Chapter 37

9.2K 217 1
                                    

#LAWMB

"HOW do I keep fighting when it seems futile now? I'm tired. I'm exhausted." sa isip ni Alexandra habang nagluluto ng almusal.

Nasa silid pa niya si King. He looked gorgeous on her bed. He looked like he belonged there.

She kept thinking about them, about what happened. Naunawaan niyang parang lantang gulay ang enerhiya niya. Ayaw na niyang ilarawan pa. Para saan?

Parang kay sarap ilarawan na ang buhay nilang magkasama ng lalaki ay maaaring ilagay sa isang blankong canvas ng Photoshop.

Kay sarap i-edit niyon. She would brush off ugly edges, mask them up, make overlapping images of all the fun parts to would put a glowing picture of their child.

Pero hindi iyon isang larawan na maaari niyang mai-edit. May mga salitang hindi na maaaring burahin, marami nang mga pangyayaring hindi na maaaring maibalik pa. At ang pagod niyang sistema ay tila wala nang maibubuga.

"Mommy, are those blueberry pancakes? You know I like strawberries."

Pinisil niya ang baba ng kanyang anak. "Of course, I'll be making strawberry pancakes for you."

"Then who are those for?"

"For your father. He liked blueberry pancakes."

"He's here?" Parang cartoon na biglang nanlaki ang mga mata nito, awtomatikong-awtomatiko.

"Yes," ngiting sagot niya sa bata.

"Can I see him? Can I see him?"

"Here I am!"

And there he was, looking as wonderful as the morning. Paano ba ang tamang pagkilos ngayong umaga? It was their second morning after. Mas nakakailang sa pagkakataong iyon.

Ano nga ba ang naisip niya na hindi man lang siya tumanggi nang husto kagabi?

Para pa ring iyong noon, wala siyang nagawa basta nakalapat na ang mga labi nito sa kanya. Ang ilang taong malalamig na gabi niya ay bigla na lamang tinapatan nito ng nakakapasong init.

She enjoyed the heat. Hindi niya maaaring ikaila iyon sa sarili niya. She once again experienced physical pleasure like no other. Hindi niya ito matingnan ngayon.

Nagluto na lamang siya at nang matapos ay inasikaso niya ang kanyang anak.

"Aren't you giving Daddy his milk, Mom?"

Parang kay sarap kurutin ng kanyang anak.

Napilitan siyang pagsilbihan din ang lalaki. Habang kumakain ang dalawa ay dumating si Thunder. May dala itong pasalubong sa kanyang anak. Walang pagbisita ito na walang dala para sa bata.

"Thank you, Papa!"

Niyaya niya sa labas ang lalaki. Mababakas sa mukha nito ang pagtataka na naroon sa bahay niya si King, bagaman wala itong naging komento.

"Sasabihin ko sana sa'yo na nasa hotel si Miss Aranaz."

"Oh!"

"Hinahanap niya si King, kaya naisipan kong sa'yo ko muna sabihin. Nandito pala siya. Okay ka lang ba?" Tanong ni Thunder rito.

"Of course. I-ikaw na lang ang magsabi sa kanya. Tara." Yaya niya sa lalaki.

Pumasok silang muli sa loob ng bahay at sinabi ni Thunder ang tungkol sa nobya ni King. Blangko lang ang mukha ng lalaki ngunit nagpaalam ito sa anak na mawawala ito saglit.

Nauna na rin si Thunder sa hotel.

Habang si King ay inabangan ng kanyang anak na bumalik hanggang alas-otso ng gabi. Ngunit hindi ito bumalik. Nasa puso niya ang pagdududa na iyon na ang simula ng unti-unting pag-iwan ng lalaki sa kanila. And she had to be strong again.

Kailangan niyang maging masigla, lumabang muli. Kailangan siya ng kanyang anak ngayon, higit kailanman.

"Xandra?"

"T-thunder." Agad niyang pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata. "A-ano'ng ginagawa mo rito?"

"Tinitingnan lang kung okay ka."

"Okay naman."

Pumasok na ito sa bakod. "Gusto mong makipagkuwentuhan?" tanong muli ng lalaki sa kaniya.

Iyon pa lamang ang sinabi nito ay napaiyak na siyang bigla. Yumakap siya rito, naghanap ng suporta kahit paano. Wala man siyang sinabi ay hindi ito nagtanong.

"Mind if I join your cozy party?"

Napatingin siya kay King. Hindi niya namalayan na dumating ito. "I'll see you tomorrow, Thunder."

"I don't think so," sabat naman ni King rito.

Nawala ang lambing sa tinig ni Thunder nang tumugon ito. "May problema ba, pare?"

"Ikaw lang ang problema rito, Thunder. 'Wag ka nang lalapit sa mag-ina ko, naiintindihan mo?" Batid nilang may banta sa tinig ni King.

"King!" awat niya rito. Sumosobra na talaga ang lalaking ito. Nakakahiya kay Thunder!

"Shut up!" saway ni King sa kanya. "Get inside the house."

"Pumasok ka na, Xandra." ani Thunder.

Naguluhan siya, pero nang tumango si Thunder ay nagtiwala siya rito. Pumasok siya sa loob ng bahay at nagmasid mula sa bintana.

Hindi niya naririnig ang sinasabi ng dalawa ngunit halatang nag-aargumento ang mga ito. Hanggang sa bigla na lang inundayan ng suntok ni King ang kaibigan niya.

Napatulala siya. Hindi niya inasahan na gagawin iyon ni King. Agad siyang lumabas at inawat ang mga ito.

"King, umalis ka na kung ganito lang ang gagawin mo. Nananahimik kaming lahat dito bago ka dumating—"

"Hasn't it crossed your mind that the only reason behind that is the fact that everyone here is denying the immorality the two of you so blatantly display, without concern for my child? If people know anything, or suspect anything, they tolerate it. And why not indeed? You are the boss, he works directly under you. I am not going to sit down while you, bastard, drag her down!" galit na sigaw rito ni King.

"Shut up! Shut up!" Hysterical na siya. Patili na ang kaniyang tinig.

Nanginginig siya sa matinding galit. "Thunder has never been my boyfriend! So shut up!" Singhal niya. "Thunder, umuwi ka na. At ikaw, King Levi, ayoko nang makita ang mukha mo rito!"

Love Affair with My BossWhere stories live. Discover now