Chapter 1

10.5K 91 3
                                    

Angel's P.O.V.

Umalis ako sa kama at pinagpupulot ang mga damit ko sa sahig.

Ang hangal na 'to. Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay ang tinatapon sa sahig ang mga damit ko.

"Aalis ka na?" Tanong ni Kio sa'kin na hindi pa rin bumabangon sa kama.

"Hindi." Sagot ko. "Dito na ako titira habang buhay." Pilosopong sagot ko.

Malamang aalis na ako. At alam n'ya na 'yun.

Kaibigan ko lang s'ya pero may nangyayari sa'min. Pero hanggang doon lang 'yun. We are just doing this for our needs.

"Tsk."

Nilingon ko s'ya. "Malamang aalis na. Ano ba ang gusto mo? Cuddles? Ew no." Maarteng sabi ko.

Natawa s'ya sa sinabi ko. "Pero ano ba 'yan. Give up ka na kaagad." Aniya at umayos ng higa sa kama.

"May pupuntahan pa ako. Kung bitin ka pa, magsarili ka na lang." Sabi ko.

Napailing-iling s'ya. "I don't do that."

Sinuot ko na ang pang-itaas na damit ko. "Talaga lang ha."

Hindi ako naniniwala.

"Saan ka ba pupunta? Kay Blake?"

Si Blake ay isang kaibigan ko rin. At masasabi kong may nangyayari rin sa amin ng taong 'yun. At kagaya ng sa amin ni Kio, hanggang doon lang at walang malisya ang lahat.

"Hindi." Sagot ko at itinali ang buhok ko.

"Okay. Ingat ka." Aniya.

Tinanguan ko lang s'ya at kinuha ang bag ko mula sa study table n'ya. Tuluyan na akong lumabas sa kwarto n'ya. Walang tao dito sa bahay nila, maliban sa kanya, kaya pinapunta n'ya ako dito kanina. Hindi ko alam kung anong oras darating ang pamilya n'ya pero wala na akong balak alamin dahil aalis na rin naman ako.

Lumabas ako ng bahay nina Kio. Sumakay ako sa motor ko at saka isinuot ng helmet ko. Pinaandar ko na ito at tinungo ang daan pauwi sa bahay.

At bago ang lahat. Ako si Angel. Nagmahal, nasaktan at nagbago. Mabait ako, noon. Pero ngayon ay marami ang nagsabi na nagbago na ako. Dati ay mahal na mahal ako ng lahat pero ngayon ay kakaunti na lang ang taong may gusto sa'kin. Pati ang sarili kong pamilya ay ayaw na sa'kin. Nagpabaya kasi ako noon sa pag-aaral, nagloko at walang ibang ginawa kun'di ang gumimik.

Bakit?

Dahil sa pag-ibig. Iba kasi ako magmahal, buhos na buhos. Wala akong tinitira kahit kaunti para sa sarili ko. 100% na atensyon at pagmamahal ang binigay ko sa ex-boyfriend ko. Wala akong pagkukulang sa kanya. Maging ang virginity ko ay ibinigay ko na sa kanya. Pero ano ang nangyari? Niloko at iniwan n'ya pa rin ako.

Kaya ang masasabi ko lang ay kung gaano mo pa kamahal ang isang tao. Kung hindi s'ya marunong makuntento ay maghahanap pa rin s'ya ng iba.

Noong araw na nalaman kong niloloko ako ng ex-boyfriend ko. Ay iyon rin ang araw na iniwan n'ya ako. Halos gumuho ang mundo ko noon. Kasi hindi ko inaasahan na gagawin n'ya 'yun sa'kin. Pinagkatiwala ko sa kanya ang buong pagkatao ko pero ganoon ang ibinalik n'ya sa'kin. Ang dami kong plano para sa future naming dalawa kasi ang gusto ko ay s'ya na ang taong makakasama ko habang buhay pero ang lahat ng pangarap kong iyon ay gumuho rin.

Tinanong ko s'ya kung ano ba ang kulang sa'kin kung bakit n'ya iyon nagawa sa'kin.

"Ewan. Basta nagsawa na lang ako bigla." Itong katagang ito, ito lang ang narinig ko mula sa kanya.

Nagsawa raw s'ya pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit s'ya nagsawa. Dahil sa pagkakaalam ko ay hindi ako nagkulang. Sumobra pa nga ako, lagpas-lagpas na ang naibigay kong pagmamahal sa kanya pero bakit s'ya nagsawa? Saan s'ya nagsawa? Sa ugali ko? Samantalang mature pa ako sa lahat ng taong mature sa mundo. Saan s'ya nagsawa? Sa katawan ko? Sa performance ko? Dahil ba doon kaya humanap s'ya ng babaeng mas magaling sa kama? O humanap s'ya ng babaeng virgin?

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan s'ya nagsawa. At kahit ilang taon na ang lumipas ay medyo masakit pa rin sa parte ko. Hindi ko alam kung masakit sa puso dahil mahal ko pa s'ya o masakit sa ego dahil nagmahal ako ng ganoon kalala.

Noong araw na iniwan ako ay nagpakatanga pa ako lalo. Sa sobrang lungkot ko na wala na s'ya ay kulang na lang ay habulin ko s'ya. Kulang na lang ay sabihin kong okay lang. Okay lang na may iba ka basta h'wag mo akong iiwan. Muntik ko ng sabihin ang lahat ng iyon sa kanya. Mabuti na lang ay kinausap ako ng pinsan kong si Yvonne. Ang sabi n'ya ay h'wag na akong magpakatanga. H'wag na akong maghabol. Dahil ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ay lilipas rin balang araw. Dalawang linggo akong hindi nag-aral ng mabuti noon. Nasa school ako ng umaga pero tulog. At pagsapit ng gabi ay nasa bar ako at doon uminom nang uminom. Umuuwi lang ako sa bahay upang magligo at magpalit ng damit at pagkatapos ay aalis ulit. Wala akong ibang magawa maliban sa uminom. Sobrang sakit kaya kailangan kong tanggalin 'yun sa loob ko. Pero kahit nalalasing ako, naaalala ko pa rin ang sakit sa tuwing nawawala ang kalasingan ko.

Aaminin ko, halos mabaliw ako noon.

Noong araw na nagpa-tattoo ako. Iyon ang araw na sinabi ko sa sarili ko na ang lahat ng pag-inom ko ay hindi na para sa ex-boyfriend ko. At hindi na ako aasa na babalik pa s'ya. Noong araw na iyon ay sinigurado kong makaka-move on na ako.

Sa kakagimik ko ay nakilala ko ang dalawa. Sina Blake at Kio. Isang gabi ay sobra akong nasaling noon, halos hindi ako makalakad ng maayos. Inuwi nila ako sa apartment ni Blake at doon pinalipas ng gabi. Ihahatid na sana nila ako sa mismong bahay ko pero hindi ko raw maibigkas ng maayos ang address ko kaya doon na muna nila ako dinala. Simula noong araw na iyon ay madalas ko na silang nakikita sa bar na pinupuntahan ko hanggang sa naging close friends kami. At hindi ko rin inakala na pareho kami ng school na pinapasukan, magkaiba lang ng course. BSBA department ako since Marketing ang kurso ko at nasa building of Engineering naman sila. Noong una ay magkaibigan lang kami. Gigimik kapag gusto naming gumimik pero hindi ko namalayan na may nangyayari na pala sa amin ni Kio o hindi kaya ay kay Blake. Pero kagaya ng sinabi ko kanina ay hanggang doon lang. Never akong na-fall kay Kio o kay Blake. Siguro ay dahil na rin sa past relationship ko kaya ayaw ko na munang magmahal ulit. Gayunpaman, kung magmamahal man ako ulit ay wala sa kanilang dalawa. Hanggang friends lang ang turing ko sa kanila at walang iba.

Huminto ako sa tapat ng gate ng bahay namin. Binuksan ko itong mag-isa at ipinasok ang motor ko. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko mula sa bag kaya kinuha ko ito. Si Blake, tumatawag.

Sinagot ko ito. "Oh?"

"Tara, inom." Pagyaya n'ya.

Mamaya kung saan na naman mapupunta 'yang inom inom na 'yan.

"Pass muna." Sabi ko.

"Ay bakit." Tanong n'ya.

"Mag-aaral na muna ako."

Kung noon ay naging pabaya ako sa pag-aaral, ngayon ay hindi na. Kaya kong pagsabayin ang alak, pag-aaral at sex.

"Nag-aaral ka pala?" Pabirong tanong n'ya.

"Tse!"

Natawa s'ya sa kabilang linya. "Sige, next time na lang, I guess."

"Yeah!" sagot ko.

"Cool!" Aniya at pinutol ang tawag.

Binalik ko na ang cellphone ko sa bag at pumasok sa bahay. Naabutan ko ang kapatid kong babae na nag-aaral sa may sala. Nilingon n'ya ako, nang nakita n'yang ako lang pala ang taong pumasok ay hindi n'ya na ako pinansin. Hindi ko na rin s'ya pinansin at naglakad papunta sa kung saan ang kwarto ko.

"Himala, maagang umuwi ang isa d'yan." Parinig ni mommy nang nakita n'ya ako.

Hindi na ako umimik at nagpatuloy sa paglalakad. Baka kasi mamaya ay magsigawan na naman kami bigla.

"Nakakaalala pa pala ng bahay ang isa d'yan." Muling parinig ni mommy.

"Oo naman. Nakakauwi pa rin dito hanggang ngayon eh." Gatong ni ate na nakasalubong ko.

At kagaya ng ginawa ko ay hindi na rin ako umimik. Pumasok na ako sa kwarto ko at kaagad na nilapag ang bag sa kama kasabay ang pag-upo ko rito. Sanay na ako sa mga salita nila. Hindi na ako nasasaktan sa mga pakikitungo nila sa'kin. Manhid na manhid na ako pagdating d'yan.

Dahil sa nangyari sa'kin sa mga nakaraang taon. Nawalan sila ng pag-asa sa'kin. Akala nila ay wala na akong gagawing matino. Akala nila ay puro ako kalokohan. Pero hinahayaan ko na lang kung ano ang iisipin nila sa'kin. Basta ako, alam ko kung ano ang ginagawa ko. At alam kong hinding-hindi na ulit ako maliligaw ng landas.

Anyway, welcome to my life.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon