nasa isip ko pa rin ang tungkol sa babaeng nakita ko sa suite nito.

Bagaman ilang ulit ko nang naisip na marahil ay isa ang babaeng iyon sa mga nabanggit ng aking secretary ngunit mas maganda pa rin na manggaling ang katotohanan sa bibig ni King.

Ayaw ko sanang maging matanong sapagkat sinabi ko sa aking sarili na kaya ko ang ganoong klaseng relasyon, iyong hindi malalim, pero nagkamali pala ako. Kailangan kong malaman.

My relationship with him is something I didn't want to start and end in the bedroom.

Natatawa ako, ang lakas ng loob ko noong una na pagbigyan ang inaakala kong pisikal na atraksiyon ko lang rito, pero ako rin ang agad na nakaunawa na ang nangyari sa amin, bagaman nagsimula marahil sa isang pisikal na atraksiyon, ay nauuwi na ngayon sa higit pa roon.

And we become intimate only a week ago, with the speed I was going, I didn't know what to expect, not only from the man but also from myself.

Sa isang banda, masaya ako sa wakas ay hindi ko na masyadong naaalala si Luis at kung maaalala ko siya, alam kong malaya na ito, wala na akong nadaramang pag-asam na makasama itong muli.

Sa kabilang banda naman ay heto ako, kasama ang kung tutuusin ay isa pa ring estranghero.

Ang dami kong gustong malaman rito, pero dama kong umiiwas itong mag-usap kami ng anumang personal na bagay. Sumubok na ako ilang pagkakataon na magsimula ng usapan na magsisimula ng paksa tungkol sa gusto kong malaman—-ang naging relasyon nito kay Catherine.

Isa iyon sa mga ibig kong malaman. Ibig ko ding malaman kung bakit nauwi sa ganoon ang relasyon ng mga ito. Pero malinaw sa akin na wala pa ako sa lugar na gawin iyon.

Kaswal akong naupo sa sofa, saka ko ipinatong sa aking kandungan ang aking laptop.

I'm getting anxious. Mahusay itong umiwas na sagutin ang mga tanong ko sa kaniya. He had a way with that. Magsisimula akong magtanong at kalaunan ay ako na pala ang sumasagot ng mga tanong niya sa akin nang hindi ko man lang namamalayan.

But now he was not speaking and I'm getting anxious. Napilitan akong lingunin ito. Umaalog ang mga balikat niya habang nakatitig sa akin.

"What's so funny?" Parang gusto kong mapikon bigla. May nakakatawa na sa tanong ko? "You're ticking me off."

"Women." Umiling-iling ito.

"You got something against women now?" Iritado kong tanong.

"No. Women amuse me. You amuse me." Lumipat ito sa akin. "Do you think I would spend all my free time with you if I had a girlfriend?" Pang aasar nito sa akin.

"I don't know."

"If that really were the case, you'd know. I don't keep something like that a secret." Pagkukumbinsi niya sa akin.

Naniniwala ako rito.

Tatlong bagay ang nakuha at pinaniwalaan ko sa sinabi niya, na wala itong nobya, at sakali man na mayroon ay sasabihin nito iyon sa isa o higit pa nitong mga karelasyon. Naunawaan ko din kung sakali man na may karelasyon ito, mayroon pa ring mga babaeng aali-aligid sa kaniya.

He's King Levi Verdi after all.

"You're so mean," bigla kong nasabi. Naiirita man ako, hindi ko magawang mainis nang husto.

This man told me what I wanted to know. Ano pa ba ang inirereklamo ko?

"You asked, I answered. Would you rather I keep silent?" Smirked na tanong niya.

"Of course not. You're just... so full of it." Tumabi ito sa akin.

"What's that?" Tanong niya sa ginagawa ko.

"Something." Sagot ko.

Sinimulan kong ilagay sa Excel ang mga inisyal na kailangan ko para sa aking proposal na balak kong gawin sa taong ito.

Baka sa susunod na linggo rin ay bibisitahin ko ang lupa ko sa Palawan. Mabuti at mura ang pamasahe patungo roon sa eroplano. Naaaliw ako sa presyo ng lahat sa Pilipinas. Kompara sa New York, malaki ang diperensiya.

"Where's that?" Tanong ni King.

Napalingon ako rito. Nakatingin ito sa screen ng laptop. "Palawan."

"Tell me about it."

Nagsimula akong magkuwento rito. Masarap magkuwento s isang taong nakikinig. Parang sinawaan na ako ni Anne na makinig sa mga plano ko.

Kagabi lang ay kausap ko siya, nahalata kong tinatamad ito sa aking mga plano. Parati nitong sinasabi na baka bilyon na ang kailanganin ko sa mga plano ko. Saan daw ako kukuha niyon at sino ang negosyanteng gugustuhing maglabas ng ganoong kalaking halaga.

Ilang ulit kong sinabi rito na hindi Bilyon ang kailangan ko, kundi ilang milyon lang. A hundred million perhaps. Hindi ako nadidismaya sa mga plano ko. Sa palagay ko ay may posibilidad na magawa ko ang lahat ng ito.

"My friend told me I should stop dreaming about this project, that it's futile and I just have to sell the place." Magsusumbong ko rito.

"And you don't think so."

"No. I would just have to find a sucker willing to trust me enough." Napangiti naman ito sa sinabi ko.

"Take me to that place."

"You want to see it? Really?" Tanong ko na hindi makapaniwala.

"Yes. Why?"

"I mean, the place is not yet developed. Isa lang ang bahay, maliit pa. Walang aircon."

"If you can stay there, so can I." Ngiting sabi nito.

"Perfect then. I'm going there next week."

"In the mean time, why don't we..." Iyon lang ang nasabi nito at hinagkan na niya ako na tinugon ko naman nang mainit

Parang gaya lang ng nakaraang mga araw. Magbabangayan kami sa isang simpling topic at pagkatapos ay mauuwi kami sa ganito.

***

Okey! Atlast nakapag UD rin ulit. Sorry kung ang tagal, naging busy kasi ako, tapos... tapos pumanaw pa yung kuya ko. Nakakalungkot man, pero kaylangan naming tanggapin. Ganoon daw talaga eh, hindi natin masasabi kung hanggang kaylan ang buhay ng isang tao. Kaya guys, habang buhay pa at nakakasama niyo ang mga taong mahal niyo sa buhay, wag kayong mahiyang iparamdam iyon sa kanila. Para wala kayong pagsisihan sa bandang huli. 🙏🏻

Love Affair with My BossWhere stories live. Discover now