Chapter 38

9.7K 199 0
                                    

#LAWMB

"THUNDER has never been my boyfriend! So shut up!" singhal ni Alexandra rito. "Thunder, umuwi ka na. At ikaw, King Levi, ayoko nang makita ang mukha mo rito!"

Dali-dali siyang tumalikod na rito at pabalik na siya sa bahay pero naagapan ni King ang ang kanyang braso. "You cannot keep me away from my daughter."

"Shut up!" muling singhal niya.

Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nag-hysteria siya sa tanang buhay niya. Hindi niya alam na nasa kakayahan niya ang magwala. But her sanity could only take too much.

"At ikaw, ano ang ginagawa mo ngayon lang? Hinintay ka ng anak mo pero hindi ka bumalik. Simula na ito, alam ko. Isa sa mga pakiusap ko sa'yo, huwag mong paasahin ang anak ko. Ayokong masaktan siya... Katulad ko. Iniwan mo ako dati, ininsulto..." Tumulo na ang mga luha niya. "Tapos, darating ka isang araw, at ganito ang gagawin mo."

"Nagtatanong ka kung bakit hindi ko ipinaalam sa'yo ang tungkol kay Alexis. Nakuha mo pang magtanong. Hindi ba kapag nagsawa ka na sa isang tao, basta mo na lang idinidispatsa? At mabilis kang magsawa, King. Naaawa ako sa anak ko. Ayokong maranasan niya ang lahat ng ipinaranas mo sa akin—"

"You're such a hypocrite, Alex." Mukhang lalong nag-init ang ulo nito. "Now you want me to believe everything that happened before was my fault? Who the hell slept with Migz while I was away, huh?"

Nagilalas siya. Ilang sandaling naitanong niya sa isip niya kung totoo ba ang narinig niyang sinabi nito.

He scoffed. "You think I wouldn't find out? Well, I did. I saw you with my own eyes, so don't even try to deny it to me."

"What the hell are you talking about?" Bulyaw niya sa lalaki mayamaya, ibig na namang mag-hysteria. Nag-iimbento na ito ngayon ng istorya.

"Really, Alex, stop acting innocent. I can still remember the tattoo on your ass."

"So?"

"So, I saw that same tattoo while Migz was fucking you and I thank you for putting that on for I would never have known! I would never have believes it was you! Because you had me fooled completely, Alex. Completely!" Galit na sigaw ng lalaki rito.

"I never slept with Migz!"

"Right." Tila may pag-uuyam sa tinig rito ni King.

"This is very typical of you, King. Ganito ka talaga. You keep me in the dark. I don't even know what you're talking about. Naiintindihan mo ba? Hindi ko alam ang sinasabi mo. Pero dito mo ako isinisiksik na pilit sa puwestong ito at wala akong mapuntahan dahil hindi ko alam kung saan ako! At ginagawa mo na itong dahilan, itong kalokohang sinasabi mo, para malagay mo ang sarili mo sa tama, na ikaw lang ang tama! Hindi ko kayang makipag-usap sa isang tulad mo!" Tuluyan na siyang nagalit rito. Tila, hindi na niya kayang pigilan ang galit na kanina pa gustong lumubas dahil sa lalaki.

Punung-puno na siya.

"I came home early that day and I went to my suite. And I saw you, your tattoo. You and Migz are the only two people who had my key."

"At ako na agad ang naisip mong nandoon?"

"I saw the tattoo."

"But did you see me? Did you see my face?"

"No." mahinang sambit nito.

"You automatically presumed it was me!"

"It doesn't make any sense..."

"Keith sold those stick-on tattoos!"

"And you two just happen to place the same fake tattoo on the same spit. Right." Sarcastic nitong sabi sa kaniya.

"I am sick and tired of you! Why don't we find out then, huh?" Inilabas niya ang cell phone niya at tinawagan si Keith. May numero siya rito kahit hindi sila nito madalas nagtatawagan.

"What are you doing?" Kunot-noong tanong ni King sa kaniya.

"Proving to you what a big asshole you are." Noon mayroong sumagot sa kabilang linya. She put on the speakers of the mobile phone.

"Keith, it's me, Alexandra. I just want to know something..."

"What is it?" tanong ng nasa kabilang linya.

Noon siya biglang natigilan. Paano ba niya itatanong ang sensitibong bagay na iyon sa babae? Pero nakatingin sa kanyan si King. Lalo na nitong sasabihin sa kanya na siya ang naroon sa suite nito kung hindi niya iyon itatanong sa babae kaya naglakas-loob na rin siya.

"Did you and Migz make love in King's room?"

"What?" tila nabigla si Keith sa biglang pagtatanong niyon sa kaniya ni Alexandra.

"I just want to know."

"What a question."

"Well, did you?"

"Well, yes. One time." Tumawa ito nang bahagya, tawang tila nahihiya. "You have to understand, we did not really plan for it. In just sort of happened. Sinamahan ko siya roon. He kind of teased me. I showed him the fake tattoo on my butt. Natatandaan mo'yon? Bumili ka rin nga sa akin no'on. Well, one thing led to another and now we're married with kids! Why did you ask all of a sudden anyway?"

Noon nagsalita si King, saka kinuha sa kanya ang cell phone. "We were just settling a bet, Keith. How are you doing?"

"Mr. Verdi?"

"Yes. Do tell Migz I owe him big-time. Goodbye." Paalam nito sa tanong nasa kabilang linya.

"I guess now you're thinking maybe this was a plan, for how could Keith so very easily volunteered the tattoo information? That's very convenient for me, isn't it? Too convenient." Sarkastikong sambit nito sa lalaki.

Muli ay umiyak siya.

Ang sama na naman ng loob niya, kahit sa isang banda ay nauunawaan niya kung bakit nagalit ito sa kanya noon. Sa kanyang pagkabigla ay niyakap siya ni King nang mahigpit.

Sa sobrang pagkabigla ay hindi na niya nagawang mag protesta pa rito. Isama pa ang tila pagod na niyang katawan at isipan.

"Would you ever forgive me, Alex?" Hinging tawad rito ni King.

"Why didn't you confront me? You would've found out the truth if you did." Patuloy parin sa pagtulo ng kaniyang mga luha. Tila ba may sarili itong mga isip na hindi niya kayang patigilan pa.

Love Affair with My BossWhere stories live. Discover now