Chapter 32

8.6K 217 10
                                    

#LAWMB

NAKATALIKOD pa rin ang bata kay King, parang may tinitignan sa kandungan nito. Nang umiba siya ng anggulo ay nakita niyang mayroong itong laptop sa kandungan.

He was intrigued. At parang alam ng batang nakatingin siya ritong ayaw nitong ipakita sa kanya ang mukha nito na natatabingan ng buhok nito.

Napansin niyang habang ang isang kamay nito ay nasa laptop, ang isa naman ay hawak ang brush na tila bumuhol sa buhok nito.

She's very tiny. She looked very cute. Marahil lalo na ang mukha nito. Parang mahihirapan siyang paniwalaan na magkakaroon ng anak si Alexandra na hindi maganda.

"Hey there, sweetie," aniya sa bata.

Tumingin ito sa gawi niya, may buhok pa rin sa mukha. Nagsalita ito, maliit ang tinig. "Get away, Mr. Stranger."

Nasorpresa siya na mukhang natatakot ang bata sa kanya. Baka sa nakita nito kanina, sa pagkakahawak niya sa mukha ni Alexandra.

"My name is King Levi. What's yours?"

"Alexis."

"Now I'm no longer a stranger." Nakangiting sabi nito sa bata.

"But I shouldn't talk to you. You're dangerous. Go away." Pagtataboy nito sa kanya.

"Now, who told you I'm dangerous?"

"Someone. Now go away. You tried to hurt my mother."

"I did not. We were only playing a game. Do you like playing games?"

"Yes. What game were you playing?"

"Hide-and-seek."

"Liar. That's not how one plays hide-and-seek. You hide, the other player seeks you out. You tried to hurt her, didn't you?" mataray nitong tanong sa kaniya.

Nais niyang matawa sa paraan nito sa pagsasalita. Para ba siyang matandang nakulong sa katawang bata.

"I swear, I did not." Pigil niyang tawa rito.

"Why did my mother say you're dangerous?"

"Because she's mad at me."

"Why?"

"Why don't you show me your face, little girl?"

"I can't. If my hair moves, my scalp is going to hurt. And if I go to my mommy, she's going to tell me off. This is her brush and she told me not to use it." nakangusong sabi nito.

"Then why did you use it?" Tuwang-tuwa siyang bigla sa bata. Napakatalino nito. "Come here, let me fix that for you so your mommy wouldn't know."

"All right. But if you hurt me I can bite you. I'm a biter."

Bigla siyang natawa nang malakas.

He never thought he would love this child immediately. Lumapit ito sa kanya pagkatapos nitong iwanan ang laptop sa inuupuan nito. Inalis niya muna ang brush sa buhok nito, iniingatan na masaktan ito. And then he looked at her face.

And he was stunned.

That's why she looked familiar. Her face is exactly like his mother's when she was young. Ang lumang larawan ng kanyang ina na tila kinuha ngayon lang, ang camera ay nakatutok sa batang ito.

Her nose, her height, the shape of her face, her eyes. Ang tanging naiba rito at sa kanyang ina ay ang kulay ng buhok. His mother was dark-haired. Ang batang ito ay mayroong buhok na kakulay ng sa kanyang ama.

Love Affair with My BossWhere stories live. Discover now