Chapter 24

8.2K 196 2
                                    

#LAWMB

Third Person POV.

KING LEVI was restless. Hindi na iyon bago sa kanya, pero higit siyang restless sa pagkakataong iyon. At wala siyang mahanap na matinong dahilan.

Hindi siya naniniwala sa mga premonition. The belief for things that couldn't be controlled by mind and discipline was not something he believed in.

Sa nakalipas na apat na taon ay naging restless na siya at sa makailang pagkakataon ay higit kaysa sa normal.

Sa mga pagkakataong iyon, parang inaasahan na niyang mayroong malaking pangyayaring nagaganap habang hindi siya mapakali sa kanyang kinaroroonan.

And then he would realize he was starting to believe the foolish premonition.

Sa nakalipas na apat na taon ay wala namang nangyaring hindi maganda. Kung mayroon man, iyon ay ang katotohanang nangungulila siya sa isang mukhang matagal na niyang hindi nakikita.

Si Alexandra.

Madalas niyang itanong sa kanyang sarili kung nasaan na kaya ang babae, ano na ang ginagawa nito ngayon. Was she remembering him still?

Ah, sa unang tanong ay alam niya rin ang sagot.

She was in Palawan. Ang hindi lang niya alam ay ang eksaktong ginagawan nito sa mga sandaling iniisip niya ito. Iyon ang kanyang madalas na pinagninilayan.

Alam niya kung nasaan ito sapagkat isa nang papasikat na destination ang Destination: Palaw, ang brainchild nito.

The place received phenomenal reviews from tourists. Sa katunayan, napangalanan iyon bilang isa sa isandaang "best bargains" sa buong mundo sa isang sikat na travel's Web site.

It was spectacular to be includes in that list, alongside the world's bests, with professional reviewers as judges, especially when the place was only a few years old. He had been dying to visit the place. Kung hindi lamang siya pinipigilan ng kanyang ego.

He had to give Alexandra a lot of credit for a job very well done.

Sino ang mag-aakalang sa sampung milyong piso ay makakaya nitong magkaroon ng ganoon kagandang lugar? She was probably wiser than him in some ways. Or maybe she's plain lucky.

He visited Destination: Palaw's Website.

Website pa lang niyon ay nagpapakitan na kung gaano iyon katahimik. It was a very simple but informative Website. Mayroon ding online reservation para sa lahat ng gustong manatili roon. The Website made him miss Alexandra more.

Kung malalaman lang siguro nito kung gaano niya ka gustong magtungo sa Palawan para lang makita ito ay matatawa ito sa kanya. King Levi Verdi still had a thing for her, like he couldn't get enough humiliation.

It was pathetic. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya makakaramdam ng ganoon para dito.

He had tried forgetting her the traditional male manner. He tried dating other women. That used to work. Pero iba ang nadama niyang pagmamahal para rito, tila walang kupas iyon.

Kahit alam niyang nakuha na nito ang gusto sa kanya. His money. It was all she ever wanted from him anyway. Maybe not initially but towards the end, her greed overpowered her.

Pero siguro, gusto lang niyang isiping ganoon nga.

Ano bang malay niya kung sa simula pa lamang ay malinaw na rito na kailangan nitong makuha ang gusto nito? She was probably playing hard to get and he fell for it. Whoever said he was very wise when it came to relationships?

He was like other men—vulnerable. But he would rather die than show it to anyone. Especially to that woman Alex. Lalo lamang lalaki ang ulo nito, iisiping nagawa nito ang hindi nagawa ng ibang mga babaeng dumaan sa buhay niya. She was an ungrateful little bitch who deserved to be punished and only that.

Pero wala siyang enerhiya para makipagkita rito.

He's now, quite frankly, terrified that all the effort he had trying to forget her would go to waste. Pero kung may masasayang siguro, kaunting-kaunti lang. Dahil kung susukatin ang progreso niya, maliit na maliit lamang iyon.

He guessed he just did not want to see her again or know anything about her anymore.

Iyon ay kahit madalas niyang matagpuan ang kanyang sarili na naghahanap ng artikulo tungkol dito sa Internet. Pero wala siyang makitang artikulong mismong tungkol dito, kadalasan ay tungkol lang sa Destionation: Palaw.

Mayamaya ay tinawagan niya ang kanyang executive assistant na si Cory. She's fifty years old. Migz quit almost three years ago.

"Cory, am I free the following week?"

"Sir, are you joking?"

"Am I full?"

"As always, Mr. Verdi."

Napabuntong-hininga siya.

Ano nga ba ang biglang pumasok sa isip niya at pinlano niyang pumunta sa Palawan? That's insane. He would never step foot there ever again. But somehow, he felt like all the weird feelings he had been having, his restlessness, came from that place.

You are turning insane, King. Something happening in Palawan is making you restless? You have lost it.

Muli siyang napabutong-hininga.

Love Affair with My BossOnde histórias criam vida. Descubra agora