Chapter 9

11.9K 243 5
                                    

#LAWMB

Alexandra POV.

NANLIIT ako sa aking sarili nang nakapag- isip-isip ako.

Nakakahiya kung tutuusin ang nangyari sa amin ni King, dahil siya pa mismo ang umayaw. Wala akong kamalay-malay na nabahiran na pala ako ng pagkaing nasipa ko marahil kanina sa kalagitnaan ng eksenang 'yon.

Kung bakit naman kasi nawawala ako sa aking sarili palagi. Maiging tigilan ko na ito bago pa mahuli ang lahat.

O, maigi nga ba talaga iyon? Hay!

Parang hindi rin. Sa isang banda, masasabi ko parin na walang nangyari sa aming dalawa at isang magandang bagay 'yon. Pero, sa kabilang banda naman ay parang mas malala ang pangyayari.

King, was the only one who's able to explore my body. He was aware how much pleasure I got from him. Hindi patas. Dapat ay pareho kami.

Ah, nababaliw na ata ako para ikompara pa ang dalawang bagay na iyon, ang nangyari na at ang baka magyari pa lang.

Dammit!

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Kahit sabihin kong ayaw kong gawin 'yon dahil hindi iyon tama, mahirap para sa akin itangging gusto ko ring malaman kung ano ang idudulot sa akin ng tuksong iyon sa pisikal na lebel.

Kung nabubuhay lang siguro ang aking mga magulang, ibinitin na marahil ako ng mga 'to nang patiwarik, ikinulong sa banyo at hindi na papalabasin pa.

Hay. Erase, erase!

Wala si King sa ngayon.

Nasa ibang bansa ito para sa isang malaking conference. Siya na nga halos ang laman ng isip ko, e. At night I would wake up in a full of sweat, dreaming of what had happened that day. Sa palagay ko naman ay normal lang iyon.

Sinong tao ang hindi nakakaramdam ng ganoon kahit minsan lang sa buhay ah? Some people said that lust would pass. Some women and it would be gone the next day.

Somehow, the strongly I felt about King would not just pass away and sleep didn't seem to so the trick either. Sa katunayan nga, napapanaginipan ko lang siya lalo tuwing pinipilit ko siyang alisin sa aking sistema.

Mabilis akong sumuko.

Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay ginagawa ko ang gusto ko, kahit hindi iyon eksaktong tama. Isa pa, base sa simpleng pagtatanong ko sa aking sekretarya, wala raw nobya si King ngayon.

Madalas nga lang daw talagang pinupuntahan ito ng mga babae—ayon na rin mismo sa executive assistant ni King-na noong isang araw ko lang din nalaman na nanliligaw naman ito sa aking sekretarya.

Samakatuwid, maaasahan ko ang aking mga source. Noong una kasi, nag-search lang ako sa Google tungkol sa lalaki at naguluhan lang ako sa dami ng lumalabas na entries.

Naiintidihan kong baka ang iba roon ay hindi naman totoo at ang kadalasan na artikulo tungkol dito ay hindi personal, kundi iyong mga nagawa nito noong aktibong chef pa siya.

At hanggang ngayon ay marami pa ring panatik si King pagdating sa pagluluto.

Bago ako umalis sa bahay kanina ay nag-internet ako at mayroon akong nabasang artikulong bahagyang bumabagabag sa akin.

Iyon ay ang nabasa ko tungkol sa pagkakabaril ni King. Hindi ko natapos basahin ang artikulo dahil late na ako. Gusto ko sanang tapusing basahin iyon ngayon pero hindi ako maka-connect sa Internet, nagloloko ang server ng hotel.

Marahil ay mas magandang sa sekretarya ko na lamang pasimpleng magtatanong mamayang lunch break. Naaatat na akong malaman ang mga ganoong detalye tungkol kay King.

Love Affair with My BossWhere stories live. Discover now