Chapter 27

8.6K 210 1
                                    

#LAWMB

Third Person POV.

"YOU could really stretch ten million pesos to its limit, Alexandra."

She couldn't breath a word. In fact, she couldn't breathe at all.

"You have a lovely place here, Alex. It's very you."

Finally, Alexandra remembered to breathe.

Bigla-bigla na lamang dumating ang lalaking ito. He's a walk-in client, obviously. Kung hindi ay nakita sana niya ang pangalan niya sa kanilang files. Wala siyang ideya kung paano ito nakalapit nang hindi niya namamalayan. Ang hula niya ay naroon ito kanina pagdating niya sa coffee shop sa tabi ng reception area.

He's more gorgeous now than she remembered him to be.

Parang biglang nanlabo ang mga imahe nito sa isip niya ngayong nagkita sila nitong muli. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin niya rito.

Ang sabi ng isip niya ay magsalita siya, ngunit ayaw gawin ng kanyang mga labi.

"I have to say I admire your business strategies, alongside your other valuable talents. I could remember what those are, and I bet you do, too."

Natural na may ibang kahulugan ang mga salita nito. Bakit nga ba niya nalimutan na mahilig ito sa ganoon? He liked playing with words, playing with anything he found to be fun, like human emotions.

Ano ang ginagawa nito roon? Hindi niya inakala na magtutungo pa ito roon.

Naisip niya na hindi ito papayagan ng ego nitong magtungo roon. Pero naroon ito. He looked proud and high and mighty. Because he is. Sa puntong iyon niya naalala ang kanyang anak.

Salamat at nalingunan niya iyong kinukulit ang night shift bellman niya.

Pasimple siyang nagsulat sa papel sa harapan niya. "Take Alexis home and wait for me there. Use the back entrance." Inabot niya ang papel kay Cherry na agad na tumalima sa kanyang utos.

"You don't know how to speak now, Alex?"

"Of course, I do." Maging siya ay nabigla na buo ang kanyang tinig, puno ng kompiyansa. Hindi niya alam kung saan nanggagaling iyon.

Dahil hindi niya inaasahan kung ano ang kanyang magiging damdamin.

Naroon man ang galit sa kanyang dibdib ay nangunguna roon ang kaba.

Damn this man for making her feel that way after everything he had done. Dapat ay hindi ganoon ang madama niya. Ano ngayon kung may dapat nga siyang ika-guilty? Ano ngayon kung hindi niya nasabi rito ang tungkol sa kanilang anak? Hindi sapat na dahilan ang mga iyon upang kabahan siya nang ganoon.

Or it was the fact that the man looked so handsome still made her feel that way? Ah, ayaw na niyang isipin.

"What do you want?" Malamig na tugon nito rito.

"I'm a guest."

"Funny, I didn't see your name in my list."

"I used a different name."

"And why is that? Scared that I might throw you out?"

"No. I just wanted a little privacy. Isn't that what this whole place is about, Kitten?"

Ang lakas ng loob nitong tawagin muli siya nang ganoon! "Well, you can't stay here. You are not welcome here. Please leave."

"I technically have some right over this place since I gave you the money to start off."

Love Affair with My BossWhere stories live. Discover now