Chapter 2

15.9K 282 2
                                    

#LAWMB

"NO, it's not yet operational. It was an impulse buy."

"Condoms, mints, and candy bars are impulse buys, not a real estate property!" Asar na sagot ni Anne sa sinabi ko.

Napapangiti na lang ako dito sa best friend ko na si Anne.

Paano ba naman, naghihinayang daw kasi ito dahil sa lahat daw ng ipon ko e, pinambili ko lang daw ng lupa sa Palawan.

Noong pangalawang lingo ko kasi dito sa Pilipinas, ay kasama ko siyang nagpunta sa Palawan para humanap ako ng lupaing pwedi kong masabing akin.

Sa sobrang inis nya sa'kin ay iniwan nya lang akong mag-isa doon at umuwi sya nang nag-iisa.

Eh, anong magagawa ko? I fell in love with Palawan. Bago pa ako umuwi dito sa Pinas ay iniisip ko na talagang bumili ng lupa.

I was looking for a place to buy, and I found one. Danahh!!

Nang makita ko itong malawak na lupain na dating farm, ay agad ko itong binili. Bukod sa lupa, meron din itong maliit na dalawang palapag na bahay at mga lumang kagamitan sa pagsasaka. Palagay ko ay sobrang mura ko lang itong nabili.

Iyon nga lang, naubos ko na ata halos lahat ng savings ko.

I'em now, quite frankly, broke. Sa katunayan, sa isang maliit na apartment lang ako ngayon nakatira.

Paano ba naman, kaylangan ko na talagang mag tipid ngayon, kung hindi ay sa kalsada ako pupulutin. Sa tingin ko e, dalawang buwan na lang ang itatagal ng budget ko para sa pang araw-araw na kaylangan ko.

Pero kahit ganoon, wala akong balak ibenta ang nabili kong lupain sa Palawan. I'm so in love with it, period.

Ang totoo, kaya ko nagustohan iyon ay dahil sa secluded iyon.

Gusto kong magsimula ng ganoong klaseng bakasyunan, iyong malayo sa lahat. Kahit sabihin pang probinsya iyon ng Palawan, ay magiging komersyal na rin iyon. Mayroon na roong first-class resort na dinarayo ng mga turista ngayon.

Pero hindi ang mga turistang mahihilig sa dagat ang gusto kong maging kliyente, kundi mga ordinaryong taong naghahanap ng katahimikan na gaya ko.

Yung tipong tahimik na mayroong masarap na masahe, at magandang view.

Mayroon na akong ginagawang plano para sa nabili kong property.

Aabutin siguro nang pito o hanggang walong taon kung ide-develop ko iyon ng mabuti. And by the way, I left my ring in Palawan. It was sort of good thing for me siguro. Dahil sa wakas, ay nakaya ko nang malayo ngayon sa singsing na 'yon.

"So now, your broke up."

"I am." Tipid kong sagot kay Anne.

"You sound happy." Sarcastic yang sabi.

Tawa-tawa na lang ako, sabay iling sa ulo ko.

Panno ba naman, relax lang ako, samantalang problemadong problemado naman siya dahil sa hiwalayan naming dalawa ni Luis. Daig pa nya ako kung makapag emote, e ako naman itong nasaktan sa'min dalawa.

Nakapag apply na ako sa dalawang malalaki at sikat na Hotels dito sa Maynila, at parehong nagsabi ang mga iyon sa'kin na tatawagin daw nila ako.

Malaki naman ang tiwala ko sa sarili ko na makukuha ako roon sapagkat magaganda ang mga credentials ko. Magaganda rin ang mga karanasahan ko sa hospitality industry.

Iyon nga lang, ay hindi pa talaga todo ang effort na ginawa ko para sa paghahanap ng trabaho.

Sa susunod na lingo nalang siguro. Sa ngayon ay mag e-enjoy muna ako sa pag pa-plano ko sa negosyong gusto kong gawin.

Love Affair with My BossМесто, где живут истории. Откройте их для себя