Chapter 29

8.1K 190 2
                                    

#LAWMB

Alexandra POV.

"ALEXIS, go home!" agad kong sabi sa anak ko.

Salamat at sabunot ang buhok nito ngayon, dahilan upang hindi makita ang mukha niya. Marahil ay napagkatuwaan na naman niya ang roller brush ko na kahit ilang ulit ko atang sabihin sa kaniya na hindi maaaring gamitin iyon ay pilit pa rin niyang ginagamit.

"But, Mommy—

"Hey there, sweetie," ani King dito.

Agad akong napatingin sa mukha niya.

How dare he try to be friendly with my daughter after what he just did? Walang indikasyon sa mukha niya ang panghihinala.

Kailangan kong maawat ang mga pangyayari bago pa mawala ang aking control.

Agad kong nilapitan ang aking anak at dali-dali ko itong binuhat. Hindi ko na pinayagan pang makalapit si King nang tangkahin nitong lapitan ang anak ko. Mabilis ang mga hakbang na ginawa ko.

"Was he trying to hurt you, Mommy?" inosenteng tanong ni Alexis sa akin.

Bahagya kong nilingon si King. Nakatingin pa rin ito sa aming dalawa ng anak ko bagaman hindi na lumapit pa. Alam kong narinig niya ang sinabi ni Alexis.

"No, honey. I told you not go out of the house."

"I heard noises."

"Noises? If you stayed inside the house like I told you, you would not have heard noises." Malayo sa bahay ang kinaroroonan namin ni King.

Malamang, gumala na naman siya na mag-isa. Kung ordinaryong araw lang siguro ay walang kaso iyon sa akin sapagkat saulado naman niya ang lugar, pero hindi sa pagkakataong ito.

What if she bumped into King? What if King asked question? Ano na lamang ang itutugon ng anak ko? Kasasabi ko pa lamang kay King na mayroong ama ang anak ko. At malamang na ang isasagot ni Alexis ay nasa 'Heaven' na ang ama niya.

Isa pa, sadyang ayaw kong magkakilala silang dalawa. It didn't seem right. It would make matters worse. Imposibleng hindi malaman ni King ang totoo kapag nakilala niya si Alexis.

Biglang-bigla, ang tahimik naming mundo ay nagulo. Ganoon si King, parang bagyo tuwing darating siya sa buhay ko.

"Papa Thunder!" biglang tili ni Alexis. Noon ko lamang siya ibinababa.

Agad naman siyang tumakbo patungo kay Thunder. Malamang na ibang daan ang tinahak niya para makarating sa bahay. May dala itong pasalubong sa bata.

Walang oras ang trabaho ni Thunder bilang manager kaya anumong oras nito gustuhing magtungo roon ay walang kaso iyon sa akin.

"What's this?"

"Bibingka."

"Bibingka, my favorite!" tili ni Alexis, saka agad inilabas iyon. Matakaw ang aking anak sa mga cakes at katulad ng bibingka.

"May problema ba?" agad na tanong ni Thunder sa akin pagkalapit.

Hindi ko maipagkakailang mas mahusay siyang maka-detect ng problema kaysa kay Anne.

He's a sensitive guy. Iyon marahil ang dahilan kaya kami magkasundong dalawa. Sensitive siya na parang isang babaeng kaibigan, at hindi palausisa, hindi kagaya ng isang babae.

"Wala naman," pagdadahilan ko.

"Ang sabi ni Cherry, may mga bilin ka raw. Sana tinawagan mo ako kagabi para ako na ang gumawa." malumanay niyang sabi.

"It's nothing."

Tumahimik na ito pagkasabi ko noon.

Alam kasi niya kapag handa na ako ay magkukuwento rin ako sa kaniya. Pero pag dating kasi kay King ay hindi ko magawang magsalita. Hindi ko alam kung bakit. Marahil, gusto ko na lamang maging tahimik ang bahaging iyon ng buhay ko, tutal ay tahimik na kaming mag-ina, bukod na nga lang sa biglang pagsulpot ni King.

Ilang oras na lang naman at aalis na siya at marahil ay hindi na muli pang babalik.

Wala siyang magiging pakay pa sa susunod niyang magpunta rito. Hindi ko na rin siya tatanggapin pa sa susunod. Ibibilin ko iyon sa mga tauhan ko, na kung ito ang magtse-check in ay sasabihin namin na puno na ang lahat ng silid.

Nagkuwentuhan kami ni Thunder habang naglalaro sa loob ng bahay ang aking anak.

Sa kauna-unahang pagkakataon, sinabi rin niya na malapit nang magkaroon ng petsa ang kasal nila ng nobya nito. Hindi ko mapigilan ang masabik sa kanilang dalawa. Ito lang ang hinihintay kong pagkakataon para kahit papaano ay may maitutulong ako sa kaniya.

"Flower girl siyempre si Alexis." sabi nito.

"Salamat. Excited na akong maging flower girl siya." masayang tugon ko.

"Kung puwede ka nga lang gawing ninang." dagdag nito.

Bigla naman siyang tumawa nang ismiran ko siya.

Sinabi nitong isa ako sa mga abay. Hindi pa man ay nakikita kong magiging magandang-maganda ang kasal nila. Wala pang nagpakasal sa Destination: Palaw na hindi maganda ang kinalabasan.

"Pupunta na ako sa office, may ibibilin ka ba?"

Umiling ako at nagpaalam na rin siya.

Nagtungo ako sa may kusina upang maghanda ng aming hapunan. Iniwan ko muna si Alexis sa may sala, abala kasi ito sa computer ko. Malamang na mamaya pa siya tatayo roon. Nagluto ako ng sinigang na siyang paborito ni Alexis.

Marahil, ang hindi namana sa ama ni Alexis ay ang pagkahilig nito sa pagluluto o pagkain. Bagaman malakas itong kumain, hindi rin ito mapili masyado sa pagkain.

Sa katunayan nga, mas gusto niya ang mga simpleng pagkain, kompara sa gourmet foods.

Habang hinihintay na lumambot ang karne ay nagbasa muna ako ng isang libro, pilit kinakalimutan ang naging paghaharap namin ni King kanina.

Walang mangyayari sa akin kung parati kong pagbibigyan ang aking sarili na isipin siya.

Love Affair with My BossWhere stories live. Discover now