Chapter 17

8.2K 186 1
                                    

#LAWMB

KING LEVI was the perfect example of that.

Tuwina ay umaapaw ang kaligayagan ko tuwing maiisip ko na marami siyang ginagawa, maraming ka-deal, maraming kausap, pero sa kalagitnaan niyon ay tatawag siya sa akin. He would usually start of with "This stuff is boring me. I wish I brought you here."

He could get away with that for his being Mr. Verdi.

May ilang lakad na rin naman siyang sinamahan ko. Ilang ulit na gusto niyang sumama ako kahit sa malalayong bansa, pero hindi ako pumapayag.

Ayaw kong may masabi ang mga kapwa ko empleyado sa akin. I was still the hotel's employee.

"You're crazy," minsang nasabi sa akin ni King nang ayaw kong sumama sa kaniya patungo sa Venice para puntahan ang isang pinsan niya na naroon.

Dalawang linggo lang daw siyang mawawala at magbakasyon na rin raw kami. Pero tumanggi ako. Dalawang linggo akong maglalamyerda with pay at saka babalik sa sekretarya na tiyak kong tambak na trabaho. He came back after five days, saying he was bored in Venice.

I had been there once and I knew one would never get bored there. Napakaganda ng lugar na 'yon. I thought that he missed me so much so he came back. Nadarama kong ganoon siya sa akin-mabilis mangulila gaya ko.

Southeast Asian countries lang ang mga lakad niyang sinasamahan ko, kapag dalawang araw lang kaming mawawala at nagkakataong holiday o weekend pa 'yon.

Everywhere he went, he was treated with high regard.

Marahil ay dahil kahit saan ata kami magtungo ay mayroon siyang pag-aari, kundi hindi man ay siya mismo ang may-ari ng lugar. Plus the fact that he had an authoritative aura were enough for people to think he's not the someone to ignore.

Nakakamagha kung papaano kami i-accomodate sa mga lugar na pinupuntahan namin, kahit sa mga stores lang 'yon.

Alas-dose ng tanghali nang mapagpasyahan kong magpaalam na sa aking sekretarya. Kailangan kong magtungo sa mall para bumili ng regalo kay King.

Hindi pa man ay natitiyak kong mahihirapan ako sa paghahanap. I might spend the whole day looking for the perfect item.

Ilang ulit ko nang iniisip kung ano ang magandang iregalo sa kaniya, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya. Umaasa na lang ako na mayroon akong makikita sa mall na makakakuha ng aking pansin.

Papalabas na ako sa aking opisina nang mapansin ko ang mga fake tattoo na tinda ng aking sekretarya.

May ideya agad na pumapasok sa isipan ko.

Maybe that could be my gift to King-a night of wild lovemaking. Dalawang sets ang binili ko at nagtuloy na ako sa mall. Kailangang may kasamang regalo ang ibibigay ko sa kaniya.

Nagpunta ako sa isang lingerie store.

Isang itim na negligee ang aking binili na tinernuhan ko ng panties na ganoon din ang kulay. Pagkatapos ay nagtungo rin ako sa winery at bumili ng pinakamahal na champagne.

Nag ikut-ikot pa ako pero sadyang wala na akong makita pang bagay na wala si King.

Binilhan ko na lamang siya ng isang Cross pen. He could use one more of that, I guessed. Pina-engrave ko rin itong "Levi" at sa ikalawang linya naman ay "STUD".

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti sa aking naiisip.

Umuwi na ako sa apartment pagkatapos ko sa mall. Siguro, sosorpresahin ko na lamang siya sa kaniyang suite, sasabihin kong may lakad ako at masosorpresa na lamang siya kapag nakita niya akong naroon, nakasuot ng lingerie.

Masisiyahan siya. Sisiguraduhin ko iyon.

Pinag-aralan ko pa nang mabuti kung paano ko ilalapat sa balat ko ang fake tattoo. Balak kong ilagay ito sa bandang puwitan ko.

I would have to put it strategically to a place where he loved to kiss me, at iyon ay sa lower left part of my left butt cheek. Napahagikgik ako sa aking naiisipan.

Hindi ko tuloy mapigilan ang matuwa, nakatalikod ako ngayon sa salamin. Nahihirapan akong ieksakto ang puwesto 'yong tattoo sa balat ko.

Nang sa wakas ay nahanap ko na ang perpektong lugar ay binasa ko ng basang bulak ang likod ng papel ng tattoo.

Nang sa tingin ko ay nakadikit na ito, tsaka ko inalis 'yong strip niya.

"Bingo!" Bulalas ko, feeling very pleased. Ayon sa aking sekretarya, isang linggo raw bago iyon mabura. Eksakto lamang 'yon para bukas.

Get ready, Levi.

Love Affair with My BossWhere stories live. Discover now