Chapter 31

1K 14 0
                                    

Angel's P.O.V.

"Ikaw Yssa ha. Sinasabi ko sa'yo. H'wag na h'wag na h'wag na h'wag mo talaga akong pipikunin." Sabi ni Carlo kay Yssa.

Tawa kami nang tawa dito dahil kanina pa 'yan ganyan si Carlo. Lasing na kasi s'ya. At paulit-ulit n'yang sinasabi 'yun kay Yssa dahil simula pa kanina ay inaasar na s'ya ni Yssa na mabilis malasing.

"H'wag na h'wag mo talaga akong susubukan. Siraulo ka." Dagdag pa ni Carlo habang nakaupo at sumandal.

"Maya-maya lang bagsak na 'yan." Natatawang sabi ni Blake.

"Ayan na nga eh. Nagsisimula na ngang bumagsak 'yan. Pasandal-sandal pa 'yan ngayon. Mamaya pipikit na 'yan." -Patrick.

"Subukan mo lang talaga akong pikunin. Subukan mo lang." Sabi ni Carlo habang dahan-dahang pinikit ang mga mata.

"Paulit-ulit ka." Sabi ni Yssa.

"Ayan na. Nakapikit na ang mga mata." Natatawang sabi ni Kio.

"Wala na, bagsak na." Natatawang sabi ko.

"Sinasabi ko lang na h'wag na h'wag mo akong pipikunin." Sabi ni Carlo habang nakapikit pa rin ang mga mata.

Lagi n'yang sinasabi na h'wag s'yang pipikunin pero hindi naman sinasabi kung ano ang mangyayari kay Yssa kapag napikon s'ya.

"Ewan ko sa'yo." Sabi ni Yssa. "Kanina ka pa nga pikon d'yan."

Natawa lang kami sa kanila. Ang kulet rin nila magsama.

Napatingin ako sa relo ko. 8:57 pm na pala. Kailangan ko na yatang umuwi.

"Blake."

Nilingon ako ni Blake. "Bakit?"

"Uuwi na ako." Sabi ko.

"Agad-agad? Kararating ko lang dito." Sabi ni Blake.

'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Tinatamad na naman umalis 'yan.

"Kailangan ko na umuwi. At kanina ka pa dito. Tamad ka lang eh." Inis na sabi ko.

Mas okay kasi kapag si Blake ang naghatid sa'kin. Mas mabilis kaming makakarating. Mahirap kasi kapag kotse ni Kio ang gamit. Kapag nag-shortcut kami ay may madadaanan kaming one way lang. Baka matagalan kami kapag may makakasalubong kami.

"5 minutes." Sabi ni Blake.

"'Yang 5 minutes na 'yan aabot 'yan ng 15 minutes." Sabi ko.

"Grabe ka naman. Hindi naman ganoon." -Blake.

"Ayusin mo lang talaga." Inis na sabi ko.

"Relax ka lang." Aniya. "Kalma lang."

"Kapag ako talaga..." Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil alam na rin naman n'ya ang ibig kong sabihin.

"Chill. Makakauwi ka sa inyo bago mag-9:30." Aniya at itinaas baba ang kilay.

Hindi na ako umimik at sumandal. Napatingin ako kay Kio dahil nilingon n'ya ako. Halatang natatawa s'ya sa'kin.

"Ngayon lang kita nakitang problemado." Natatawang sabi n'ya sa'kin.

"Hindi ako pwedeng lumagpas ng 9:30 pm. Baka mamaya biglang i-adjust ni daddy 'yan kapag hindi ako nakauwi ng tamang oras."

Natawa s'ya ulit. "Kalma. Ano ka ba."

"Paano ako kakalma?" Inis na tanong ko.

"May 30 minutes pa. Huminahon ka nga." Aniya.

Hindi na ulit ako umimik at nanahimik na lang.

***

At hindi nga ako nagkakamali. 9:15 pm na at hindi pa rin kumikilos si Blake. Napasarap kasi ang kwentuhan nila ni Yssa, Kio at Patrick kaya ganyan.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon