Chapter 23

7.9K 194 2
                                    

#LAWMB

"PAANO po mangyayari 'yon Doc? Nagkaroon po ako last month." tanong ko kay Doctora pagkasabi nitong buntis ako.

"Ilang araw?"

"I don't know. A few days?" naguguluhang sagot ko.

"Marami?"

Umiling ako.

Nagkaroon lang ako ng ilang araw na may dugo. Nakita ko lamang 'yon nang naligo ako at may dugo ang underwear ko. Naisip kong marahil ay dahil sa stress lamang iyon kaya hindi lumabas ng marami gaya ng dati kong menstruation.

Ngayon ko lamang naisip na masyado ngang kaunti iyon.

"Kauntin-kaunti lang." kabado paring sagot ko kay Doctora.

"Spotting. It happens."

Kinailangan niya akong i-ultrasound. Nakita niya roon na malusog daw ang sanggol at sa laki daw niyon ay mahigit tatlong buwan na raw ito.

Hindi ko napigilan ang mapaiyak nang makita ko ang bata sa may monitor.

I am filled with so much joy all of a sudden. I'm looking at my baby. And he/she's very healthy. Normal din daw ang sukat niya sabi ni Doc.

Inakala ko noong una ay tumaba lamang ako dahil nitong huli ay napaparami ako nang kain. Madalas rin akong makisabay sa mga tauhan ko tuwing kakain sila.

Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit ganoon na lamang sila ka kampateng-kampante sa akin. Somehow I found a family there with Tatay Ambo's Family.

"And I thought I was getting fat," sabi ko kay Doctora. Natawa naman ito dahil sa aking sinabi.

"Congratulations." Masayang bati niya sa akin habang nakahawak sa aking mga kamay.

Niresetahan din niya ako ng mga gamot para sa pagkahilo at binigyan din niya ako ng bitaminang pambuntis. Nagbilin rin siya na huwag raw akong masyadong magpapagod at anumang oras raw na sumama ang aking pakiramdam ay tumawag lamang daw ako o magtext sa kaniya.

Nagpasalamat ako rito, nagbayad, saka lumabas na roon.

"Kumusta ka naman daw?" tanong ni Thunder pagkalabas ko.

"Magkaka-baby na ako, Thunder," sagot ko rito. Masayang-masaya ako nang mga sandaling ito. I have a child to raise, to mold, to be with. Magiging isang mabuting tao ang anak ko.

"Sana 'wag mong masamain, pero nasaan ang ama?"

"Oh, that." Bigla, ang saya na nararamdaman ko kanina ay nauwi sa kung anong lungkot.

Nasisiguro kong hindi na makikita pa ni King ang anak niya.

Una, maaaring ikaila lamang niya ang bata, o bayaran ako para lumayo kami ng anak ko. Pangalawa, baka akuin niya ang bata, at yaman din lamang na ayaw niyang makita ako ay gagawa siya ng paraan mapalayo lamang ako sa kaniya. Ikatlo, maaaring magbigay siya ng sustento sa bata pero hindi rin siya magpapakita pa.

My child would not deserve any of those things. Hindi ko kailangang ipagsapalaran ang aking anak.

No way!

"Pasensya ka na kung nagtatanong man ako," ani Thunder.

"Kaya kong palakihin ang bata nang mag-isa, Thunder. Mas mabuti 'yon." kumbinsi ko rito.

"Wala akong duda na kaya mo siyang palakihin, ang kaso, mawalang-galang na sa'yo, hindi masasabing mabuti 'yon sa bata."

"Maniwala ka sa akin, Thunder. Maburi ito para sa bata."

Kaysa makilala niya si King. He is just going to break my child's heart, I am sure of it. He breaks all hearts. Walang exception to the rule. Hindi ko ibibigay sa anak ko ang ganoong klaseng buhay. Mas magiging masaya kami rito.

Gusto ko pa sanang idag-dag 'yon kay Thunder, pero minabuti ko na lamang na sarilinan iyon. After all. Ayokong may madamay pang ibang tao sa problema ko.

"Congratulations." Bati nito sa akin.

"Salamat. Diba, may baby ka pa? Ilang taon na nga pala siya?" Tanong ko rito.

"Two."

"May makakalaro pa ang baby ko."

Tumawa na lamang ako at pilit na itinago ang aking kalungkutan.

Just the thought that King would not know his own child is enough to hurt me. But the thought that he might hurt our child is something's probably make me lose my mind.

Love Affair with My BossWhere stories live. Discover now