Chapter 4

13K 281 13
                                    

#LAWMB


HINDI gaya ng inaasahan ko na ang food and beverage department ng L.V. International Hotel.

Una, hindi ko inasahan na masyado nang moderno iyon, sapagkat kahit moderno na ang nakasanayan ko sa New York, ay higit pa pala rito ang sistema ng L.V. International.

Isang magandang sorpresa iyon para sakin. Mas magiging madali ang aking trabaho.

May sekretary rin ako—si Keith, na may isa pang assistant, mga accountants at siyempre ay nasa ilalim ko ang mga iyon, kung hindi man ay kasama ko sila sa trabaho ang mga taong mas masasabing front liners.

Sanay akong makitungo sa samut-saring tao sa linya ng aking trabaho.

Pamilyar rin ako sa mga chefs na mula sa kung saan-saang bansa, sa mga empleyado na mula rin sa kung saan-saang malalaking kompanya.

L.V. International Hotel is like a whole different universe on its own.

Nasabi ko iyon sapagkat nakita kong magaan ang working environment ng lahat. At hindi ko inaasahan ang paghanga ng mga ito sa kanilang amo.

Wala akong narinig na negatibong komento mula sa aking sekretarya o sa kahit sino sa aking team.

Lahat ng mga ito ay tila humahanga at mataas ang respeto sa kanilang presidente. Ang tanging naririnig ko lang ay sadya raw itong babaero ang lalaki at kailangan kung ano ang gusto nito ang dapat nasusunod.

Hindi negatibo ang tingin ng mga ito roon, kundi plus factor pa nga daw, sapagkat ayon sa aking sekretary, matalino raw ang lalaki at lahat ng gusto nito ay nakagaganda sa kompanya.

They also adored the man for being a generous boss. Mayroon pa raw birthday bonus ang mga ito sa kompanya sa alinmang hotel ng L.V. International sa iba't ibang Asian countries.

Mukhang lahat ng mga ito, hindi pa man ay inaasahan na ang galanteng Christmas Bonus ng mga ito.

Sa isang banda, tila maganda nga ang aking trabaho.

Sa dalawang linggo ko rito, masaya akong hindi namataan ang aming amo. Parang imposibleng maglagi ito sa iisang lugar, lalo na at napakarami nitong negosyo.

Ang karaniwang kinakausap ng mga gustong makakontak ito ay ang lalaking executive secretary nito.

Unti-unti nang natatabunan ang aking pagdududa na mali ang aking naging desisyon.

Heto na ako, pasampa na sa ikatlong linggo ko sa kompanya. Maayos ang lahat. Ang aking pinalitan pala ay nagretiro na, nagtrabo sa ibang bansa. Marami rin daw ang agad na napapalitan kung hindi maganda ang performance.

Kahit abala si King at madalas na wala roon, hindi iyon sapat na dahilan upang hindi nito ma-monitor nang husto ang negosyo. May mga paraan ito.

Pero wala na akong pakialam doon. Ang mahalaga sa akin, magawa ko nang maayos ang aking trabaho.

Naitanong ko din sa sarili ko kung bakit tila hindi ako nakilala ng lalaki. Dahil ba sa wala akong makeup noon? O dahil lang sa hindi na lang nya ako pinakaisip pagkatapos ng una naming pagkikita?

Ah, marahil ay ang huli.

Iyon ang dahilan kung bakit ko hindi magawang isauli rito ang pera nito. Nag-aalala ako na baka bigla ay maalala pa nito ang bagay na iyon gayong mukhang nakalimutan na naman nya ito.

Devoted ako sa trabaho ko.

Mahal ko na agad ang trabaho ko dito kahit bago pa lang ako. Hindi ko iniinda ang maraming responsibilidad at madalas akong ginagabi dito sa opisina.

Love Affair with My BossKde žijí příběhy. Začni objevovat