Panimula

6.2K 98 0
                                    

Love affair with my Boss


NILULUNOD ni Alexandra ang kanyang sarili sa malakas na tugtugin. 


She had never been a big fan of rock music until now. Alam na niya ngayon kung bakit marami ang nakikinig sa ganoong klaseng musika. Marahil ay maraming taong naghahanap ng pampa-high na hindi kemikal o alcohol.


Bahagya siyang napapitlag nang may madamang banayad na nagtampal sa kanyang braso.


Paglingon niya sa katabi niya sa economy class section ng eroplano ay inalis niya kaagad ang suot na earphones. Nakangiti ang matandang babae sa kanya.


"Yes, Ma'am?"


"You might want to turn that off. The pilots requested for all electronic equipment to be turned off in the meantime."


"Oh. I'm sorry." Ngumiti siya nang bahagya, saka in-off ang gadget.


Napabuntong-hininga siya. 


Malapit na siya sa Pilipinas. Noong nasa California pa siya, gustong-gusto niya ng umuwi sa Pilipinas upang makatakas sa sama ng loob. Ngunit ngayong malapit na siya sa bansa, parang ayaw na niya ng lumapag pa ang eroplano.

Love Affair with My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon