Chapter 12

10.5K 200 2
                                    

#LAWMB


"MAY BATANGAS coffee ka pa?" Tanong ko sa aking sekretarya. Sa kaniya kasi ako bumili ng kape noong nakaraan at napinsin kong halos si King lamang ang nakaubos ng stock ko sa bahay.

"Dadalhan ko po kayo bukas."

"Ano 'yan?" Turo ko sa braso niya. Bahagyang dumungaw sa manggas nito ang isang tattoo. "Kailan ka pa nagpalagay niyan?"

"Fake, Ma'am. Nagbebenta rin ako."

Hindi ko napigilan ang mapatawa ng malakas. Talagang lahat na lang ata ay ibinebenta niya.

Pumasok na ako sa aking opisina.

I was still smiling. Alam ko kung bakit—dahil masaya ako. Maayos ang relasyon namin ni King. Kinalimutan ko na ang pagdududa tungkol kay Catherine, lalo na at nakita ko sa Internet, sa blogsite niya. The woman now lived in Hong Kong.

Malayo siya sa amin.

Bagaman palaisipan pa rin sa akin kung ano ang totoong nangyari sa mga ito, malinaw sa akin na walang anumang masamang nangyari sa babae.

Iyon kasi ang aking unang hinala. She shot King. Regardless of her reasons, she shot King Levi Verdi. At dahil sa mga naiisip kong tungkol sa lalaki, lumikha ng kung anong kuwento sa aking imahinasyon.

Now that we were always together, I found out he was a great guy.

Marami lang taong sadyang hindi nakakakilala sa kaniya na iba ang impresyon ng isang taong misteryoso. Of course, he was still a mystery to me. Siguro, kahit kailan ay hindi na mawawala sa isipan ko ang impresyon niyang iyon sa akin. I'm excited about it.

Napabuntong-hininga ako, saka napangiti.

Panaka-naka ay napapatigil ako at napapangiti sa kawalan sa pagkaalala sa kaniya. Nasasabik na akong muling makita ito. Muli, ay hindi ko maiwasang manghinayang dahil sa pribadong eroplano na naman ang ginamit niya.

Pero siyempre, masasanay rin siguro ako sa karangyahan ng buhay niya.

Masasanay...

Sana ay ganoong nga.

Ibig lang sabihin noon ay matagal kaming magkakasama. Iyon ang gusto ko. Kailangan kong aminin, mahal ko na siya. Mahirap na hindi ma-in love sa lalaking tulad niya. Tulad ni King Levi Verdi.

Ang pinakahinahangahan ko sa kaniya ay yung isip niya. He was very smart. Alam ata niya ang lahat. He knew about diamonds, cars, antiques, paintings, literature, business; he even could play the saxophone, among many musical instruments. Needless to say, the man is a genius.

Dapat noong una ko pa iyon naisip, pero sadyang iba ang imaheng dumadalaw sa isip ko kapag "genius" ang salitang gamit. I would always picture a man with thick reading glasses who collected stamps and stayed inside his own lab. A geek.

Pero malayo sa pagiging ganoon si King.

Hindi rin ito tipikal na mayaman na mahilig magtungo sa mga parties. Ito ay tipo ng taong hindi na kailangan pang maghintay sa likod ng velvet rope. Agad siyang nakikilala at hinahangaan.

Ako lamang yata ang hindi agad na nakakilala sa kaniya noong una naming pagkikita.

Minsan, tinanong ko ito kung bakit ayaw niyang daluhan ang maraming imbitasyon sa kaniya. I saw the thick pile of engraved invitations on his deck one time.

Alam kong marami ang may gustong makatanggap ng ganoon, pero iniignora lang niya ito. Ang sabi lang niya sa akin, tapos na siya sa estadong iyon sa buhay.

Love Affair with My BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora