Epilogue

14.9K 211 20
                                    

#LAWMB

ANDREA was snapping photos of the newlyweds. Sino ang mag-aakala na pagkatapos niyang halos isumpa si King dati ay naroon siya ngayon sa kasal nito? She had long forgiven King Levi when her husband got fires job after working at L.V. International.

Kaya pala maluho sila, marami itong ginagawang milagro. It was probably the main reason why he was fired, she later realized. Nagkataon lang na natiyempo iyon sa araw na ginagawan niya ng report ang lalaki at isinisi rin ng asawa niya iyon kay King.

Natatandaan pa niya noon ang mga nangyari bago siya na lagay sa kinatatayuan niya ngayon. Aminado siyang, dati ay naghahanap siya ng pweding maging balita para makilala rin siya sa industriya bilang isang magaling na reporter.

At hindi nga siya nagkamali sa naging desisyon niya noon na gawing isang big break ang gawan ng report ang isang sikat na King Levi Verdi.

Flashback....

It was a crazy mob, a mixture of colors. Everyone was there–from gossips, old ladies, tourist, to cops, paramedics, and group of men dressed impeccably, with earpieces, guns ad sunglasses.

Lahat ay nasa labas ng L.V International Hotel. Ginagawan na ng paraan upang mabawasan ang mga nag-uusyoso.

"I didn't book this hotel for this mess." Wika ng isang Caucasian. Napalingon dito si Andrea. Isang reporter.

Siya ang dahilan kung bakit maraming tao ngayon sa labas ng hotel. Naroon siya kanina upang katagpuin ang kanyang asawang doon nagtatrabaho bilang chef. Ano ang malay niyang magkakaroon pala siya ng malaking break doon?

Matagal na siyang reporter para sa news program ng isang malaking istasyon ng telebisyon at radyo ngunit hanggang ngayon ay pangradyo pa rin siya. Gusto niyang maiba ang kanyang career.

Matagal na siyang nag-apply para mapunta sa TV ngunit hindi siya mabigyan ng break. Iyon na ang kanyang pagkakataon.

Pag-aari ang pinamamahalaan ng Maldives Holdings ang L.V International Hotel. Ayon sa mga inilabas na brochures ng mag-asawang Italian ex-pat sa Pilipinas nang magbakasyon ang mga ito sa Maldives nagsimula ang negosyong iyon.

The business is conceived there. Ang dalawang Italyanong iyon ang siyang Lolo at Lola ni King Levi Verdi, isang icon sa A-listers.

King is a infamous, as a matter of fact. And mysterious at the same time. Wala yatang taong hindi nakabalita sa ubod ng guwapong lalaki.

He was a first and foremost, a chef. Parang hindi bagay rito ang maging chef, sapagkat mas mukha itong nababagay sa mas ''macho" na trabaho.

He is also not the cowboy type, he's too sophisticated for that. But anyway, the man became world-famous for King's the exclusive Italian restaurant in New York, whose main clients included Hollywood's finest celebrities--from actors to directors to movie executives to fashion designers.

Bagaman paminsan-minsan lamang ito nabanggit sa mga espesyal na artikulo sa Pilipinas, popular ito sa ibang bansa.

Buhay pa ang mga magulang nito nang sumikat ito sa larangang iyon. Nang pumanaw ang mag asawa, si King na ang naging tagapagmahala ng Maldives Holdings. Bukod sa L.V International Hotel, marami pang real estate properties ang kompanya sa iba't-ibang panig ng Asya.

Aside from Maldives Holdings, King also owned a group of companies that had restaurants all over the world. Ginagamit nito ang talento nito sa pangungusina sa higit na malaking negosyo. At isa ito sa nangunguna sa listahan ng mga matagumpay sa laragang iyon.

Why not? He was a multi-awarded chef.

Ang mga babaeng naghihintay sa labas ng hotel ay nakatunog mula sa kanyang report na ipinadala sa istasyon ng TV. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon siya ng live feed, siya ang reporter.

At wala pang kalahating oras, nagsidatingan na rin doon ang mga kapwa niya reporters, at ang mga babaeng hindi niya alam kung bakit hindi na nahiyang magpakita roon kahit pa nga nabibilang sa alta-sosyedad ang mga ito.

Hindi pa nagpapa-check in ang hotel nang mga sandaling iyon. Nagkaroon ng kagulugan doon kanina nang may umalingawngaw na putok ng baril. A few seconds later, King came out of his office, as poker-faced as ever, with bloodstains on his shirt.

Agad itong nilapitan ng grupo ng kalalakihang batid niyang house detective ng hotel, at ang iba marahil ay bouncers nito. Lumabas din mula sa pinagmulan ni King ang nobya nitong si Cathrine, isang babaeng hindi sikat, hindi kilala, hindi masasabing maganda–hindi kaliga ni King.

Kilala niya ang mga nakaka-date ng lalaki dati. Bagaman mula lang sa mga naririnig niya. Kaunti lamang ang nalalaman niya sa amo ng kanyang asawa, kahit pa asawa niya ang isa sa mga chefs ng hotel. Her husband is a japanese. He's short, bald guy. Hindi ito masyadong nakakaunawa ng tagalog.

Napalabas siya sa hotel dahil nakita siya ng tauhan ng lalaking kanyang ibinabalita. Kaya kasama na siya ngayon sa mga taong naghihintay na makapasok sa hotel.

Hinawi na ang mga tao. Lumabas si King. Parang wala pa rin itong nadarama. Iba na ang damit nito ngunit may bahid pa rin iyon ng dugo. Agad siyang sumakay sa van ng TV station. Sa isang sikat na ospital ang destinasyon ng lalaki.

The man is really like a celebrity.

At wala na siyang magagawa pa para madugtungan ang kanyang balita dahil na rin sa sobrang higpit ng security para rito. Ibang reporters na ang humawak ng ulat mula sa pulis at mga witnesses sa hotel. Ang mahalaga, nakalabas na siya sa TV, mayroon na siyang pagkakataon.

Salamat kay King Levi.

Nasa mood siyang mag celebrate. Kahit pagod, gusto niyang ipagdiwang ang kanyang nagawa.

Nagpasya siyang yayain ang kanyang asawa sa isang magandang restaurant. Nang makauwi siya, napansin niyang parang aligaga ang kanyang asawa.

"What's wrong, honey?"

Nagsalita ito sa wikang Hapon, hindi niya naunawaan ang sinabi nito. Para itong nagagalit na nalulungkot na hindi niya maunawaan.

"Because of you, I got fired..." wika nito sa matigas na dila. Bagaman fluent ito sa wikang Ingles, matigas pa rin ang pagkabigkas nito.

"What?"

"King Levi fired me..."

Nanghina siya. Noon niya nakumpirma na talagang walang puso ang lalaki.

Love Affair with My BossWhere stories live. Discover now