Chapter 35

8.9K 192 0
                                    

#LAWMB

ANG marinig iyon mula rito ay sobra na.

Anong alam nito sa pagpapalaki ng anak niya? Maayos nitong nadatnan si Alexis. Mukhang may reklamo pa ito ngayon. Hindi maganda sa kanya ang dating ng sinabi nito. Para bang lumalabas na wala siyang pakialam sa kalagayan ng kanilang anak.

"That child would learn about self-esteem like a regular child, do you understand me, King? Need I remind you she was perfectly fine until you started giving her things she doesn't need!" Lumabas na ang kanyang galit. "A Segway? Ang liit-liit pa ng anak mo! Alam mong makulit 'yan, malikot, tapos 'yan pa ang ibinigay mo? Mamaya makikita mo na lang 'yan na may galos na, may sugat!"

Pero sa kanyang pagkasorpresa ay ngumiti bigla ang lalaki, at mayamaya ay tumawa. "I'm sorry."

Humihingi ito ng dispensa? Noon lang yata niya ito narinig na nag-ako ng kamalian.

"Well, y-you should be." nauutal na sabi naman niya rito.

"I made her promise me she wouldn't ride it unless I'm with her. We have a compromise. She wants a Segway very badly, I argued with her about it, she won."

Parang nakikita na niya na nag-argumento ang mag-ama. Mahusay sa argumento ang anak niya ngunit dahil kilala na niya ito ay alam na niya kung paano manalo rito, ginagamit niya ang awtoridad niya bilang ina nito.

Marami kasi itong lusot, maraming ipinapaliwanag tungkol sa mga layunin nito kung bakit gusto nito ang isang bagay. Si Luke nga na matalik nitong kaibigan, ay hindi nanalo ni isang argumento rito. Mukhang ganoon din ang nangyayari kay King.

Pero si Luke ay anim na taong gulang pa lang, si King ay wala na sa kalendaryo. How could a grown man lose an argument with a three year old? Parang ibig na niyang mapangiti.

"I know she told you the benefits of having a Segway." bigla niyang sabi, natatawa na.

Inisa-isa iyon sa kanya ng kanyang anak. Nilagyan nito ng makulay na pagsasalarawan ang nabasa nito sa Internet at detalye.

"It's supposed to be a travel—"

"Solution." dagdag niya sa lalaki.

Nagkatawanan sila.

Sino ba naman ang mag-iisip na alam na ng bata ang mga ganoong termino? Hindi niya maawat ang nalalaman nito mula sa Internet. Of course, she filtered Web sites. Child-friendly ang kanyang Mac dahil dito.

"She's very smart." anito mayamaya, tila nauwi sa pag-iisip. "Sometimes I get overwhelmed by how smart she is. She would probably be an artist when she grows up, a visual artist." makikita sa mukha ni King ang pagka-proud nito sa anak.

"Maybe a writer," aniya. Naiisip na niya ang ganoong mga bagay. She's glad they were on the same level in that aspect.

"Or a business person. She has the qualities of a leader."

"Could be a lawyer, too."

"God knows the girl could win any argument." dagdag ng lalaki.

"You have to be firm on her. A friendly parent works sometimes. Very rarely now. Ang tigas ng ulo ng anak mo. Parang ikaw. Nakuha ang ugali sa'yo. Mainitin din ang ulo niyan. Kaya dapat may authority ka sa kanya, kundi maa-under ka niya. And she's just three. Hindi ko alam kung paano pa kapag lumaki-laki na."

"We'll work something out."

Hindi siya nakahimik. Tila hindi nito iiwan ang kanilang anak sa pananalita nito. Sana nga. Sa ngayon ay hindi muna siya aasa.

"Would it be all right if I send my contractor over? I could lease a part of this place. For myself. I can't always occupy the suite." parang naghihingi ito ng pahintulot niya na pumayag sa gusto niyang gawin.

Hindi niya alam kung ano ang itutugon dito.

Sa loob ng ilang baliw na sandali ay parang ibig niyang ialok ang bahay niya rito, pero alam niyang isang malaking kabaliwan iyon. Hindi rin maaaring parati nitong okupahin ang suite nila. Dahil kung hindi siya magpapabayad, paano na ang mga naka-book sa suite na iyon sa mga susunod na linggo at buwan.

May early bookings sila–marami sa katunayan–lalo na sa mga peak months. Malapit nang dumating iyon. At sa puntong iyon, saan titira ang lalaki? Marahil iyon nga ang pinakamagandang gawin nila, nakakalula lang ang bilis ng takbo ng pangyayari.

"I guess that's the right thing to do." aniya sa lalaki.

"He's coming over in a while."

Hindi na siya nagreklamo.

Planado na nito ang lahat. Kahit paano ay nagtanong muna ito sa kanya. Sumusunod na ito sa mga batas niya. Nagpapasalamat siya para doon.

Ngumiti siya rito. Sa ngayon, iyon lang ang maaari niyang ibigay rito, hindi pa ang buong pagtitiwala niya para sa kanilang anak.

Love Affair with My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon