Chapter 15

9.4K 167 7
                                    

#LAWMB

"WHAT DO you think, uh?" Ngiti-ngiti kong tanong kay King sa aking bagong ginawang presentation.

Talagang tinapos ko ang aking research sa nakalipas na buwan.

It took a lot of determination to make that presentation worth the man's time. Kapag sa palagay niyang okey na, ipapasa ko iyon sa iba.

Although I was thinking that maybe he himself could find my project himself. Sa palagay ko kasi ay hindi yon isang pagsasamantala sa kaniya, sapagkat natitiyak kong magiging maganda ang proyekto ko. Sa loob ng ilang taon ay maibabalik ko ang lahat ng puhunan niya.

Wala akong balak na ibenta iyong property ko kahit kaylan, para kasing nag-invest na ako rito sa proyektong habang buhay kong pagkakakitaan.

Sayang kasi kung iba ang makukuha kong partner. Kilala ko ang aking sarili. Ang ganoong klaseng proyekto ay hindi basta iniiwanan at parati kong patutunayan na hindi nagkamali ang mga taong susuporta sa akin kung sakali.

"It's great." Komento nito.

"Really?" Excited na tanong ko.

"Yes. Congratulations."

"You know I was thinking... Well, maybe you could give me a chance to convince you to be my partner in this business. Sayang naman kasi kung sa iba mapupunta ang pagkakataon."

Pinagmasdan niya ako, matagal.

Parang gusto kong magsisi sa aking sinabi. Baka masyadong malakas ang aking loob. Ano ba ang malay ko, baka nga sinabi lang niya sa akin na maganda ang presentation ko para magtigil na ako? Baka mamaya, hindi pala siya kumbinsido sa mga ipinakita ko sa kaniya.

Parang nanliit ako bigla.

Eto ako nakikipag deal sa isang bilyonaryo. Sino nga ba ako? Ano kaya ang naglalaro sa isip niya sa mga sandaling ito?

He was probably thinking I'm a stupid person. No, a stupid girl, a little girl with big dreams. But they were all childish dreams.

Sana pala ay hindi ko na lamang iyon sinabi sa kaniya ang aking plano. Kahit paano, mas mauunawaan ko kung ibang tao ang tatanggi sa akin. Hindi sasama ang aking loob.

Matindi ang paniniwala ko sa aking proyekto sa puntong halos parang natitiyak ko na wala akong magiging pagkakamali rito. Magiging maayos ang lahat.

Nauunawaan kong mayroong malaking kahinaan sa lahat ng ito. Ang ganitong attitude ay nakakapagbigay ng pag-asang wala sa lugar. At marahil ay iyon ang nakikita ngayon ni King sa akin.

The man owned hotels and restaurants and real estate properties.

And dami-dami niyang alam sa negosyong gusto kong pasukin. Siguro nga ay kung nakakita siya ng isang magandang pagkakataon sa sinasabi ko rito, noon pa sana niya ako inalok sa aking proposition sa kaniya.

Nanatili lang siyang tahimik.

Ano pa ba ang ibig sabihin niyon? Kung noong una pa lamang ay naisip ko na ang ganitong bagay, hindi na sana ako sumubok pa, parang ang kapal ng mukha ko kung aasahan kong susunggaban niya agad ang idea ko, gayong wala pa akong naipapakitang pruweba sa kaniya na kaya kong gawin ang lahat ng inilagay ko sa presentation na ipinakita ko sa kaniya noong una.

That motivated me to come up with everything I just showed him.

At ngayon ko lang naisip na baka iniisip niyang isang malaking kabaliwan ang gusto kong gawin. Maybe Anne was right after all, that I was counting so much in that land to turn into something very beautiful. Huwag raw akong masyadong umasa, at huwag ilagay sa proyekto ko ang lahat ng hawak kong pera.

Ganoon talaga si Anne, prangka. At nauunawaan kong hindi niya nakikita ang pagbi-visualize ko sa lahat ng pangyayari. Nagkataon lang na iba rito ang kanyang imahinasyon pagdating sa totoong negosyante.

"It's a stupid idea." I tried to smile. Naliliit ang aking pakiramdam. "Forget about it. Forget I ever said that. I guess I should do more research. I guess..."

Bigla na lamang ay para akong maluluha, sa magkahalong pagkapahiya at sa depression. Now, I'm really acting like a childish.

"Hey, hey!" Pigil niya sa akin.

"I'm sorry." Tumawa ako ng pilit. "It's just that. I want to be... I want to be..." Hindi ko maituloy ang aking sasabihin. Hindi ko kayang sabihin ang salitang "successful and rich." Parang hindi magandang pakinggan niya iyon.

Noong una ay simple lang ang plano ko sa aking lupain, pero lumaki iyon nang bahagya nang lumaon.

At nang makilala ko si King, naging multi-million na ang halaga ng pangarap ko. It's frustrating and upsetting to realize that I wanted to be like King or at least, make myself rich enough for someone like him.

I'm so pathetic.

Sa lahat ng effort ko na iyon ay ibang tao ang nasa likod ng isip ko, ang motivation ko. Sa halip na gaya ng unang plano ko na para sana sa early retirement ko ang lugar na iyon, ngayon ay biglang naging para makapantay ko si King kahit paano.

"You want to be what, kitten?" Anito, masuyong-masuyo ang tinig.

"I w-want to be in the industry, a big player. I guess it has always been a dream o-of mine," pagsisinungaling ko.

Before you, all I wanted is a simple life. Now my imagination is making me do stupid, foolish things. I have to reevaluate things. I'm too old to make big decisions because of a totally different aspect in my life.

Hindi puwedeng magtagpo ang kabuhayan ko sa love life ko.

Kung ano ako, siguro ito lang talaga muna. Kung papalarin, baka maiba nang kaunti. But would you really want to be with someone like me? For real? I don't even own a car, never really did. I'm driving yours, I used to drive company cars. Saan pupuwesto ang tulad ko sa buhay mong masyadong marangya?

I guess it was a question of faith. If I have faith in what we have, in you. I guess I do have those things.

Kaso, lumalabas lang ang insecurity ko.

Tuwing titingnan kita, paano ko maiiwasang hindi magtanong kung ano ang nakita mo sa akin? I'm not even that pretty. On a bad day, I look like the typical Pinay. How could I keep up? With all the wealthy, botoxed, nipped and tucked women around you, what's a girl like me to do?

Lahat ng ito King ay gusto kong sabihin sa iyo, pero hindi... Hindi ko kaya.

Love Affair with My BossOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz